Chapter 43: Unggoy

16 1 0
                                        

Chapter 43: Unggoy

Maraming dugong nawala kay Martin. Halos mawalan na siya ng malay nang makarating siya sa isang maliit na clinic malapit sa Yebian nila Madame kung saan nagtatrabaho si Linda. Kaagad siyang nag-message dito upang humingi ng tulong. 

Nilapatan siya ng paunang lunas sa clinic. Tapos ay sa tulong ni Linda ay napadala siya sa isang maliit na ospital sa Wuhan. Pinalitan muna ang suot niyang damit upang hindi ma-trace na siya ang nagnakaw sa Prime Minister at pumatay sa tigre nito. 

Nagising nalang siya sa isang private room ng ospital. Naroon at nagbabantay si Linda. Pinakita kaagad nito ang naka-type ng mensahe sa phone. Okay ka na? Nag-alala ako sayo. Pinaghahanap ka na ng mga tauhan ng Prime Minister. Mukhang mahihirapan nga lang sila dahil magaling ang ginawa mo. Walang mukha mo ang nakuhanan sa mga CCTV. Pati ang totoong tagapagbantay ng tigre ay hindi ka nakilala.

“I know right! Sobrang ayos talaga ang misyon kong ‘yun. Kung totoo lang si Lupin at ang Money Heist na palabas baka sa akin pa sila humingi ng advice sa tamang paraan ng pagnanakaw eh. Ang nakakabwisit lang talaga sa nangyari ay hindi ang pagkabaril sa akin. ‘Yung jowa mo. Hindi naman pala niya kailangan ang puso ng puting tigre pero pinakuha niya pa sa akin. Baliw talaga ‘yun. Humanda talaga sa akin ‘yun sa oras na matapos ko ang misyon ko.”

Sorry kung nararanasan mo ito sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay itutuloy mo pa rin ang misyon mo kay Xavier?

“Oo naman. Nangako na ako sayo hindi ba na gagawin ko ito para matulungan kang matakasan ang lalaking ‘yun?” bigla siyang may naalala. “Okay na ba ang bata? Buntis ka na?”

Ngumiti ito. “Oo Martin. Buntis na ako. May sasabihin ako sayo matapos mong magawa ang huling dalawang misyon mo.”

“Okay sige.”

Makalipas ang isang buwan ng pagpapagaling. Dalawang buwan nalang ang nalalabi sa kanyang limang buwan na taning upang matapos ang kanyang misyon. Isang buwan pa ang lumipas. Ginamit niya ang buwan na iyon upang paghandaan ang kanyang huling dalawang misyon. Mas metikuloso pa ang ginawa niyang paghahanda. Wala na siyang planong mabaril pa kahit na buong China na ang nakaabang sa kanya sa pagkakataong iyon. Lahat ng matataas na opisyal ng pamahalaan at pinakamayayamang tao sa bansa ay nasa red alert ang security dahil sa nagawa niyang pagnanakaw at pagpatay sa puting tigre ng Punong Ministro.

Upang manakaw ang unggoy ng Presidente ay kakaibang strategy ang ginawa ni Martin. Kinaibigan niya ang kabit ng pangulo. Tama, may kalaguyo ang pangulo. 

“Oooppss… sorry!” kunyari’y nabunggo niya ito sa paboritong restaurant ng kabit. Isa itong ingleserang Intsik na mali-mali naman ang grammar. 

“Okay it’s okay.” Tugon ng babae. Ang kabit ng presidente, ang pangalan Gina Gong.

“Wow you’re so beautiful. Are you a celebrity here in China? I am a fashion designer from Maldives. You might not know me yet but can I show you my fashion collection that will surely captivate the hearts of the world.” Syempre pa umarangkada na naman ang kanyang mapambolang mga labi. Base kasi sa kanyang research ay ambisyosa ang kabit na ito. Isa lamang starlet pero maganda. Medyo Bobita pero magaling mang-akit. President nga ng isa sa pinakamakapangyarihang bansa ang nabihag eh. Fashionista rin ito. Lahat yata ng mamahaling brand ay meron itong koleksyon mula sa bag, sapatos, damit at jewelries. Kaya naman isang bading na fashion designer ang get up ngayon ni Martin.

“Oh! Really! Thank you for saying that I am beautiful and gorgeous.” Wala naman siyang sinabing gorgeous eh. “But I don’t do not collab with unknown fashion designer.”

“Okay ma’am no worries. I will just offer it to Karen Lee.” Si Karen Lee ang isa pang starlet na kasabayan ni Gina. Gayunpaman ay hindi na ito starlet. Magaling kasi itong umarte kaya naman nabigyan ng magagandang break. Si Gina kasi magaling lang mang-akit ng lalaki pero malamya kung umarte. Kahit nga raw ilan pang workshop ay hindi na ito matututo pa. Binanggit niya si Karen para ma-trigger ito.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon