Chapter 105: Mysophobia
Heart-pounding ang mga sumunod na tagpo sa ikalimang palapag sa bahaging iyon ng Heaven's Palace. Nanlaki ang mga mata ni Red sa nasaksihan. Ibang klase ang tapang ng kapatid ni Ruby. Nasa lahi talaga ng mga 'to ang katapangan.
Kaunti nalang ay makakagat na si Rona. Kaso lang ay hawak nito ang pagkabilang pisngi ng zombie upang hindi ito makagat. Imagine kung gaano kalakas ang living dead pero nagawa pa rin itong pigilan ni Rona.
"Aaaaah! Tulungan niyo ako! Ateeeee!" Sigaw na nito.
"Pula tulungan mo ang kapatid ko please." Pakiusap sa kanya ni Ruby.
"Tabi!" Saka niya inasinta ang ulo ng zombie. Nagtagumpay naman siya. Sabog 'yun at tuluyang nawalan ng buhay.
"Aaaah!" Gumapang si Rona palayo sa duguang bangkay. Hawak pa nito ang tiyan.
"Rona ayos ka lang ba?" Dagli rin itong niyakap ng nakatatandang kapatid.
Samantala ay akmang tatakasan naman sila ni Ralph. "Hoy ikaw saan ka pupunta? Pinaalis na ba kita?" Tanong niya rito. Tinutukan niya rin ito ng baril.
"Ginawa ko na ang gusto niyo di ba? Hinatid ko na kayo rito sa kinaroroonan ni Rona. Kailangan kong mabuhay dahil sa ayaw at sa gusto ninyo kailangang matapos ang mass production ng bakuna. Napakarami nang nasayang kanina nang doon unang lumusob 'yang mga putang inang zombie na 'yan. Gusto niyo bang mamatay 'yung mga infected? Gusto niyo ba?"
Nagtagis ang kanyang bagang. Ayaw niya 'yun syempre. Hindi hahayaan ni Red na masayang ang effort nila Myrna at Prances na mailigtas ang bilyong mga tao.
"Pula hayaan mo na siya." Saad ni Ruby. "May tamang panahon para singilin natin ang tarantadong 'yan."
Binaba niya ang kanyang hawak na baril. Kinalma niya ang sarili.
"Ralph. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Biglang sambit ni Rona.
"Pwede ba Rona tumigil ka na. Hindi naman kita gusto eh. Wala akong planong maging tatay pa at maging pamilyadong tao. Tigilan mo na nga ako. Pinatulan lang kita 'non, just for sex. Nalibugan lang ako. 'Yun na 'yun. Sumama ka na sa ate mo. Kapag natapos ko 'tong mass production ng vaccine, alam mo bang ang premyo ko sa Panginoong X ay mga babae. Mga babae na hindi buntis at malamang mas fresh sayo. Dyan na nga kayo." Saka na ito umalis at sila'y iniwan.
Mas okay na rin ang mga sinabi nito para hindi na magmatigas si Rona at hindi na mahirapan pa si Ruby na magbuwis buhay. Pero wala naman siyang magagawa sa mga desisyon sa buhay ng magkapatid. Nakikiusyoso nalang siya 'dun.
"Oh ano Rona? Narinig mo naman ang sinabi ni Ralph, hindi ba? Tigilan mo na siya. Wala siyang planong panindigan 'yang anak niyo. Hindi mo na kailangang ipagsiksikan mo ang sarili mo sa kanya. Wag ka nang pumunta pa sa lugar na 'to. Nakikiusap ako kapatid ko. Aalagaan natin ang anak mo, ang pamangkin ko. Wag ka nalang pumunta rito please." -Ruby.
"Hindi naman ako nagpunta rito para pilitin siyang panagutan ako eh ate. Nandito ako para patayin siya." Pagbubunyag nito.
"A-no kamo?"
"Kasama sa mga plano namin ang mga zombieng 'to ate. Kaya hindi niyo pwedeng paalisin nalang ng ganon si Ralph. Kailangan siyang mamatay."
Humakbang si Red palapit sa magkapatid. "Sinong kasama mo sa planong 'to Rona? Si Jonathan? Magkakilala kayo ni Jonathan? Siya ang nakaimbento nitong mga zombie hindi ba?"
"Si Jonathan nga. Nais niyang pumalit bilang buhay na Diyos kay Xavier. Gusto niya itong mabagsakin dahil sa ginawa nitong pagtaboy sa kanya." - Rona.
"P-paano kayo nagkakilala ng hayop na Jonathan na 'yun?" Tanong ni Ruby sa kapatid.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
