Chapter 132: Pamamagitan
Dahil nga sa pagpapanggap ni Joey na tricycle driver ay nalaman niya ang kuta ng magkabilang grupo. Kailangan na niyang isakatuparan ang misyon niya para sa kapatid na si Joaquin. They needed to know the better team. Iyon ang magiging batayan nila kung saan kakampi sa oras na talikuran nito si Xavier at ang mga kahibangan nito.
Nakita niyang maliban sa mga dating kasamahan nila Myrna ay may kasama pa ang mga 'tong apat na tao sa likod ng van. Tila naka-isolate ang mga 'to. Napansin din niya ang duguang damit ng mga 'to.
"Sino kaya ang mga 'yun?" Tanong niya sarili habang nakatingin sa malayo hawak ang isang telescope. "Bakit sila nagdadala ng mga infected sa kuta nila? Ano kayang plano ng grupo ni Myrna? Ano kayang paandar ang meron sila?"
Pagkagaling sa kabundukan kung saan naroon ang cabin ay nagtungo naman siya sa kinaroroonan ng Diplomat Hotel na nasa kabilang bahagi ng Baguio City. Huminga siya ng malalim habang nagtatago sa labas. May plano na siya pero kailangan niya ng lakas ng loob upang isakatuparan iyon.
"Hindi ako naniniwala sa Diyos. Diyos man na nasa langit o doon sa Heaven's Palace. Pero sana gabayan niyo pa rin ako sa gagawin kong misyon ngayon. Baka maging zombie ako paglabas ng Diplomat Hotel. Hindi nalang mga multo ang naninirahan ngayon sa haunted hotel pero maging mga zombie na rin."
Matapos magdasal ay binuksan niya ang gate sa gawing kaliwa ng lumang hotel. Tapos ay pinalipad niya ang kanyang tricycle hanggang sa main door ng hotel.
"At sino ka naman?!" Si Jonathan ang kaagad na sumalubong sa kanya. Kasama nito ang isang baril na nakatutuk sa kanya. Nasa likuran naman nito si Rona. May detalye siya ng lahat ng mga kapanalig ni Myrna. Hindi siya kaagad nakasagot. Nakipagtitigan na muna siya sa babae. Hindi niya alam kung anong pakay nito sa kalaban ng ate nito. Kung bakit naroon si Rona sa kuta ng kaaway. "Hoy tinatanong kita! Kapag hindi ka sumagot dalawa lang ang patutunguhan mo. Magkakabutas ka sa ulo o mapapabilang ka sa army of the dead ko."
"Patawad po." Sa wakas ay tumugon din siya. "Nagulat lang ako na narito ang babaeng 'yan kasama kayo. Hindi po ba't kapatid siya ng isa sa inyong mga kaaway?" Sinadya niya 'yung i-open up. Kailangang mapaisip niya si Jonathan na alam niya ang mga ganoong bagay.
Nagtinginan sina Jonathan at Rona. Tapos ay binaling sa kanya ni Rona ang atensyon. "Anong alam mo ha? Wala kang alam. Hindi mo alam kung gaano kalalim ang pagkakaibigan namin ni Jonathan na handa akong ipagkatiwala sa kanya ang buhay ko at ang buhay ng bata sa sinapupunan ko para lang makapaghiganti sa lalaking sumira sa akin at sa ate ko. Sino ka ba ha? Sino ka bang nangingialam sa amin? Mabuti pa Jonathan ay ikulong nalang natin 'yan kasama ang mga zombie."
"Patawarin niyo ako. Wala akong ibang ibig sabihin. Natanong ko lamang 'yun dahil 'yun ang nalalaman ko. Galing ako sa Heaven's Palace."
"Galing ka sa Heaven's Palace?" Tanong ni Jonathan. Mas lumapit ito sa kanya at pinahalik ang dulo ng baril sa kanyang noo. "Kung gayon ay isa kang spy?"
"H-hindi! Hindi po ako spy! Kabilang po ako sa malaking grupo na nais nang tumiwalag sa pamumuno ni Xavier. Nagpunta po ako rito para sabihin 'yan sa inyo at makipagsanib sa inyo."
"Hahaha! Alam mo bang ganyan ang linyahan ng mga spy? Hahaha! Alam mo ba 'yun? Titiwalag kayo at gusto niyong sumanib sa akin? Ngek-ngek mo! Nakakairita ka. Ayokong maging bahagi ka ng army of the dead ko kaya naman papaputukin ko nalang 'tong baril ko sa bungo mo."
"Sandali lang Jonathan!" Pagpigil ni Rona rito.
"Anong sandali lang? Pinagdudahan ka nga ng gagong 'to tapos sandali lang? Pipigilan mo pa ako. Shunga ka ba Rona?"
"Paano kung nagsasabi siya ng totoo? Paano kung totoong may grupo nga sa loob ng Heaven's Palace na gusto na ngang tumiwalag sa pekeng Diyos? We need more allies Jonathan. Paano kung imbes na sa atin sila kumampi ay kila Myrna sila sumanib? Hindi natin pwedeng palakasin ang kabilang panig."
Inalis ni Jonathan ang pagkakatutok ng baril sa kanyang noo. Gayunpaman ay para itong bata na nag-tantrums. "Ganon nalang 'yun? Kapag may pumunta rito na gusto kunyaring kumampi sa atin ay tatanggapin nalang natin? Eh parang normal na tricycle driver lang 'to ah! M-medyo maganda ang skin niya para sa isang trike driver pero tingnan mo naman, tricycle lang 'yan!"
"Mas madali pong makaalis sa Heaven's Palace kung tricycle ang gamit at kung magpapanggap akong trike driver na napadaan lang sa palasyo. Hindi po ako nagsisinungaling. Kaya kong patunayan ang intensyon ko." Mabilis na pagsingit ni Joey bago pa tuluyang mawala sa sarili si Jonathan at siya'y patayin.
"That's it Jonathan! That's it! Kailangan niyang mapatunayan na nagsasabi siya ng totoo. We need proof." - Rona. Muling nagtitigan ang dalawa.
Bumaling ang pinuno ng mga zombie sa kanya. "What do you have in mind para maniwala kaming kapanalig ka nga namin at nagsasabi ka ng totoo?" Walang kurap ang pagkakatitig nito sa kanya. Mata sa mata.
Hindi niya pinahalata ang kabang namuo sa kanyang dibdib. Kanina pa siya kinakabahan pero halos hindi na magpaawat ang kabog niyon nang titigan siya nito. 'Yung titig na may pagbabanta. Mas nakakatakot sa baril.
"Una po ay ipapakausap ko kayo sa pinuno namin sa palasyo. Pangalawa po ay handa akong kalabanin ang inyong isa pang kaaway." Mahinahon niyang tugon na tila ba hindi kinakabahan.
"Mas interesado ako roon sa pangalawa. Anong ibig mong sabihin 'dun? Sila Myrna at Prances ba ang tinutukoy mo?"
Tumingin muna siya kay Rona bago sumagot. Namutla ito. Kanina lang ay pinagtatanggol siya nito kahit na pinagdudahan niya ito. Hindi nito alam na babalik din sa grupo ng ate nitong si Ruby ang kanyang mga plano. Pero siyang pakialam. Kailangan niyang maisakatuparan ang kanyang mga plano. Ang kanilang mga plano ni Joaquin.
"Susugod po ako sa kinaroroonan nila Myrna." - Joey.
"Alam mo kung nasaan sila?" Mas lalong naging kalmado si Jonathan.
"Opo. Tumutuloy sila sa isang cabin sa kakahuyan. Doon ang kanilang kuta." Muli niyang tiningnan si Rona. Kitang-kita niya ang paglunok nito.
"Anong plano mo? Paano ka susugod?"
"Kailangan ko po ng isang zombie. Isang zombie lang."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
