Chapter 151: Huling Pulong
Nang magkaroon ng kauna-unahang address si Jonathan bilang bagong buhay na Diyos ay inabangan din nila Myrna, Prances at ng buong grupo nila ang live coverage.
“Ako si Jonathan. Ako ang bago ninyong Panginoon. Buhay na Diyos. Tatawagin niyo akong Panginoong J!” saad nito bilang panimula sa address na iyon.
“Ibang klase talaga siya.” Nagtatagis ang bagang ni Myrna na napakomento. “Hindi niya bagay maging Diyos. Kahit nga Presidente o Barangay Captain man lang ay hindi bagay sa kanya eh. Hindi matatabunan ng mga palamuting nakalagay sa kanyang katawan at ng mamahaling kasuotan ang kasamaan niya. Wala rin siyang leadership power para maging isang pinuno. Noon pa man ay walang kwentang tao na siya. Wala siyang ginawang magandang desisyon sa kanyang buhay.” Galit ang kanyang naramdaman habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking sumira sa kanilang mga buhay sa screen ng telebisyon.
Ilang sandali pa ay nag-play na nga ang isang video presentation. Naroon ang pagsugod ng mga zombie ni Jonathan sa Heaven’s Palace. Ipinakita ang bawat malalagim na tagpo na naganap. Sumunod namang umere ang pagkamatay ni Xavier dahil sa pagkakahulog sa veranda ng penthouse.
“Oh my God!” napatakip ng bibig si Ruby. “Tumalon pala si Xavier. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya eh. Natapos na ang paghahari niya. Tinapos ng dati niyang kanang kamay at kalaguyo. Nakakaloka! Pero sorry kasi nakakaramdam din ako ng kasiyahan sa pagkamatay niya.”
“Hindi pa rin naman tayo mga Santo.” Tugon ni Prances. “Deserve naman talaga. Sa dami ng kasalanan niya sa atin at sa bilyun-bilyong mga tao sa mundo. Kulang pa nga ‘yun eh. Baka sa impyerno nga lahat ng kaparusahan ay binibigay na ngayon sa kanya.”
“Pero grabe rin ‘yung mga zombie ni Jonathan.” Saad naman ni Rona. “Mas naparami niya pa ang mga ‘to. Parang zombie aplocalypse movie ang napanuod ko.”
Nagpatuloy na ito sa pagsasalita matapos ang clips. “Tama ang inyong nakita. Patay na si Xavier. Patay na ang dati ninyong Panginoong X! Ginamit niya lang ako noon upang likhain ang Desire V-30 virus. Ginamit niya ako upang sundin ang kanyang mga kagustuhan. Ginamit niya ako upang matupad ang kanyang ambisyon na maging buhay na Diyos. Ngunit patay na siya ngayon. I realized that deserve to be your one true living God! Ako ang lumikha ng Desire V-30 virus. Pero wag kayong mag-alala. Tapos na ang pandemyang dulot ng virus na ‘yun. Ire-release ko na ang secret files ng virus upang lahat ng bansa ay makagawa ng bakuna laban sa virus. Gagaling na kayo! Matatapos na ang pandemya! Napakabuti kong Diyos hindi ba?” he paused. “Pero ako rin ang lumikha ng mga zombie. Sila ang mga nakita niyo kanina na kasama kong sumugod dito sa Heaven’s Palace. Sila ang aking militar. Nagkatotoo na ang dating napapanuod niyo lang sa pelikula. Ako rin ang lumikha sa kanila. Ang inyong buhay na Diyos ay kayang gawing posible ang mga imposible. Wag kayong mag-alala. Hindi ko naman palalaganapin ang aking mga zombie. Hindi ko sila pasusugurin sa inyo. Pero kailangan ko silang i-maintain. Para ma-maintain sila, ang una kong utos ay magbigay ng five percent. Five percent lang ah. Magbibigay ng five percent ang bawat bansa ng kanilang kabuuang kita sa Heaven’s Palace. Gagamitin ang malilikom na pera sa maintenance ng mga zombie ko upang walang makatakas sa kanila. Gagamitin ko rin ang pera upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang hindi sumunod na bansa ay susugurin ng aking mga zombie. Lahat ng tao sa bansang suwail ay mamamatay at magiging zombies na rin. Ang ikalawa at huling utos ko ay sambahin ako. Syempre ako ang Diyos niyo dapat lang na sambahin niyo ako. Kasama sa inyong pagsamba ang paggawa ng mga simbahan na nakalagay ang aking larawan. At wag hahayaang sisiraan ako ng ibang mga tao. Kayo na ang bahala sa gagawin ninyo upang turuan ng leksyon ang mga taong sinisiraan ako. Di ba ibang klase ang freedom sa aking pamumuno bilang buhay na Diyos?”
“At talagang ibabahagi na talaga niya ang secret files ng Desire V-30 virus ah? Pero manghihingi siya ng fiver percent na suhol at kabayaran sa lahat ng mga bansa! Hahaha! Ibang klase talaga ang loko! Mukhang pera talaga! Easy money ‘yan! At sa loob lang ng isang buwan ay magiging pinakamayamang tao na siya sa buong mundo!” napapalakpak siya sa matapos ang litanyang iyon ni Jonathan.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ciencia FicciónAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...