Chapter 77: Buhay at Kamatayan
Pagmulat ng mga mata ni Carmela ay umiikot ang kanyang paningin. Nahihilo siya. Para siyang naka-high. Literal na langit ang pakiramdam niya kung nasaan man siyang silid ng Heaven’s Palace. Luminga-linga siya sa paligid. May dalawang taong nakatingin sa kanya habang siya nakahiga. Demonyo ang tingin niya sa mga ‘yun. Sabay pang tumatawa ang dalawa. ‘Yung tawang nababaliw at tama ng mga walang pusong criminal. Hindi siya maaaring magkamali, sina Xavier at Jonathan ‘yun.
“Carmelaaaa gising naaaa…” saad ni Jonathan.
“HAHAHA!” tumawa naman ng ubod ng lakas si Xavier.
“Aaaahh… Aaaahh… M-mga hayop kayo. M-mga kampon ni Satanas. Mga demonyo!” Wala pa rin siya sa sarili. Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib at parang binibiyak naman ang kanyang ulo. Marahil epekto pa rin ‘yun ng kung anumang gamot na isinaksak sa kanya ni Jonathan. Hanggang ilang minuto pa nang tuluyang mawala ang kanyang pagkabangag sa gamot na iyon. Muli niyang iginala ang kanyang paningin. Nasa loob siya ulit ng laboratoryo ni Jonathan sa palasyo. This time ay nakatali na siya sa experimental table ng lab. Ang dalawang baliw nga ang nasa kanyang magkabilang gilid. Pilit siya nagpumiglas sa pagkakatali niya. “Aaaaah! Pakawalan niyo ako rito! Pakawalan niyo ako! Mga demonyo kayo! Mga baliw! Aaaaah!”
“HAHAHAHA! Baliw na nga siguro kami Carmela pero kami ang mga baliw na hawak ang buhay mo at ng buong mundo. Higit sa lahat hawak namin ang buhay ng nanay mo. Hahaha!” – Xavier.
“Hayop ka Xavier! Hayop ka! Pakawalan mo ako rito! Wag niyong kakantiin ang nanay ko! Nananahimik siya eh! Humanda kayo sa akin sa oras na makawala ako rito! Kukuhanin ko talaga ang secret files! Sisiguraduhin kong matatapos ang lahat ng kahibangan ninyo!”
“Hahaha! Para namang makakawala ka pa dyan Carmela.” Mas lumapit sa kanya ang huwad na Diyos. “Alam mo sa simula palang hindi ko na gusto ‘yung mga hindi mo pagpapakabit ng metal. ‘Yung mga panghihimasok mo sa mga desisyon ko. Wala ka namang matinong ambag sa kinalalagyan ko ngayon kundi ang kontakin ang iba pang PR team ng media outfits at social media platforms. Marami ka lang talagang nalalaman tungkol sa akin kaya pumayag akong maging bahagi ka ng team ko. Pero napalitan na kita. Sa ilang oras na pagtulog mo ay naipalit ko na sayo ang assistant mong si Joan. Alam mo bang naganap na rin ang first press release ko after siyang humalili sayo? Naihayag ko na ang tatlong planong sinabi ko sa inyo kanina. Habang gumagawa pa rin ng plano ang mga bansa laban sa akin ay tatapusin n ani Jonathan ang ikatlong bakuna. Sinisimulan na rin ni Yberr ngayon ang mas mabisang integration ng micro chip sa virus at sa katawan ng tao. Pinasimulan ko na rin ang pag-roll out ng bakuna sa mga hayop at halaman sa maliit na porsyento sa mga bansa. Dahil doon ay nakita nila ang epekto ng bakuna sa mga ‘to. Gumaling na ang ilang mga hayop at halaman. Halos mabaliw na sila na ma-experience ng lahat ang bakuna. Sinabi ko rin na fake news lang ang sinabing wala pa ang ikatlong vaccine. Hangga’t naniniwala sila sa mga fake news ay hindi ko pasisimulan ang pagbabakuna sa mga tao. Muli ay kontrolado ko na naman ang mga tao. Kontrolado ko na naman ang buong mundo. Kami lang ni Jonathan ang nakakaalam ng kabuuan ng Desire V-30 virus. HAHAHA! Wala kayong kalaban-laban na kumokontra sa amin. WALA!” saka siya nito tinalikuran.
“Hayop ka Xavier! Niloloko mo ang mga tao! Ginagamit mo ang syensya para hawakan ang lahat sa leeg!” bulalas niya.
“Ayan ang napapala ng mga taong minamaliit ang mga katulad naming science ang kakampi sa buhay. Tapos na ang era ng pangmmaaliit ninyo sa amin. Alam niyo na ngayon kung sino ang matalino. At kaming matatalino ang makapangyarihan. Ako ang Diyos. Wala kayong ibang dapat gawin kundi sambahin ako.” He paused. “Jonathan ikaw na ang bahalang makipag-usap sa babaeng ‘yan. Alam mo na ang gagawin mo sa kanya.” Saka ito tuluyang umalis ng lab.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ciencia FicciónAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
