Chapter 122: New Plans, New Victims

10 1 0
                                    

Chapter 122: New Plans, New Victims

Nagtipon-tipon ang buong team nila Myrna at Prances sa sala ng cabin matapos ang press release ni Xavier. Naroon sina Red, Caloy, Ruby, Yberr, Manolo at Rona. Si Prances ay nakalayo ngunit sapat naman ang distansya upang makapag-participate ito. Gabi na kaya natutulog na ang mga bata. Si lola naman ay pinaghanda sila ng kape na maiinom. 

“Hindi na tayo dapat pang mag-aksaya ng panahon. Kailangan na nating gumawa ng isang konkretong plano para mapabagsak si Xavier. Tama kayo. Sa bawat planong gawin natin ay one step ahead siya. Sa huli ay bumabalik din sa atin ang pagkatalo at ‘yung demonyong ‘yun ang nakikinabang sa lahat. Isama pa si Jonathan na hindi nag-iisip. Nasisi na siya’t lahat ngayon tapos ay kaaway na rin siya ng buong mundo dahil ‘dun sa mga zombie niya. Shunga eh.” Mahabang panimula ni Myrna.

“Ano kaya kung unahin na muna natin si Jonathan?” tanong ni Ruby. Tiningnan nilang lahat ‘to. “Di ba? Kung ginugulo niya lang ang lahat at emeepal siya with his zombies ay mabuting siya na ang unang mawala sa landas natin.” 

“Anong ibig mong sabihin sa mawala?” tanong niya rito.

“Patayin. Itegibels. Ano? Wag niyong sabihing naaawa pa rin kayo sa taong ‘yun. Hindi na siya tao. Walang tao ang kayang gumawa ng isang virus at zombie. Baka kung ano pa ang maimbento ‘nun sa future. Kung may mas malala pa sa nangyayari ngayon ay baka magawa na ni Jonathan. Hindi rin naman natin siya pwedeng ipakulong lang. Sa laki ng kasalanan niya sa buong mundo ay ano? Ikukulong lang siya? Baka mapasarap pa ang buhay niya sa loob ng kulungan eh.”

“Hindi po ako kokontra sa pagpatay kay Jonathan. Kulang pa nga siguro ang kamatayan na parusa sa hayop na ‘yun.” May pinaghuhugutan na naman si Caloy. 

“Dudungisan natin ang ating mga mga kamay sa demonyong ‘yun?” tanong ulit ni Myrna.

“Hindi naman tayo papatay ng inosenteng tao eh.” Mabilis na tugon ni Ruby. “Papatay tayo ng isang tao na hindi makatao at pumatay na ng bilyun-bilyong mga tao dahil sa nilikha niyang virus. Katarungan ang tawag ‘dun. Katarungan na sadyang mailap na sa panahong ito.”

“May iba ka bang naisip Myrna?” biglang tanong ni Red.

“May punto naman kayo eh. Hindi matatapos ang lahat ng ‘to hangga’t buhay sina Jonathan at Xavier. Pero bakit hindi natin hayaang silang dalawa ang magpatayan? Pag-igtingin natin ang galit nila sa isa’t-isa hanggang sa pareho na nilang hangarin ang pagkawala ng bawat isa. Sa gayon ay hindi madudungisan ang ating mga kamay ng madumi nilang dugo.”

“Pero paano natin gagawin ‘yun Myrns?” si Prances ang nagtanong.

Tapos ay pinag-usapan na nga nila ang kabuuan ng kanilang mga plano. Mabusisi iyon at hindi basta-basta. Metikuloso ang bawat detalye. Hindi na sila pwedeng magkamali pa. Kasama na rin sa planong kanilang nabuo ang pagsingit kung paano makakakuha ng mga kemikal at sangkap na gagamitin sa pagbuo ng bakuna. Ilang sandali pa ay palabas si Rona na may dalang bag.

“Rona saan ka pupunta? Gabi na.” puna ng ate nitong si Ruby.

“Magtatagumpay ang mga planong nabuo kung may tao sa loob ng kampo ni Jonathan. I volunteer ate.” Tugon ni Rona.

Napatayo si Ruby mula sa pagkakaupo. “No! Hindi mo gagawin ‘yan Rona! Buntis ka! Wag mo naman sayangin ang effort ko para mailigtas ka sa Heaven’s Palace sa kamay ng mga demonyong ‘yun oh! Don’t do this Rona. Please.”

Lumapit ito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kanyang ate. “Ate… trust me this time. Please. Trust me. Hindi ako sasaktan ni Jonathan. Believe it or not pero kaya ko siyang paikutin. Kilala ko na siya ngayon. Kilala ko rin ang dating siya. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay niya. Alam ko kung paano kukuhanin ang loob niya para matupad ang mga plano. Gagawin ko ‘to ate hindi lang para sa atin. Hindi lang para makapaghiganti. Hindi lang para sa natitirang populasyon ng mga tao. Gagawin ko ‘to para sa aking anak ate. Kapag nagtagumpay tayong mawala ang dalawang grupo ng mga demonyo ay kasamang mawawala si Ralph. Matatahimik na ako. Magkaroon pa ng magandang kinabukasan ang anak ko dahil tapos na ang pandemya. So please ate. Let me do this.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon