Chapter 126: Pamilya X
Sa Session Road kinaumagahan…
Maagang nagtipon-tipon na sina Caloy, Yberr, Manolo, Ruby at Rona sa sala ng bahay. Natutulog pa sila sina Maliah at Hope.
“Tumawag nga pala sa akin si Myrna at Red kagabi.” Bungad ni Caloy.
“Anong sabi nila?” agad na tanong ni Manolo. “Nakakuha ba sila ng vaccine para kay Prances?”
“H-hindi raw eh.” Nanlulumo niyang tugon.
“Ha?!”
“Bakit?!”
Sabay-sabay ang reaksyon ng mga ito na magkahalong gulat at panlulumo rin.
“Nakakuha sila ng isang bakuna pero ibinigay nila sa iba. Isa lang ang kinuha nila dahil mas kinakailangan daw ang mga bakunang paalis kahapon ng mga thirtieth day of infection ngayon dahil ‘dun sa nangyaring pagpapa-ulan ng virus.” Paliwanag niya.
“Grabe talaga sila Myrna at Prances. Kahit talaga sa gitna ng pandemya at kahit sila na ang nadedehado ay kabutihan pa rin ang pinapairal nila. Sana all talaga.” Komento ni Ruby.
“For sure naman may plan B sila.” Saad ni Yberr.
“Sigurado ‘yan.” Segunda ni Manolo. “Hindi papayag ang kapatid kong si Myrna na mapahamak si Prances.”
“Kailangan na raw nating umalis dito.” Sambit ni Caloy matapos ang palitan ng komento at mga kuru-kuro sa resulta ng misyon nila Myrna, Prances at Red. “Nakahanap sila ng isang cabin na safe na hideout natin. Nag-send sila ng map sa gc natin.”
“Oh sige tara na.” – Manolo. “Ako na ang bahalang kumarga sa mga bata dahil tulog pa sila.”
“May pinapakuha pa muna sila sa atin bago tayo umalis dito.” Saad niya.
“Ano ‘yun?” tanong ni Ruby. “Pagkain? O gagamitin sa paglikha ng vaccine? Malamang ang plan B ay gagawa nalang ulit sila ng vaccine na ituturok kay Prances.”
“Kasama ‘yan sa bilin nila.” Tugon niya. “Pero meron pa.”
“Meron pa?” – Yberr.
“Isama raw natin ang pamilya ng kapitbahay natin.”
“Ha?” nakangangang reaksyon ni Ruby. “At talagang magkakawang gawa pa talaga tayo ah. Naka-close na nila kaagad ang kapitbahay natin dito sa Session Road?”
“Tingin ko alam ko kung bakit nila pinapasama ang mga kapitbahay natin.” Yberr said. “Bilang ako ang pinakamatagal dito ay naririnig ko ang mga kakaibang ungol sa kabila. Marahil ay napansin at narinig din nila ‘yun. Infected sila.”
“Ha?” Hindi lang napanganga si Ruby. Nanlaki pa ang mga mata nito. “Bakit naman nila gustong magsama pa tayo ng infected? Pamilya pa ha? Hindi na nga nakakuha ng bakuna para kay Prances. Tapos ngayon magdadagdag pa tayo ng mga kasamang infected. Ano ‘to more chances of winning na mahawa tayong lahat ng Desire V-30? ‘Yun ba ang goal? The more, the merrier ganern?”
“Ate bibig mo.” Pagsaway dito ng kapatid na si Rona.
“Kakaiba raw ang mga infected sa kabila kaya kailangan natin silang makuha bago pa si Xavier ang makakuha sa kanila.” Sagot ni Caloy.
Sila ni Manolo ang lumabas upang kuhanin ang kanilang mga kapitbahay. May sugat pa si Yberr kaya hindi na ito pinasama. Dahil makulit at nais makiusyoso ni Ruby kaya sumama na rin ito. Inayos na muna nila ang plastic barrier sa likod ng kanilang van. Siniguro nilang maayos ang pagkakadikit ng mga ‘yun upang walang hangin na mag-penetrate papunta sa side nila. Hangin na maaaring magdala ng virus papunta sa kanila. Hinanda rin nila ang natitirang supplies nila ng PPE, facemasks at face shields na ipapasuot nila sa mga ‘to. Tapos ay palihim na silang tatlong sumilip sa bakod sa pagitan ng dalawang bahay. Tumambad sa kanila ang isang malaking kulungan ng mga aso. Puno iyon ng dugo pero wala nang nakakulong.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...