Chapter 57: Vlog

20 1 0
                                    

Chapter 57: Vlog

Naghintay si Martin kay Prances sa ilalim ng puno. Dinama niyang mabuti ang malamig na hangin na nagmumula sa mga daho. Hindi nga siya sigurado kung handa siyang makausap ng sila lang si Prances eh. Noon pa man ay hindi na sila magkasundo. Kahit alam na niyang nagseselos lang ito kaya siya nito binabara at inaaway ay ito pa rin ang kanyang karibal sa babaeng kanyang nagustuhan. Pero wala na eh. Hindi na siya magagawa pang piliin pa ni Myrna. Hindi naman siya pwedeng maging kontrabida sa kwentong ito dahil pangalawang buhay na niya ito. May iba pa siyang misyon. Iyon ang makuha ang anak nila ni Linda.

“Ehem!” kunyari’y umubo si Prances. Hindi niya ito nilingon. “Martin pwede ka bang makausap?” tanong nito.

Saka niya lang ito hinarap. “Ano ‘yun Prances?”

“Martin gusto ko lang mag-sorry sa mga inasal ko laban sayo nitong mga nakaraang araw. I’m really sorry. Hindi ko sinasadya. Mas nangibabaw ang selos ko kaysa sa tamang judgments ko sa majority ng mga circumstances na ‘yun. Sana ay mapatawad mo ako.” Babae pa rin ito at napakalambing pang magsalita. Ang hirap na dedmahin nito. 

Huminga siya ng malalim. “Hindi naman ako mapagtanim ng galit eh. Kay Xavier lang. ‘Yung mga banggaan nating nitong mga nakaraang araw ay wala na ‘yun. Okay na ‘yun.”

“Thanks Martin. Kung okay na tayo ay bakit umalis ka kanina sa van?” tinanong pa nito. Ayaw na nga niyang i-open up eh.

“Hahaha! Talagang tinanong mo pa eh no? Hindi pa ba obvious? Ako naman ang nagseselos. May gusto ako kay Myrna. Siya ‘yung babaeng gusto kong seryosohin. Siya ‘yung babaeng ayaw ko ng maging babaero. Ano ngang tawag nila ‘dun sa English? End game. Siya ‘yung end game ko. Sana. Kaso hindi na pwedeng mangyari ‘yun. Ikaw ang pinili niya. Ikaw naman din kasi talaga ang mahal niya eh. Nagseselos ako ngayon pero masaya ako para sa inyo. Masaya talaga ako para sa inyo. Wag kayong mag-alala, pipilitin kong palipasin ang nararamdaman kong selos na ito. Hindi ko kayo hahadlangan.”

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na labis niyang ikinabigla. “Alam mo sa tingin ko ay tama nga si Myrna. Mabuti kang tao. Babaero ka man at gago ay may mabuti ka pa ring kalooban. Ganoon naman talaga ‘yun eh. She sees the goodness in every person.”

“Alam mo okay na sana eh pero nakiki-join ka pa sa gago ako na tawag ni Myrna sa akin eh.” Biglang naging seryoso ang kanyang mukha. “Seryoso na tayo. Mahalin mong mabuti ang best friend mo ah. Mahalin mo siya dahil deserve niya ‘yun. Alam nating pareho kung gaano katapang na tao si Myrna at kung gaano kabuti ng puso niya. Ginagawa niya ‘to para mailigtas ang mundo. Kung may totoong Wonder Woman ay siya na ‘yun. Ikaw na ang bahala sa kanya na ibigay ang pagmamahal na ‘yun. Aalagaan at poprotektahan ko pa rin naman siya kahit na anong mangyari eh. Wag mo lang siyang pababayaan at mahalin mo lang siya.”

“Parang hindi naman ako sanay na sobrang serious mo.” Nakahawak pa rin ito sa kanyang mga kamay. “Pero wag kang mag-alala. Makakaasa kang mamahalin ko si Myrna. Kung noong mag-best friend palang kami ay mahal na mahal ko na siya. Ngayon pa kaya. Meron lang sana akong pabor sayo Martin.”

“Pabor? Anong pabor?” tanong niya rito.

“Kung sakaling kunin ako ng virus na ito o ng pandemyang ito sana ay ikaw ang mag-alaga at magbantay kay Myrna. Okay lang ba ‘yun? Kung maging kayo man ay okay lang sa akin. Hindi kita mumultuhin.”

Nakatitig lang siya sa mga mat anito. Sa wakas ay tuluyang naging panatag ang loob niya kay Prances. Kailangan lang pala nila ng heart to heart to talk para matapos ang hidwaan sa pagitan nila. “Okay sige. Payag ako dyan basta pangako mo ‘yung wag mo akong mumultuhin kapag naging kami ah? Meron din sana akong pabor na hihilingin.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon