Chapter 74: Ikatlong Bakuna
That was the most memorable moment on Chichay's life. Ang mahagkan at maging nobyo ang pinakamamahal niyang best friend na si Yberr. Parang panaginip lang ang lahat. Ayaw na niyang magising. Can someone slapped her face? Gayunpaman ay hindi na kailangan. Kinukurot na niya ang kanyang sarili pero totoo talaga ang lahat. They were actually kissing. Though parang wala siyang naramdamang emosyon mula rito pero baka dahil masyado lang na-over power ng emosyon niya ang emosyon ni Yberr. It wasn't reciprocated anymore kasi siya lang naman ang umasa na dumating ang tagpong ito all this time eh. Hindi nga niya akalaing darating pa ang sandaling ito.
Ito rin ang unang kumawala sa kanyang mga labi. Nagtingin sila ng mata sa mata.
"Bakit Ber? Bakit ka pumapayag sa mga rules ni Panginoong X? Bakit ka pumapayag na tayo na?" Tinanong na niya ang kanyang mga 'bakit'.
"Bakit hindi? Ito na ang bagong mundo di ba Chi? Might as well live with it. Sa tingin ko naman ay napatunayan na rin ng Panginoong X na siya ang tunay at buhay na Diyos eh. Walang presidente o hari ang makakapagpabagsak sa kanya. Kailangan ko nalang siyang sambahin."
Hindi nito sinagot ang tanong niya tungkol sa kanila kaya inulit niya iyon. "Bakit ka naman pumayag sa relasyon natin? Napipilitan ka lang ba? Napipilitan ka lang dahil required 'yun ng Diyos natin?"
"Wala na sina Manolo. Wala na rin ang mga kaibigan kong sila Ma'am Myrna. Ikaw nalang ang natitira sa akin Chi. Matalik tayong magkaibigan di ba? Ayaw mo ba? Pwede mo namang sabihin kay Boss X na ayaw mo eh para hindi ka na mahirapan pa."
Bigla niya itong niyakap. Syempre gusto niya 'no. Hindi ito ang panahon para magpabebe siya. Matagal niyang hinintay ang tagpong ito. Hindi na nga niya inakalang magaganap pa ito eh kaya mag-iinarte pa ba siya? "Pangako Ber. Magiging maayos na ang pamumuhay mo dahil sa pagkilala mo sa Panginoong X. Pangako 'yan."
"Salamat Chi. Salamat."
"Tapos na ba kayong mag-usap?" Tanong ng Panginoong X na nasa tabi na pala nila dahilan upang maghiwalay sila sa pagkakayakap. "Marami pa akong gagawin bilang inyong buhay na Diyos. Kailangan na nating bumalik ng Heaven's Palace."
"Tapos na po kaming mag-usap ni Yberr Panginoong X." Yumukod siya rito na puno ng paggalang at pagsamba. Tinupad nito ang napagkasunduan nilang kapalit sa oras na pumanig siya rito. Lahat ngayon ay gagawin niya just to please his false God. "Pumayag na po sa lahat ng rules ninyo si Yberr. Tama Ber?"
Tumangon lang ang kanyang dating kaibigan na ngayon ay kanya nang nobyo.
"Siyang tunay ba? Gusto kong marinig ang iyong pagsang-ayon Yberr."
"Boss X..." tumigil ito. "Panginoong X. Humihingi po ako ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo noong nasa Techno Bio Lab pa ako. Nagsisisi na po ako. Wala na po ang aking nobyo na si Manolo at sila Ma'am Myrna. Ayoko na pong magtago. Sana po ako'y inyong mapatawad at mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Ipinapangako ko po na magiging tapat ako sa inyo. Ibibigay ko po ang lahat ng aking talento upang maging inyong IT expert. At higit sa lahat dahil si Chi nalang po ang naiwan sa akin ay tatanggapin ko siya sa aking buhay. Hindi lamang bilang isang matalik na kaibigan kundi isang kasintahan."
"Hahaha! Ang sarap namang pakinggan 'nun Yberr." Inusog pa nito patungo kay Yberr ang wheelchair. Pinayuko nito ang lalaki. "Hindi kita napapansin noon sa Techno Bio Lab ngunit alam kong magaling ka. Lagi kang bukang bibig ni Myrna. With your personal an professional history with her ay alam kong darating ang punto na mapapaisip ka sa katapatan mo sa akin. ITO ANG LAGI MONG TATANDAAN, kapag nagdadalawang isip ka na isipin mo ang buhay mo at ni Chichay. You're lives are in the palm of my hands. Be careful."
Ikinabigla niya iyong mahinang sinambit na iyon ni Panginoong X. Mahina ngunit madiin. Napaisip din tuloy si Chichay. Tila hindi lang para kay Yberr ang banta na iyon dahil parang pati sa kanya. Isa lang sa kanilang dalawa ang magkamali at magtraydor ay parehong sila ang mapaparusahan. Mas lalong dapat niyang bantayan si Yberr kung ganon.
"Naiintindihan ko po Panginoong X." Tugon ni Yberr. "May kahilingan po sana ako. Pwede ko po bang dalhin ang sarili kong mga gamit. PC, laptop at iba pa sa Heaven's Palace? Mas gamay na po ako sa sarili kong hardwares at softwares eh."
"Okay sige." Saka ito umurong. "Chichay just call one of our drivers. Magpasundo nalang kayo rito para makaakyat kayo sa Baguio. Mauuna na ako. I'll take a private plane nalang din siguro matapos akong ihatid sa sunod kong pupuntahan."
Naiwan sila ni Yberr sa tinutuluyan nitong apartment. Tinulungan niya itong mag-ayos ng gamit. Ilang oras din silang nagliligpit at nag-iimpake. Hindi biro ang mga kung anik-anik nito na gadgets maliban pa sa PC at laptops. Malalaki rin ang secondary monitors nito. Napakarami ring kable. Nang matapos sila ay saka niya tinawagan ang driver na susundo sa kanila pabalik ng Baguio.
.....Samantala sa Heaven's Palace ay patuloy na si Jonathan sa pagbuo ng bakuna para sa mga tao laban sa Desire V-30 virus.
Matapos ang isang trial na combination ng mga bagong blood sample at sa nauna niyang formulation ay hindi pa rin naging matagumpay ang nais niyang maging content ng vaccine upang maging matagumpay ito sa mga tao.
"Aaaaaah!" Saka niya binasag ang mga kemikal sa kanyang mesa. "Hindi pwede 'to! Hindi pwedeng hindi ko magawa 'to! Hindi ako palpak! Kaya ko 'to!!!" Saka pilit niyang ikinalma ang sarili. He took a deep breathe. Inhale. Exhale. Paulit-ulit.
Ilang sandali pa'y may kumatok sa pinto ng lab. Hindi pa niya nararating ang estado ng pagiging kalma ngunit pumasok na sa loob si Carmela.
Nakatingin ito sa kalat na nabuo niya nang basagin niya ang mga gamit. "Hindi mo pa nabubuo ang ikatlong bakuna para sa mga tao kaya ka nagwala?" Tanong nito. "Kaya hindi ka pa rin nakaka-proceed sa sunod na virus ay dahil wala pang bakuna para sa mga tao, tama ba?"
Natigalgal at nagulat siya sa sinabing iyon ni Carmela. Sa pagkakaalam niya ay sila lang ni Panginoong X ang nakakaalam na wala pang vaccine sa mga tao. "P-paano mo nalaman 'yan? Si Panginoong X ba?"
"Hindi." Saka nito inabot ang hawak na tablet sa kanya. "Look at the news. Hindi kilalang tao ang nagsabi niyan sa media. May malakas daw silang ebidensya na wala pang bakuna at pinagloloko lang sila ni Panginoong X. So totoo ba Jonathan? Wala pang bakuna? Wala pa ang ikatlong bakuna?"
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
