Chapter 147: Panginoong J

6 0 0
                                    

Chapter 147: Panginoong J

Laking gulat ni Jonathan sa nasaksihan. Tumalon sa veranda ng penthouse si Xavier pababa sa kamatayan nito. Patungo sa impyerno kung saan ito nararapat. Binuksan niya ang lalagyan ng kanyang kemikal upang lumabas ang aroma mula roon. Nakontrol niyang muli ang kanyang mga zombie. Nagtungo siya sa veranda upang silipin ang bangkay ni Xavier. Naroon nga iyon. Duguang nakahandusay.

Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko akalaing darating tayo sa ganitong tagpo aking Boss X at Panginoong X. Sa totoo lang ay minahal naman kita eh. Mas minahal nga kita kesa kay Myrna eh. Ikaw lang ang tanging tao at Diyos na naniwala sa akin. Siguro kaya ko natsambahan ang Desire V-30 virus at ang zombie infection dahil sayo. Hindi ko naman magagawa ang mga ‘yun eh kung wala ang push mo. Kung wala ang suporta mo. Mami-miss ko ang bawat halik mo. Mami-miss ko ang mga intimate moments natin. Hindi ko makakalimutan ang mga ‘yun.” Saka siya nagpunas ng luha at tumawa ng ubod ng lakas. “Whahahaha! Whahahahaha! Ipinapangako ko sayo Xavier! Ipinapangako kong hindi mangyayari ang mga sinabi mo sa akin kanina! Kakayanin kong maging Diyos! Mas katatakutan ako kaysa sayo! Mas maraming sasamba sa akin kaysa sayo. Susundin nila akong lahat. Tapos na ang panahon ng Desire V-30 virus! Tapos na ang panahon mo! Whahahaha! Whahahaha!” 

“Panginoong J?” saad ni Chichay sa kanyang likuran. 

May kung ano siyang kasiyahang nadama. Kaligayahang nagmula sa pagtawag sa kanya bilang isang Diyos, isang Panginoon. “Oooooh! Ang sarap! Ulitin mo nga ang sinabi mo Chichay!”

“P-Panginoong J…”

“Isa pa! ‘Yung hindi nauutal!”

“Panginoong J. Panginoong J!”

“Whahahaha! Ang saya-saya! Ang sarap tawaging Panginoon! Panginoong J! Ako na ngayon ang buhay na Diyos ng Pilipinas at ng buong mundo! Patay na ang kanilang Panginoong X! Ako na ang Panginoong J!”

“Ang saya-saya nga po Panginoong J. Pero bilang Diyos ay may una po kayong problema.” – Chichay.

“Baklang twoooo! Ganitong nagbubunyi pa ako ay problema na kaagad ang entrada mo sa akin! Gigil ako sa yo eh! Ano ‘yun? Naku Chichay siguraduhin mo lang na problema nga ‘yan! Kung hindi ay isusunod kita ‘dun sa dating Diyos na bangkay na ngayon doon sa baba!”

“Problema po talaga Panginoong X. Napakarami na pong mga zombie sa ibaba ng Heaven’s Palace. Sobrang dami na po nila. Ilang normal na tao nalang po ang buhay na nasa mas matataas na palapag ng palasyo. Paano po natin makokontrol ang mga zombie kung sobrang dami na nila? Baka po umalis na rin sila ay bumaba sa mas mismong syudad ng Baguio. Hindi po ba’t maghahanap sila ng dugo?”

“Alam mo Chichay may punto ka ‘dun sa huli mong sinabi eh. Baka buong Baguio City ay maging zombie kung sakali. Tapos bababa pa sila sa mga probinsya para maghanap ng dugo. Mas mahihirapan akong kontrolin sila kapag ganon.” He sighed. “Sige may paraan pa para makontrol sila. Kailangan nating magpunta sa control room ng palasyo. Mukhang patay na ang mga tao ‘dun eh. Kaya tayo mismo ang pupunta.”

“T-tayo po?”

“Bakit namutla ka? Alangan namang ako lang mag-isa. Diyos mo ako di ba?”

“Ah eh s-sige po. B-baka lang po kasi kagatin tayo ng mga zombie niyo.” 

“Kasama mo ako di ba? Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong niya rito.

“H-hindi naman po sa ganon Panginoong J. Nakakatakot lang po talaga ang mga zombie eh. Mas mapanganib pa po sila kesa sa Desire V-30 virus. ‘Yun po ay may thirty days pa at may bakuna na rin. Pero heto pong zombie infection ay matic magiging zombie ka rin after pagsawaan ang dugo at organs mo.” Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito.

“Hahaha! Alam mo napaka-honest mo naman Chichay. Ngayon lang tayo nagka-moment no? Infairness talaga, I appreciate your honesty. Pero wag kang mag-alala. Kayang-kaya kong kontolin ang mga zombie ko kasi nga ako ang Diyos. Ako ang buhay na Diyos na gagabay sa buong mundo. Buhay man o patay na nabubuhay. Hahaha!”

Saka sila nagtungo sa control room na nasa second floor ng palasyo. Kaunti palang ang zombie roon. Nakasunod naman sa kanila ni Chichay ang apat na zombie na kasama niya sa penthouse. Ang mga zombie naman na nakakasalubong nila ay nakokontrol niya dahil sa hawak niyang kemikal. Nang makapasok sila sa control room ay kagyat niyang pinindot ang button upang masara ang pinto ng unang palapag.

“Ano pong plano niyo Panginoong J?” tanong ni Chichay.

“Watch and learn Chichay! Hahaha!” 

Sinundan siya nito. Nagpunta naman sila sa source ng water supply ng Heaven’s Palace. Nasa ikalawang palapag din ‘yun. 

“Ano pong ginagawa natin dito Panginoong J?” tanong na naman nito.

“I told di ba? Watch and learn.” Saka niya binuksan ang pangunahing tangke kung saan nagmumula ang lahat ng supply ng tubig sa buong palasyo. Nagbuhos siya roon ng kemikal mula sa hawak niyang container. “Sobrang galing ko dahil nagawa ko ang chemical composition na ito na kayang kumontrol sa mga zombie. Sobrang concentrated ang bawat patak nito. Kayang humalo sa tubig at hangin na kapag naamoy ng mga zombie ay matutulala nalang sila. Basically napapasok pa ng chemical composition through air ang utak at central nervous system. Kapag nakontrol na sila ay pwede na silang utusan na gumawa ng mga simpleng locomotive actions tulad ng paglalakad, pagtayo, pag-upo at paghiga.”

Matapos niyang magpaliwanag dito ay pinundot niya ang controller sa sprinkler na nakakonekta sa unang palapag ng palasyo. Dahil umuulan na sa first floor ay malamang naamoy na ng lahat ng zombies doon ang kanyang chemical controller. 

“Tara na!” anyaya niya rito. 

“Saan po?”

“Sa baba!”

“Sa baba?”

“Hahaha! Namumutla ka na naman Chichay. Wag kang mag-alala hindi ka kakainin ng mga zombie doon.”

Kahit nangangatog ay sinundan nga siya nito. Nakakapangilabot sa iba ang tagpong makikita sa unang palapag ng Heaven’s Palace. Ngunit para kay Jonathan ay iyon na ang kanyang pinakamalaking tagumpay bilang isang Diyos. Nagtitipon ang kanyang mga zombie na parang mga sardinas. Siksikan dahil sa sobrang dami. Basang-basa na ang mga ito ng dugo at tubig. 

“Ano na pong kasunod Panginoong J?”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon