Chapter 104: Sa Pula, Sa Puti

9 2 0
                                    

Chapter 104: Sa Pula, Sa Puti

"Hindi ka naman marunong humawak ng baril for sure!" Tugon ni Red kay Ruby.

"Kung si Caloy nga manibela at kambyo at laging hawak natuto, ako pa kaya? Kaya ko 'yan!" 

"Wala na akong baril. Hehe!" Kunyari'y natawa siya.

"Anong nakakatawa 'dun?" Hinampas siya nito sa braso.

"Ano? Sakitan na? Mapanakit?!" May naisip siya. "Pwedeng kunin natin ang mga baril ng mga namamatay na members ng Team Spider." 

Sabay-sabay silang napatingin sa tatlong kinakaing katawan ng mga zombie. Ilang saglit pa'y lumingon na sa kanila ang mga zombie. Ang tatlong katawan naman ay nabuhay at naging zombie na rin.

"Shet." Naibulong niya.

"P-putang ina." Saad naman ni Caloy.

"Ah guys, hindi pa ba tayo tatakbo?" Tanong ni Ruby.

"Actually dapat na nga tayong tumakbo. Taaaakbo!" Sigaw ni Red.

Kumaripas na sila ng takbo. Kung saan-saan na sila napunta. Nagkakagulo na ang lahat ng mga tauhan ni Xavier sa loob ng Heaven's Palace. Paikot-ikot nalang sila. Kapag may nakita kasi silang zombie ay pumupunta lang sila sa kabilang direksyon at ganoon na naman kapag nakakita sila ng bago.

"Wait nga! Teka lang!" Humihingal na sambit ni Ruby. Nagtago sila sa isang sulok.

"Ano? Nakuha mo pang magpahinga?" Puna niya rito. 

"Hindi ako nagpapahinga. Hindi niyo ba napansin na pabalik-balik nalang tayo? Nagsasayang tayo ng oras ng lakas. Eh kung pinupuntahan na natin ang mga pakay natin. Hanapin na natin ang kapatid ko. Hanapin na natin si Baby Boy at Ralph. Patayin na natin ang mga 'yun at ipakain sa mga zombieng 'yan. Edi tapos! Mission accomplished na tayo rito." 

"Okay fine. Sa wakas naman at may matino ka ring sinabi." Saka niya kinuha ang kanyang phone upang tingnan ang route na sinend ni Yberr.

"Ay wow talaga! Wow!" 

"Hindi kasama sa rutang sinend ni Yberr ang fire exit." Saad niya. "Doon sana tayo pwedeng dumaan upang pumunta sa ibang bahagi nitong building."

"Kailangan muna nating puntahan si Ralph. Siguradong nasa lab siya. Sa kanya natin malalaman kung saang kwarto rito si  Rona. Nakapasok na ako rito dati. Doon sa kabilang side ang lab. Doon sa pinuntahan nila Myrna." 

"Paano na si Baby Boy?" Tanong ni Caloy. "Si Baby Boy ang pakay ko rito. Kailangan ko siyang matapos ngayong gabing 'to." 

“Seryoso ka ba Caloy?” tanong niya sa kaibigan. “Kakainin na tayo’t lahat ng mga zombie rito oh tapos ‘yang paghihiganti mo pa rin ang nasa isip mo. Isipin mo naman kaming mga kaibigan mo. Sinuway mo na nga si Myrna of all people at kinunsinte na nga kita tapos ganyan ka pa rin? Nasa bingit na talaga tayo ng kamatayan tapos ngayon wala ka pa ring konsiderasyon sa amin?”

“Sorry talaga sir Red.” Yumukod ito. “Tatapusin ko lang po ang misyon kong ito para matahimik na ako. Para po kay Liza. Alam niyo naman po kung gaano ang pagtangi ko sa kanya eh. Siya lang po ulit ang nagpatibok ng ganito sa puso ko. Higit pa po doon ay ipinangako ko sa kanyang aalagaan ko siya at poprotektahan ko siya sa misyong ito. Ngunit nawala po ako sa tabi niya. Hindi ko siya naipagtanggol. Namatay siya dahil wala ako. Samahan niyo nalang po si Ruby. Ako na po ang bahalang maghanap kay Baby Boy.”

Tinalikuran na sila nito ng basta-basta. Pinagmasdan lang ng mabuti ni Red si Caloy. Grabe itong ma-in love. Grabe ang dedication nito sa pangako sa babaeng iniibig. Kaunti nalang ang ganoong klase ng lalaki sa panahon ngayon. Sayang at hindi nagkaroon ng magandang ending ang dalawa. Sayang at nauwi sa isang mapait na trahedya ang lahat. Kung minsan talaga ay may mga bagay na nangyayari na hindi maipaliwanag. Marahil hindi talaga nakatakda ang dalawa. Gayunpaman ay sisiguraduhin ni Caloy na mabigyan ng hustisya nito ang pagkamatay ni Liza bilang bahagi ng pangako nito sa babaeng iniirog.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon