Chapter 58: Boss X
“Ano pang hinihintay ninyo? Ano pa?!!!” walang tigil sa pagsigaw si Xavier. Nanggagalaiti siya sa galit dahil tila walang nakikinig sa kanya. Nakatitig lang ang mga ‘to sa kanya. Tila aatakihin siya ng kanyang panic attack. Umiikot ang kanyang paningin. Hindi niya akalaing mangyayari na naman ito sa kanya. Walang nakikinig. Walang pumapansin. Nanginginig siya sa halu-halong galit at lungkot.
Pinaandar niya ang kanyang wheelchair. Inihanda niya ang lahat ng kanyang gamit upang umalis. Tinawagan niya ang kanyang driver para lisanin na niya ang Techno Bio Lab. Tapos ay si Jonathan ang sunod niyang tinawagan.
“Jonathan! Napapanuod mo ba ngayon ang walang kwenta mong ex-fiancei na sisira sa ating mga plano?” bungad niya rito.
“Yes po Boss X.” tugon nito sa kabilang linya.
“Tonta ka! Tanga! Bobo! Sabi na kasing patayin niyo na kasi sila pero anong ginawa niyo? Patuloy pa rin kayong naiisahan! Masisira ang mga plano natin dahil sa vlog at livestream na ‘yan! Mas pinaniniwalaan na ng mga tao ang mga vlogger kesa sa mga media at science! We are living on the 2030!”
“Ano pong gusto ninyong mangyari?” tanong nito.
“Ano pa nga ba? Let’s move to plan B.”
Paalis na siya ng Techno Bio Lab nang maalala niya ang lahat ng masasaklap na nangyari sa kanyang buhay. Ang lahat ng dahilan kung bakit niya ito ginagawa.
Nagsimula bilang isang junior researcher at scientist noon si Xavier ng Department of Science and Technology ng Pilipinas. Maliit ang sahod pero masaya naman siya dahil ito ang gusto niya. Ang nais niya lang sa buhay ay matuto ng mas marami pang mga bagay sa buhay at sa mundo. Bagay na hindi niya akalaing magmumulat sa kanya sa mga bagay na kanyang ipinaglalaban ngayon.
He started to ambition greater things nang magkaroon siya ng asawa’t anak. Simpleng may bahay lang naman ang kanyang asawa. Ang kanyang anak naman ay healthy. Matalino pa at mapagmahal na bata. Tuwing linggo ay nagsisimba sila. Maka-Diyos ang kanilang pamilya. Tila ibinuklod nga sila ng Diyos.
Hanggang sa napagpasyahan ni Xavier na magtrabaho sa ibang bansa, sa Pacific Lab sa Sydney, Australia. Hindi na kasi pwede talaga ang baryang sinasahod niya sa DOST. Kailangan niyang mabuhay ang kanyang pamilya. Lumalaki na ang kanyang anak. Nais niya itong mabigyan ng magandang kinabukasan. Samantalang kahit na sinasabi ng kanyang asawa na ayos naman sila ay hindi iyon ang kanyang nakikita’t nararamdaman.
Naging maayos naman ang kanyang trabaho sa Sydney. Umunlad ang buhay ng kanyang pamilya sa Pilipinas. Isama pa ang malaking improvement sa kanyang kakayahan at expertise bilang scientist at researcher. Pinapadala siya sa lab nila sa Wuhan, China pati na rin sa North Korea. Bigla niyang na-enjoy ang mag-travel. Napakarami niyang discoveries.
The biggest discovery na nagkaroon si Xavier ay noong panahon ng COVID-19 pandemic. Nasa Wuhan siya noon. Isa siya sa mga naunang researchers na nakaalam ng virus. Isa rin siya sa mga nakatulong sap ag-imbento ng vaccine ng China para sa COVID, ang Sinovac at Sinopharm. Lumaban siya magmula sa simula hanggang sa huli. Pero hindi ganoon kadali ang lahat. He faced a lot of rejections. Sa simula ay hindi niya pinapansin sa kanyang mga suggestions. Walang may pakialam sa kanya. Nagkaroon lang ng pake noong lumalala na ang lahat. Pati sa suggestions niya sa formulation ng vaccines ay hindi rin siya kaagad pinansin.
“Boss you need to listen to me. We need to add this on the formulation of the vaccine. This is what the American brands are doing in order for their vaccines to be trusted. Please boss.” Wala siyang tigil sa pakikiusap. Halos lumuhod na siya at umiyak. He’s just doing his job on the best way that he could. Part siya ng mga frontliners noong COVID na ginagawa ang lahat para magligtas ng mga tao. Ngunit sadyang kahit sa mga ganoong pagkakataon ay may mga tao pa ring iniisip ang sariling kapakanan at nagiging makasarili. Tingin nila sa kanilang mga sarili ay sila ang Diyos.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
