Chapter 7: Paghahanda
"Grabe naman kung airborne ang virus na ito. Tapos malala pa yata sa pagiging zombie ang mga nai- infect. Ayoko pong maging zombie. Pwede po bang wag muna tayong tumuloy?" Tanong ni Caloy. "Paghandaan muna po natin ang pagpasok natin."
"Wala na tayong oras." Supladang tugon ni Prances. Hinawakan ni Myrna ang kaibigan.
"Tama siya Ces. Kailangan nating paghandaan ang pagpasok sa Wuhan at sa laboratoryo. Baka madaanan din natin ang lugar na may local transmission na ng virus. Ang mabuti pa ay mabilis tayo sumaglit sa pinakamalapit na botika. Mamili tayo ng gamot. Face mask. Face shield. Kung may oxygen tanks ay bumili na rin tayo." Pagsang- ayon ni Myrna kay Caloy. Nagbigay ba rin siya ng suggestions.
"Heto nagpi- pin na ako sa maps ng pinakamalapit na botika. Mas okay kung sa malapit na ospital ang botika para mas kumpleto ang gamit." Saad naman ni Red.
Habang nasa byahe ay may napansin si Myrna. "Parang ghost town na itong boundary ng Wuhan. Wala nang mga tao. Siguro noong pumutok palang ang balita ay nagsipag- alisan na sila. Napakatahimik. Nakakatakot."
"Alam niyo ma'am dala na ang mga tao rito sa pandemic. Alam nilang ang unang kailangang gawin ay umalis. Grabe silang nadali noon ng COVID- 19 kaya malamang ay nagsiliparan na ang mga 'yun." Tugon naman Caloy sa kanyang naging puna.
"Sana lang ay hindi pa malala ang community transmission. Dahil kung infected na rin ang mga lumikas na tao ay malamang makakahawa na sila sa mga lugar na pupuntahan nila. Sure na global pandemic na naman 'yun kung sakali." Sambit ni Prances.
Nakakuha siya ng ideya mula rito. Kaagad niyang tinawagan si Yberr sa Pinas. "Yberr kailangan kang magpadala ng mensahe kay Boss X. Nako- contact niya kami pero nahihirapan kaming kontakin siya."
"Ano po 'yun ma'am?" Tanong ng kanilang IT expert.
"Ipagbigay alam mo kay Boss X na sabihan na ang presidente natin na mag- lockdown na sa Pilipinas. On the run na ang mga Chinese at iba pang residente rito sa Wuhan at sa kalapit nitong lugar. Hindi pa namin alam ang extent ng community transmission. Baka may infected na sa mga tao rito maliban sa mga naiulat. Kung isang buwan bago ang dead end ng virus ay baka hindi alam ng mga tao na nahawa na pala sila. I- lockdown niyo na ang Pilipinas kung ayaw niyong kainin niyo ang sarili niyong mga laman dyan!"
"Y- yes ma'am." Tila natatakot na tugon nito.
"Magaling nga kayo." Seryosong saad ni Red. "Alam niyong kailangan na ng mahigpit na border boundaries ngayon. Hindi biro ang pagpasok ng bagong dekada. Isang bago na namang virus ang lalaganap. Sana lang ay makinig ang pangulo."
"Subukan niyang hindi makinig. Sana hindi na sila nagpatayo ng malaking research lab sa bansa kung hindi rin naman sila makikinig sa atin." Komento ni Myrna.
"Ngayon palang bumabawi ang Pilipinas sa lahat ng naging utang natin noong COVID- 19 pandemic. Itinatayo ang Techno Bio Lab mula sa utang. Walang- wala pa tayo noon. Ngayon lang tayo naging ganito kalakas. Maaatim ba nilang isarado nalang ulit ang ekonomiya ng bansa?" Isang masakit na katotohanan ang sumunod na inusal ni Red.
"Ipagdasal nalang natin na maging maayos kaagad ang lahat." Caloy said saka nag- park sa labas ng isang botika malapit sa isang ospital.
"Hindi mo bagay maging relihiyoso Caloy." Saka niya binuksan ang van. Nauna silang bumaba ni Prances. Nagtakip sila ng ilong gamit ang panyo.
"Sarado na 'tong botika. Parang sarado na rin ang ospital. Walang katao- tao." Nagmasid- masid na si Prances. Nakababa na ang lahat ng sasakyan. Lahat sila ay may takip sa ilong at bibig. "May iba pa sigurong botika. Tumingin tayo ng hindi naka- lock."
![](https://img.wattpad.com/cover/276498223-288-k635001.jpg)
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...