Chapter 20: Baliw na Paniniwala

25 1 0
                                    

Chapter 20: Baliw na Paniniwala


… Maraming beses na kitang nilayasan
Iniwanan at iba ang pinuntahan
Parang babaeng ang hirap talagang malimutan
Ikaw lamang ang aking laging binabalikan

… Manila
I keep coming back to Manila
Simply no place like Manila
Manila I'm coming home

… I walked the streets of San Francisco
I've tried the rides in Disneyland
Dated a million girls in Sydney
Somehow I feel like I don't belong

… Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go

… Manila Manila
I keep coming back to Manila
Simply no place like Manila
Manila I'm coming home

… Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go

… Manila Manila
Miss you like hell Manila
No place in the world like Manila
I'm coming home to stay

Sa Pilipinas... wala na ang masasayang tugtog sa airport. Puno na ang takot ang bansa kasama ang buong mundo sa banta ng Desire V-30 pandemic. Sa kabutihang palad ay hindi pa napapasok ang kapuluan ng kakaiba at nakamamatay na virus. Iba na talaga ang Pinas kumpara noong COVID- 19. Mas advance na ang teknolohiya at pandemic response. Ngunit kahit gaano pa kahigpit ang border control ay mababago pa rin ang lahat. Nakapasok na sa Estados Unidos at mga mayayamang bansa sa Europa ang Desire. Sa Pilipinas...

"Ms. Joana Marie Katigbak?" Pagtawag ng pulis na nakatalaga sa NAIA international arrival area sa isa sa mga bagong dating na Pinoy.

Pansin ng pulis na si Roman na pinagpapawisan ang babae. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa kanya.

"Ms. Joana pwede po ba kayong makausap? Upon checking po kasi ng immigration bago kayo manggaling sa Singapore ay nanggaling kayo sa Wuhan, China pero hindi ninyo sinabi? May report po sa amin na may pineke kayo sa inyong mga dokumento. Ms. Joana?" Hindi talaga tumutugon kay Roman ang babae. Hindi na maganda ang kanyang kutob. "Team! Secure the parameter! Infected siya!"

Ngumiti ito. Napakaputi ng ngipin nito. "W- wala naman akong pakialam sa inyong lahat! I just love my teeth! I love my teeth!" Nagsisigaw ito.

Pinalibutan na ito ng mga pulis at iba pang airport officials.

"Ms. Joana sumama ka nalang sa amin ng maayos. Nakikiusap kami sayo. Dadalhin ka namin sa quarantine location." Pakiusap niya rito.

Ngunit imbes na sumama ito ay lumuhod ito sa gitna ng arriving area ng paliparan. "Hindi ko kaya! I just love my teeth! I love my teeth! Akin lang ang mga ito! Hindi ako papayag na kunin niyo ito! Wag niyong kukunin ang ngipin ko! Parang awa niyo na." Umiiyak na ito na parang nababaliw. Ang sumunod na ginawa nito ang labis na ikinagulat nila. Ito rin ang pagkumpirma na nakapasok na sa Pilipinas ang Desire V-30.

Pinasok nito ang mga kamay sa bibig. Pilit nitong pinagkasya ang mga 'yun.

"M- ms. Joana wag mong gawin 'yan." Akmang lalapit sana siya rito nang sigawan siya nito at duraan. Mabuti na lamang at naka-PPE siya. Kailangan niyang mag-ingat na hindi mahawa ng virus.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon