Chapter 84: Bagong Kakampi

7 2 0
                                    

Chapter 84: Bagong Kakampi

“G-gumagalaw?” nangangatog na tanong ni Caloy. “S-saan? May hayop o mga gumagalaw na bagay ba tayong naiwan?” Hindi ito ang tamang panahon upang masira ang kanilang mga plano. Kung kailangan niyang maging grand slam best actor ay gagawin niya. There’s no turning back. 

“Doon sa ikalawang kahon.” Saka itinuro ng isa sa kanyang mga kasama ang ikalawang kahon. “Gumalaw ang ikalawang kahon.”

Lumapit si Caloy sa kahon na tinukoy nito. Hindi niya alam kung sino sa kanyang mga kaibigan ang naroon. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. “Heto ba? Kung gayon ay buksan natin. Ulitin din natin ang pag-empake. Nagmamadali pa man din tayo. Alam niyo namang utos ito ng Panginoong X. Sa tingin niyo ba mayroon pang something dito? Matapos magtagumpay ni Boss Jonathan sa pagpatay sa mga kaaway ay pinagdududahan niyo ba siya?” saka niya akmang bubuksan ang kahon.

“Wag na po!” pagpigil sa kanya nang kanina’y umeenganyo at kumukwestyon sa kahon. Bigla rin itong naging magalang. “Pwede naman po nating gawin ‘yan sa eroplano. Baka po ma-late tayo sa Heaven’s Palace. Kailangan na po ang lahat ng gamit doon.”

Heaven’s Palace? Ngayon niya lang ‘yun narinig. “Kung gayon ay buhatin na natin ang mga ‘to. Wag na nating aksayahin pa ang oras natin.”

Dahil sa nangyari at galing sa pag-arte ni Caloy ay sa wakas nabuhat at nadala na sa compartment ng eroplano ang mga kahon na lulan ang kanyang mga kaibigan. Siya na rin ang nag-volunteer na magbantay sa compartment ng eroplano. Ang sabi pa niya’y iche-check niya ang mga ‘yun.

…Samantala habang nasa loob ay labis ang kaba ni Myrna sapagkat nasa ikalawang kahon ang anak na si Maliah. Ang akala niya’y mapapahamak na ang bata at mapupurnada na ang kanilang plano. Mabuti na lamang at magaling umarte si Caloy. Nang mabuhat at malagay ang kanilang mga kahon sa compartment ng eroplano at nang tuluyang lumipad ang sasakyang panghimpapawid ay lumabas na siya ng kahon. Sumunod naman si Prances. Si Caloy naman ay tinulungang makalabas si Liza.

Nagtungo kaagad sila ni Prances sa kahon na kinalalagyan ni Maliah upang kumustahin ito. “Anak, Maliah. Okay ka lang ba?”

“Okay lang po ako mga mama.” Tugon nito.

Kaagad na nilabas ni Prances ang kanilang anak mula sa kahon. Matapos nilang masigurong okay ang bata ay saka siya nagtungo kay Caloy.

“Good job Caloy. Makakauwi na tayo ngayon ng Pilipinas.” Tinapik niya ito sa balikat. “Ang sunod naman nating pagsubok ngayon ay kung paano tayo makakalabas ng eroplanong ito na hindi tayo nahuhuli.”

Lumapit sa kanila si Prances. “Nag-chat si Red sa gc.”

Kinuha niya ang kanyang phone. Kaaagd na binasa ang chat ni Red. Binasa niya iyon ng malakas. “Nasa Pilipinas na kami. Ako na ang bahala sa paglabas niyo dyan sa eroplano. Nagpapanggap akong pinuno ng isa sa mga team nila Xavier. Kunyari’y ako ang maiinspeksyon ng eroplano paglapag dito sa Heaven’s Palace. Tapos kapag nakalabas at nakatakas na kayo ay saka ko sila papapasukin.”

Sabay-sabay silang nakahinga ng maluwag. May plano na rin para sa kanilang pagbaba. “Ligtas na sina Red at ang anak ni Martin.” Naibulong ni Myrna. “Ngunit ano ang Heaven’s Palace?”

Ilang oras din silang nasa himpapawid mula China hanggang Pilipinas. Nang marinig nila ang abiso ng piloto na malapit na silang mag-landing ay umakyat na sa itaas si Caloy upang magmasid. Kailangan kasi nitong masigurong walang bababa sa compartment ng eroplano hanggang sa dumating si Red upang walang makakita sa kanila.

Safe naman silang nakalapag sa Pilipinas. Ilang minuto rin silang naghintay. Hanggang sa bumukas ang pinto ng compartment pababa. Si Caloy ang iniluwa noon. Sunod naman ay si Red na kumpleto PPE. 

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon