Chapter 10: Pagsagip

37 2 0
                                    

Chapter 10: Pagsagip

"O- oo nga mga Pinoy sila." Pagkumpirma ni Myrna sa sinabi ni Prances na mga Filipino ang mag- ina sa labas ng buwan. Sa tinis at lakas ng boses ng ina ay naririnig na nila ito sa loob. "Mga kababayan natin sila"

"So ano?" Reaksyon ni Red. "Dahil mga kababayan natin sila ay pasasakayin na natin sila? Paano kung infected na sila? Paano kung may nakasalubong pa rin tayong ibang mga tao na ganyan. Nakakaawa. Parang wala pang sakit. Pasasakayin natin ganon ba? Alalahanin ninyo isang buwan bago lumabas ang sintomas o ang duration ng virus sa taong infected. Mukha lang silang okay ngayon pero malaki ang chance na carrier na sila. Nasa Wuhan tayo. Laganap na rito ang virus. Wag niyong pairalin ang awa sa mga ganitong panahon. Caloy paandarin mo na ang van!"

Muli ngang pinaandar ni Caloy ang makina ng van.

"Sandali lang Caloy!" Pagpigil ni Myrna matapos niyang mag- isip.

"What the fuck? Wag mong sabihing papapasukin mo 'yan?" Tila magkokontrahan na naman sila ni Red.

"Naroon na ako sa baka infected sila." Nagsimula siyang magpaliwanag sa kanyang naging pasya. "Ngunit naisip ko lang. Kailangan na nating magsimulang mag- obserba ng mga infected. Ano nga ba talaga ang nangyayari sa loob ng isang buwan? Ano ang stages ng virus at ng infection sa tao?"

"So gusto mong gawing experiment ang mag- ina? Pasakayin sa van at hawaan tayo? Ganon ba?" Saka pinalo ni Red ang pintuan ng van.

"Case study ang tawag namin 'dun na mga scientist at researcher." Si Prances ang tumugon. "Tama si Myrna. Mas maaaral namin ang virus kung makikita namin ang stages nito sa taong infected. Hindi pwedeng 'yung copies ng virus lang ang dapat tingnan. Pati ang epekto sa mismong tao ay dapat na ma- document."

"The fuck! The fuck! The fuck! Ipapahamak niyo tayo eh! Malamang ay kumukuha na ang WHO ng mga taong infected. Inaaral na nila 'yan. Tayo ang misyon natin ay alamin ang origin ng virus doon sa putang ina lab na 'yun. Kumuha ng datos. Alamin kung may gamot dito. Wag niyo nang gawing case study center itong van! Tara na Caloy!" Muling pagkontra ni Red.

"A- ano po ba mga ma'am? Aalis na po ba?" - Caloy.

"So sila lang ang susundin mo rito Caloy? Babaliwalain mo ako ganon ba? Pwes bumaba ka!" Saka tinutukan ng baril ni Red si Caloy. "Marunong akong mag- drive! Hindi ka namin kailangan dito!"

"Tama na 'yan Red!" Pag- awat ni Myrna. Ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. "Tama na yaaaaan!" Mas nilakasan niya ang sigaw saka pinagpapalo ang katabing bintana.

"What the fuck! Putang ina mo ano?" Mainit na talaga ang ulo nito.

"May paraan para mapasakay natin sila rito. Maobserbahan. Maging case study ng hindi tayo nahahawa. Higit sa lahat maliligtas pa natin sila, at least for now."

"Paraan? Anong paraan? Kulob 'tung van oh? Nagsi- circulate ang hangin. Isang bahing lang ng mga 'yan kakalat na dito sa loob ang virus."

"Please trust me." Tinitigan niya ito sa mga mata. "Trust me. Hindi ako gagawa ng mga desisyong makakapahamak sa atin. Please Red. Sana naman ay maintindihan mo ako."

Nabalot ng katahimikan ang van. Isang malalim na buntong hininga mula kay Red ang bumasag sa katahimikan. "Okay fine. What's your plan?"

She gave him a pure smile. "Thank you. Thank you."

Binuksan niya ang pintuan ng van. Akmang bababa na siya nang pigilan siya ni Prances.

"Myrns sigurado ka na ba rito?" Tanong nito.

"Alam kong alam mo Ces na ito ang tama. Habang nasa byahe tayo ay kakailanganin nating makapagsimula sa pag- aaral sa virus na ito. Walang oras na dapat masayang." Iyon ang kanyang naging tugon.

"Kung gayon ay sasama ako sayo."

Hinawakan niya ang mga kamay ng kaibigan. Bigla na namang tumibok ng kakaiba ang kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan nang maglapat ang kanilang mga balat. Weird. Hindi niya ma- intindihan.

"Kakausapin ko nalang muna ang mag- ina. Magsusuot ako ng N95 na facemask at didistansya ako sa kanila. Mamaya ay tulungan mo akong ayusin ang van."

Tumango lang ito. Kitang- kita niya ang pag- aalala sa mga mata nito.

Pagkababa ni Myrna ng van ay iniatras at itinabi ni Caloy ang van sa kalsada. Sinindihan nito ang headlights upang mailawan sila sa daan. Nagsimula niyang kausapin ang mag- ina. "Magandang gabi po. Pinoy din po kaming sakay ng van."

"Kabayan! Ma'am iligtas niyo po kami ng anak ko. Ako po si Marilyn. Ito naman po ang anak kong si Maliah. Kahit ang anak ko nalang po ang iligtas ninyo. Naka- facemask po ang anak ko. Lagi ko rin po siyang pinupunasan ng alcohol. Puro alcohol lang po ang laman ng bag ko. Sigurado po akong hindi siya infected."

"Pareho namin kayong isasakay sa van. Ngunit kung tunay ngang hindi pa nahahawa ng virus ang anak mo kay kailangan ko na muna siyang i- disinfect. Ikaw naman ay sa likod na bahagi namin isasakay. May plastic kaming nakuha sa isang botikang nadaanan namin. Lalagyan namin ng plastic na divider ang likod. Ia- isolate ka namin doon. Okay lang ba 'yun sayo?" Inilahad na ni Myrna ang kanyang plano sa babae.

"S- sigurado ho kayong isasakay niyo pa rin ako?"

"Ako si Myrna. Isa akong researcher at scientist. Kung infected ka nga ay maaari ka naming maging case study. Titingnan namin ang mga mangyayari sayo sa mga darating na araw. Kung paano nga ba ang virus na ito."

"S- scientist ho kayo ma'am M- myrna? Kung gayon ay pupunta kayo sa laboratoryo rito sa Wuhan?"

"Ganoon na nga po. Bakit po?" Tila may nalalaman ito kaya tinanong na niya ito.

"Doon po kami galing ng anak ko. Sa labas ng laboratoryo."

"Ano po?"

"Security guard doon ang asawa ko. Indian po siya. Sa Pilipinas kami nagkakilala. Pareho kaming nakipagsapalaran dito sa China pitong taon na ang nakararaan. Ako naman po ay nakapagtrabaho sa isang pabrika ng alcohol. Dito na rin kami nagkaanak. Libre ang pabahay sa kanilang mga nagtatrabaho sa laboratoryo. Sa labas na compound ang aming apartment."

"Bakit kayo umalis doon? Infected na rin ba ang mga tao sa lab at sa compound ninyo?"

"Hindi pa ho. Iyon nalang ang tanging lugar dito sa Wuhan kung saan hindi infected ang mga tao. May iniinom silang gamot. Mayroon na rin silang vaccine para sa DesireV- 30."

"DesireV- 30?"

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon