Chapter 22: Taguan

23 1 0
                                    

Chapter 22: Taguan

"Psssssh...." pag-uulit ng babaeng humila kina Myrna at Prances.

"Nasaan kayo?!" Dinig ni Myrna'ng sigaw ng matandang babae sa labas. Halata sa boses nito ang pagkairita sa bigla nilang pagkawala. "Sabi ko naman kasi sayo eh dapat binaril mo na 'yung dalawa. Nakatakas pa tuloy. Hindi sila infected kaya sila ang perpektong alay kay Satanas. Tapos 'yung lalaki kanina mukha ring hindi infected pero pinatay natin."

"Wag mo nga akong sisihin dyan. Maghanap nalang tayo. Nagtatago lang ang mga 'yun." Tugon ng matandang lalaki.

Suot niya pa rin ang isang ear buds niya at activated pa rin ang app na binigay ni Yberr kaya naman naiintindihan niya pa rin ang mga ito. Nang matahimik na ang paligid ay saka niya hinarap ang babaeng nagligtas sa kanila.

"Maraming sayo pero lulubusin ko na. Pwede bang tulungan mo akong gamutin ang kaibigan ko?" Tanong niya rito.

"Oo naman. Tara tulungan mo akong buhatin siya papunta sa sala namin." Naiintindihan niya rin ito. Gayunpaman ay hindi mukhang Instsik ang babae. Tila isa rin itong Pinoy.

Inalalayan nila si Prances at saka dinala sa sala. Naglatag ng banig ang babae at doon inihiga si Prances. Naglabas din ito ng alcohol, bandage at mga gamit pang opera. Kinabahan tuloy siya dahil baka walang experience sa ganoong gawain ang babae.

"Sorry ah. Sure ka ba sa gagawin mo?" Tanong niya muli rito.

"Wag kang mag-alala. Doktor ako."

Nakahinga siya ng maluwag. Nagsilbi siyang assistant nito habang tinatanggal ang bala sa balikat ni Prances. Sinaksakan ito ng anesthesia kaya naman wala itong naramdamang sakit habang nasa operasyon.

"Okay na siya." Saad ng doktora habang nililinis ang mga gamit at nagkalat na dugo sa paligid. "Magbibigay din ako ng gamot na iinumin niya."

"M- maraming salamat." Nanghihinang nasambit ni Prances.

"Maraming salamat talaga sayo." Hinarap niya ang kaibigan. "Magpahinga ka na muna Ces. Mamaya na natin balikan sina Red sa van."

Napatingin ang doktora sa kanila. "Ano? May kasama pa kayo?"

"O-oo dok. Bakit ho?" Tanong niya.

"Kapag nakita sila ng dalawang matandang 'yun ay sila ang iaalay sa kanilang apo." Halata ang pagkabalisa sa itsura ng doktor.

"Apo? Sa apo nila iaalay? Akala ko ay Satanista sila at kay Satanas nila kami iaalay?" Napatayo si Myrna. "Teka nga dok. Ano ba talagang nangyayari sa lugar na ito? Bakit ito tinawag na pinagbabawal na lugar?" Saka na-lowbat ang kanyang phone. Tumunog ito.

"Habang nagkukwento ako at nagpapahinga ng saglit ang kaibigan mo ay i-charge mo muna ang phone mo." Binitawan nito ang mga hawak saka naghanap ng charger na iaabot sa kanya. "Heto, naroon ang outlet."

Matapos niyang isaksak ang charger ay saka niya napagtantong sarado ang kanyang phone pero naiintindihan pa rin niya ang babaeng doktor. "Pinay ka?"

"Oo naman. Kanina pa tayo magkausap ng Tagalog ah." Tugon nito na tila ba nagtaka sa kanyang naging katanungan.

"Wait nakakaloka 'yun. All this time akala ko dahil sa app kaya kita naiintindihan. Ako nga pala si Myrna Birog. Siya naman si Prances Ilao. My research partner. Kami ang research scientist represenative ng Pilipinas para mag-imbestiga sana kung may possible new virus dito sa Wuhan. At tadaaaa meron nga at kumalat na pala. Kaya naman ang misyo na namin ngayon ay makapunta sa laboratoryo. Alamin ang lahat ng tungkol sa Desire V-30 at ang vaccine para rito." Umupo siya sa sofa.

Naupo naman ito sa kabilang sofa sa isa pang bahagi ng sala. "Ako naman si Julien Marie Katigbak. Isa akong surgeon dito sa Wuhan noong hindi pa pandemic. Sampung taon na kaming nakatira rito magmula noong maka-graduate ako ng medicine at makasama ng board exam."

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon