Chapter 67: Kamatayan

12 2 0
                                    

Chapter 67: Kamatayan

"Nasan na kaya ang mga 'yun?" Tanong ni Caloy sa sarili.

"Kuya Caloy nasan na po sila mama?" Tanong ni Maliah.

"Hindi ko rin alam Maliah eh. Sumunod daw ako kapag mag-uumaga na." Tugon niya sa bata. "Liza, ikaw na ang bahala kay Maliah ah. Umalis na kayo ng mga kasamahan niyo ni Mong kapag hindi kami bumalik sa pagsikat ng araw. Ikaw na ang mag-alaga sa bata. Kung sakali ay sa inyo namin babalikan si Maliah."

"Okay sige Caloy." Tugon ni Liza in Chinese.

"Nasan na po ang mama Myrna at mama Prances ko?" Biglang umiyak ang bata. "Bakit niyo po ako pinapamigay?"

"H-hindi kita pinapamigay Maliah. Pinapaalaga lang kita kay ate Liza mo. Babalikan ka rin ng mga mama mo." Pagpapatahan niya rito.

"Huhuhu! Puntahan niyo na po ang mga mama ko kuya Caloy. Please po. Kapag po si ate Liza ang nag-alaga sa akin ay hindi ko siya maiintindihan. 'Di ko nga po alam kung paano niyo siya naiintidihan eh. Huhuhu!"

Napangisi siya. Wala nga palang translator app ang bata at wala ring nakasuot ng headset sa tainga nito. Hindi naiitindihan ni Maliah ang mga sinasabi ni Liza.

"Okay Maliah. Pupuntahan ko rin ang mga mama mo. Matulog ka na muna please. Gabi pa oh. Madilim pa. Mamaya pagkagising mo nandito na ang mga mama mo. Okay ba 'yun?"

"Okay po. Promise po 'yan ah?"

"Promise Maliah." Tugon niya sa bata kahit walang kasiguraduhan ang kanyang pangako. Ang totoo'y natatakot siya pero ayaw niyang mawalan ng pag-asa na magtatagumpay ang kanilang misyon.

"Matutulog na po ako ulit. Good night po kuya Caloy. Good night ate Liza. Sana po ay matuto ka ng mag-Tagalog."

"Hehe! Good night Maliah!"

Makalipas ang ilang oras pang paghihintay ay papasikat na ang araw sa Silangan. Nakapagdesisyon na si Caloy na sundan sina Myrna, Prances, Martin, Red at Mong sa lab. Kumuha siya ng isang armalite. Siniguro niyang may bala iyon. Kinasa niya ang armalite saka pinagmasdan mula sa labas ng van ang mahimbing na natutulog na bata.

"Sana lumaki kang wala na ang pandemyang ito." Saka niya pinunta ang paningin sa babaeng iniirog, kay Liza. "Sana magkaanak pa tayo."

Walang anu-ano'y lumabas ang babae mula sa van. "Caloy pwede bang mag-usap muna tayo?"

"Anong pag-uusapan natin Liza? Mag-uumaga na. Kailangan ko nang puntahan sina Ma'am Myrna. Pwede bang mamaya nalang?" Hinawakan niya ang pisngi nito. "Gusto talaga kita Liza. Pangako, matatapos ang pandemyang ito. Liligawan kita pagkatapos noon. Ipaparamdam kong sinsero ako at nagsasabi ako ng totoo. Gusto kita Liza. Nais ko lang..."

Hindi siya nito pinatapos. "Nagsinungaling ako sayo Caloy." Saka pumatak ang luha sa mga mata nito.

"A-anong ibig mong sabihin na nagsinungaling ka sa akin?" Tanong niya rito na nauutal pa.

"Gusto kita bilang tao pero hindi kita gustong maging nobyo dahil may nobyo na ako. May boyfriend na ako Caloy." Pagtatapat nito.

May kung anong tumusok sa dibdib ni Caloy sa narinig na sinabing iyon ng babae. Parang iba-ibang matutulis na bagay. May kutsilyo. May pana. May itak. Para siyang ginripuhan sa puso. Tapos nilagyan ng asin para mas masakit. Ganoon ang pakiramdam pero hindi niya maipaliwanag sa salita.

Nagpatuloy ito. "Kaya lang ako sumama sa inyo ay dahil gusto kong makakuha ng vaccine sa virus na ito. Na-infect na ako ng Desire V-30. For thirty days ay nakakita ako. Kaso lang nang matapos ang thirty days window ng infection ay bumalik na ang pagiging bulag ko. Hindi totoong pupuntahan ko ang mga magulang ko sa Beijing dahil wala na akong mga magulang. Matagal na silang patay. Ang kasama ko nalang sa buhay ay ang boyfriend ko. Sobrang saya namin dahil nakakita ako kahit saglit lang. Nagawa namin ang mga bagay na hindi namin nagagawa noong bulag pa ako. Nakita ko siya sa loob ng isang buwan. Nagkaroon ng mukha ang lalaking pinakamamahal ko."

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon