Chapter 145: Digmaan ng Kasamaan

9 0 0
                                        

Chapter 145: Digmaan ng Kasamaan

Ipinangako nga ni Xavier na tuturukan niya ng virus of immortality sina Daniel at Takashi kapag ipinagtanggol siya ng mga 'to kahit na anong mangyari. Napapayag naman niya ang mga 'to. Ano pa ba ang kayang tumumbas sa walanh kapantay na yaman? Edi buhay na walang hanggan. Literal. 'Yung hindi mamatay. Maging immortal.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa wheelchair. Ipinakita na niyang nakakatayo at nakakalakad siya sa dalawa niyang kampon mula sa Team Spider.

"N-nakakalakad ka Panginoong X?"

"Kaya nga po..."

Gulat naman ang dalawa niya pang heads na sina Joan at Chichay. First time kasing makita ng mga 'to na nakakalakad pala siya.

"Actually matagal na. Maybe two years ago. Nag-undergo ako ng matinding theraphy sa Wuhan para makalakad muli. Hindi ko sinabing nakakalakad na ako upang isipin ng mga tao na kahit matalino at magaling ako ay wala pa rin akobg kwenta dahil lumpo ako. Hindi nila alam na matagal ko na silang pinaglalaruan. Matagal na akong nakakalakad. Ginamit ko nalang ang wheelchair na ito upang makontrol ang lahat sa paligid ko at upang maisagawa ang lahat ng plano ko."

"Napakagaling niyo po talaga Panginoong X. Kaya naman labis ang paghanga ko sa inyo." Pagsamba sa kanya ni Joan.

"Opo nga Panginoon." Nag-second the motion naman si Chichay.

"Kaya naman hindi ako papayag na si Jonathan lang ang makapagpabagsak sa akin. Ako ang lumikha sa kanya. Ako lang ang nagtiwala sa kanya noong walang ibang naniniwala sa kanya. He made the Desire V-30 virus and that shit zombie infection through accident. Wala naman talaga siyang nabuo with his little brain eh. Tapos ngayon ay tatangkain niya pa akong pabagsakin. Hayop siya. Wala siyang kwenta noon. Binigyan ko siya ng pansamantalanh kwenta. Ngayon ay babawiin ko na 'yun. Hindi ako papayag na maungusan niya ako sa kahit na anong paraan."

"Gagawin po namin ang lahat upang ipagtanggol ka Panginoong X. Hindi po nila maaagaw sa inyo ang Heaven's Palace at ang trono bilang buhay na Diyos." - Joan.

Hinarap niya sina Daniel at Takashi. "Kill all those zombies! I want them double dead! And make sure to kill Jonathan in the most brutal way! Make him suffer. Make him regret that he go against me!" Then he paused. "But in case that things go out of hand. You already know what to do. You know your priorities. But you should do your best for that to happen. You should finish them no matter what happens."

"Sure Lord X. We understand." Pagsunod ni Daniel saka na ito umalis upang bumaba kasama si Takashi.

"Panginoong X, tingnan niyo po." Sambit ni Joan na nakatingin sa monitor sa loob ng kanyang opisina.

"Saan nanggaling ni Jonathan ang mga zombie na 'yan? Bakit biglang naging army of the dead talaga ang ganap?" Tanong niya habang pinagmamasdan sa monitor ang daan-daang zombie na sumusugod sa Heaven's Palace.

"Sa tingin niyo po ba ay ligtas pa tayo Panginoon?" Tanong naman ni Chichay. "Tingnan niyo po." Tinuro naman nito ang isa pang monitor kung saan nasa labas lang ng Heaven's Palace ang Team Spider. Tila hindi nakikialam ang grupo ni Joaquin. Ang grupo naman nila Daniel at Takashi ang tanging nakikipaglaban sa mga zombie.

"Hindi ako papayag na matalo ni Jonathan! Hindi kailanman makakahigit sa akin ang walang kwentang lalaking 'yan! Hindi!" Nagsisigaw siya sa ngitngit at galit.

..........

Habang nasa truck ay kung anu-ano ang naisip ni Jonathan sa magaganap na digmaan sa pagitan nila ni Xavier.

"Lahat ba ng mga taga-Team Spider ay titiwalag kay Xavier?" Tanong niya kay Joey.

"Sa pagkakaalam ko ay hindi. Kahit saang grupo ay mayroong traydor. Sa tingin namin ni Joaquin ay mayroong magtatraydor sa amin at kay Xavier na ang katapatan. Pero wag kang mag-alala dahil siguradong mas marami pa rin ang papanig kay Joaquin dahil siya ang head ng tatlong persona ng Team Spider. Higit siyang kinatatakutan ng kahit sino pa man sa grupo."

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon