Chapter 110: The Calm

6 2 0
                                    

Chapter 110: The Calm

Matapos tumugon ni Jonathan sa kanyang kuya Manolo ay pinagmasdan ito ni Myrna. He was also wearing a facemask. Kita niya ang blangkong mga mata ng lalaki. Noon nalang niya napagmasdan ‘yun. She couldn’t even see any emotion from there. 

“Maraming salamat pa rin sa pagliligtas sa amin ni kuya.” Biglang saad niya saka umiba ng tingin.

“Walang anuman. Nagkataon lang din na pupuntahan ko si Xavier para iparating ang digmaang sinimulan ko laban sa kanya. Tapos ay naroon kayo. Hindi kayo ang pakay kong patayin sa gabing ‘to kaya naman iniligtas ko kayo. Baka sa susunod ay tuluyan na tayong magkabangga. Tulad ng sinabi ko kanina. Isipin niyo nalang na ginawa ko ‘yun para bumawi sa pang-iiwan ko sayo noon sa simbahan sa mismong araw ng ating kasal.”

Ting! Tumunog na ang elevator. Nasa ground floor na sila. Bumukas na iyon. Walang paalam na lumabas si Jonathan. Hindi niya rin naman inaasahan na magpapaalam ito. Iyon na ang hudyat ng bagong kabanata ng laban na ito. Dalawang mabangis at mapanganib na grupo ang kalaban nila ngayon at ng buong mundo. Isa ay nakatira sa palasyong ito at nagpapanggap na Diyos. Ang isa naman ay nakatago at may mga tauhang halimaw. Sila na mga hamak na tao lamang ang kailangang sumugpo sa dalawang mukha ng kampon ng kasamaan. 

“Myrna wag ka nang mag-moment dyan!” anyaya ni Manolo na nakaabang ang palad sa pinto ng elevator upang hindi ‘yun magsara. 

“Ay ayan na kuya!”

Napaurong sila at nagtungo sa kabilang direksyon dahil napakaraming Team Spider na naglalakad sa ground floor. Tila iyon ang sinabi ni Xavier na mga bagong kapanalig nito mula sa ibat’-ibang bahagi ng mundo. Palihim silang pumuslit patungo sa parking area. 

“S-sino kayo?!” isang nauutal na sekyu na may tama ng baril ang sumalubong sa kanila. “Kasamahan ba kayo ‘nung tatlo?”

Napaisip siya kung sino sa kanilang mga kasamahan ang tinutukoy nito. Ngunit sa ganda ng tam anito sa binti at kamay malamang si Red ang may gawa noon. Tiningnan niya ang kanyang phone para alamin ang update sa mga ‘to. May message nga si Ruby sa kanilang group chat. Ligtas na ang mga ‘to at kasama na si Rona. 

“Nasaan na kaya si Caloy?” bulong niya.

“May isa pa yata kayong kasama.” Saad ng sugatang sekyu.  “Wag niyo po akong sasaktan. Binigyan ko po siya ng susi ng isa sa mga van.”

Ilang sandali pa’y may bumisinang van. “Tara na ma’am Myrna!” 

“Caloy!” ligtas din ito. 

“Salamat kuya. Magpagaling ka ha?” tinapik niya sa balikat ang lalaki bago sila magtatakbo ng kanyang kuya Manolo patungo sa van habang karga niya si Hope. 

Tumabi siya kay Caloy sa harap ng van. She fasten her seatbelt then held Hope so tight. 

“Nag-message ako ‘dun sa gc.” Saad ng kanyang kuya. “Sabi ko ay ligtas na rin tayo. Pababa na tayo ng palasyo gamit ang isang van. Teka lang baka may something sa van na ‘to ha? Baka ma-detect nila kung nasaan tayo.”

“Wag po kayong mag-alala. Ininspeksyon ko na muna ang buong sasakyan.” Tugon ni Caloy. “Tinuruan po kami ng tungkol sa mga security details at spy bugs. Safe po tayo.”

Tumingin siya rito. “We trust you Caloy. We trust you. Sana ito na ang simula ng pagbabalik ng Caloy na nakilala ko noon. Nagawa mo na ang dapat mong gawin sa palasyo. Gusto man ‘yun o hindi ni Liza ay naipaghiganti mo na siya. Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya. Sana ay makapagpatuloy ka na rin sa buhay.”

“Wag po kayong mag-alala ma’am Myrna. Ako na po ulit ‘to.” Tugon nito na nagpasaya sa kanyang puso. Hindi siya sanay sa Caloy na nakita niya sa nakalipas na mga oras. 

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon