Fault in our star (Alyden) Part 1

6.7K 109 2
                                    

ALY

"oh besh tulala ka na naman diyan?bakit?" tanong ko sa besh ko sabay tapik sa braso niya.. Tagal niya rin akong di sinagot kaya tinapik ko ulit..aish lutang na naman to..may problema na naman siguro sila..tsk 

"h-huh? Anu nga yung tanong mo besh?" wala sa sarili niyang sabi 

"nevermind..spill it" seryoso kong sabi 

"huh?tungkol naman saan?hehe"pagmamaang-maangan niyang sagot 

"tsk Come on Den im your beshfriend kilalang kilala na kita.."sagot ko saka tinitigan at pilit na binabasa ang expression ng mukha niya 

"wag mo nga akong gamitan ng psychopatic ability mo!"reklamo niya saka hinampas ako sa braso..tsk sadista talaga 

"tss.. Kahit di ko gamitin alam kong siya na naman?tama diba?"kunot noo kong tanong 

"kilala mo nga talaga ako.." buntong hininga niyang sagot 

" ikaw pa ba! Come on spill it na!" pamimilit ko..tagal eh pero isa lang naman ung sasabihin niyan..tsk eh lagi namang un ang dahilan ng pag-aaway nila eh.. 

"ganto kasi yun" paninimula niya

DEN

*Flashback*

Ilang beses ko ng tinatawagan si LA pero di niya sinasagot ugh dnt tell me busy na naman siya!ito nga lang free time ko dahil mamaya may operation na naman akong gagawin at di ko alam kung anung oras matatapos yun..ugh nakakaasar! Tapos Once or twice na nga lang kaming nagkikita sa loob ng dalawang linggo ganito pa?!

*riiiiiingg* 

finally sinagot na niya 

"Hello?" sagot nung kausap kong Babae..yeah right babae na NAMAN! Lagi-lagi na lang ganto!Nakakaasar talaga siya! 

"hello sino to?"tanong nito ulit.. 

"babe sino yan?!" rinig kong tanong ni LA ..so totoo nga yung mga naririnig ko this past days ang kapal talaga niya!! UGH!!! Sabi niya di na niya uulitin pero how come!? Ito na naman may babae na naman siya! 

"di ko kilala babe eh unknown" sagot nung babae sa kanya ..ah so ganun Unknown ako!? Bwisit siya.. Sa sobrang asar ko binaba ko na yung tawag ughhhhh!!

End..

"bwisit siya kapal ng mukha niya!" naasar kong sabi pagkatapos kong magkwento yun tatlong araw n.. 

"edi hiwalayan mo na" casual na sagot nitong katabi ko 

"eh pero-" sasabihin ko na pinutol niya 

"pero mahal na mahal mo siya at di mo kayang mawala siya sa buhay mo.. Na sayang yung 2 year na pinagsamahan niyo..at maliit lang na away to kaya maayos niyo rin?tama diba? Kabisado ko na yang linya mo besh lagi namang ganyan eh"kunot noo niyang sabi edi siya na kabisado niya na..kasi naman.. "Pagmahal mo siguro ang isang tao kaya mong magbulag-bulagan sa paligid mo..palibhasa kasi di ka pa naiinlove!" pananabla ko sa kanya..totoo naman kasi SINGLE for Life ang peg niya eh andaming naghahabol sa kanya Mapa-babae man o Lalaki.. 

"tsk.. Meron akong gusto no!kalahating tanga't manhid ata yun eh..malay ko nga bakit nagustuhan ko yun eh" naiinis niyang sagot saka umalis..problema nun? 

"hoy! hintayin mo naman ako!" reklamo ko saka siya hinabol 

"dalian mo na!"naiinis niyang utos 

"ito na nga eh init ng ulo mo besh ah! Bipolar ka talaga!"pang-aasar ko saka kumapit sa braso niya

ALY

ugh! Nakakainis tong nararamdaman ko Libo-libong kuryente ung dumaloy sa katawan ko nung hinawakan niya yung braso ko dug.tug.dug.tug ugh!!..pinagpapawisan nako sa ginagawa niya.. 

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon