MikaDen

1.4K 29 0
                                    

MIKA

Nakatitig lang ako habang dumadaan siya sa harap ko .. Alam kong mabilis ang paglakad niya pero hindi maiwasang bumagal ang mga kilos niya sa mata ko ..



Nasamyo ko pa ang pabango niya na humahalimuyak at inaakit yung ilong ko ..


Mabilis kong inayos yung malaking salamin na nasa harap ko ..


" Hi .. Hi .. Den..dennise .. " nauutal na bati ko .. Bahagya naman siyang tumigil saka tinignan lang ako mula ulo hanggang paa .. Nanuyo naman ang lalamunan ko kasabay ng malakas na pagkabog ng puso ko ng magtagpo ang mga mata namin ..


Inirapan niya ako saka siya tumuloy sa paglalakad ..


Napabuntong hininga naman ako saka inayos na yung sandamakmak na libro na hawak ko ..


Paano niya nga ba mapapansin ang isang katulad ko? Nerd .. Pangit pumorma .. Walang taste sa fashion .. Malabo ang mata .. Lampa higit sa lahat torpe .. Ni hindi nga ako kilala sa campus .. Maliban na lang kung maBu-Bully na naman ako ng mga Mayayabang ..



Napailing na lang ako saka pumunta na sa Library para mag-aral ..

*********

" Liligawan ko siya! " bulalas ko saka nalaglag yung encyclopedia sa ulo ko .. Napangiwi naman ako sa sakit ..



" Seryoso ka? " Nakapamewang na bulalas ni Kim saka nakakunot ang noo ..


" Bakit hindi? " Pagod na akong magtago ng nararamdaman ko .. Pagod na akong titigan na lang siya .. Pagod na akong mahalin siya ng patago .. Mahal na mahal ko siya at kapag hindi ko pa nasolusyunan ang bagay na ito ay ikababaliw ko na ..



" Seryoso ka ba Mika Aereen Reyes?! " tinitigan ko siya ng masama .. Anu bang hindi niya maintindihan sa sinabi ko ..



" Mukha bang nag-Joke itong mukha ko?! " Itinapon niya pabalik sa akin yung Encyclopedia ..


" Kabaliwan yan naiisip mo Reyes! "



" Bakit naman Fajardo?! "


" Tss .. Si Dennise Lazaro .. Liligawan mo?! Ni hindi ka nga pinapansin nun .. Ni hindi niya nga alam na nagE-Exist ka sa mundo! "



" Kaya nga magpaparamdam ako sa kanya .. Kaya nga ipapakilala ko si Mika Reyes sa mundo niya! "  Nasapo naman niya ang ulo niya ..


" Tss .. Nerd ka! Anu gagawa ka ng Transformation?!" Umiling ako .. Anu ito?! Wattpad Story na MagTa-Transform ako from Nerd into NapaKa-Gwapang nilalang?!


" Gusto kong magustuhan niya sa kung anu ako .. Mahalin niya ang totoong Mika Reyes .. " then point out myself .. Bumulalas naman ito ng tawa saka humalakhak ..


" Kalokohan iyan! Ngayon pa lang sinasabi ko na wala ka ng pag-asa Reyes! Queen Bee .. Magugustuhan ang Nerd?!" Magsasalita pa sana ako ng tampalin niya ang bibig ko ..


" Isa pa .. Kilala mo ba ang ex nun?! Si Alyssa Valdez yung Captain ng WBT tapos si Ara Galang yung Captain nung WVT .. Oh .. Anung laban mo dun?! " tinapunan ko siya ng matalim na tingin ..



" Salamat sa Suporta Kim Fajardo ah! " sarkastiko kong sambit saka iniwan na siya .. Gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako .. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya ..

************

" Dennise! " Napalingon naman siya kaya mabilis akong sumabay sa kanya ..


TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon