" I wish I could mean this but here's my goodbye
Oh, I'm happy for you
Know that I am, even if I Can't understand
If happy is her, I'm happy for you "JIA
Nakatayo ako lang ako sa likod ng puno habang pinagmamasdan siya .. Mali sila pala ..
Kitang kita ang ngiti sa mata nito .. Yung tipong hindi mo na malaman kung may mata pa siya .. Sa ganyang ekspresyon .. Alam kong masayang masaya siya ngayon ..
Dapat akong maging masaya para sa kanya .. Iyon ang bagay na pilit kong isinusuksok sa isip ko habang pinagmamasdan siya ..
Kailangan kong maging masaya sa kanya kahit hindi na ako ang taong nagpapasaya sa kanya ..
Nasa akin na kasi ang tsansa kaso ayun .. Binalewala ko siya at pinakawalan tapos ngayon na nasa iba na siya .. Saka ako magsisisi na sana .. Sana ako ang kasama niya .. Na sana ako ang nagpapasaya sa kanya .. KingIna puro na lang sana! Tama sila .. Ang pagsisisi laging nasa dulo ..
" Julia! " Gusto ko sanang tumalikod para lumayo na pero hindi ba't nakakabastos ang bagay na iyon?
" Maddie .." Pilit akong ngumiti kahit na sa kaloob looban ko ay dahan dahan ng binabasag ang puso ko ..
" Nga pala Hubby .. Si Julia .. Bestfriend ko .. Ate ko .." Pilit akong ngumiti .. Tama .. Ate .. Bestfriend .. Hanggang doon na lang ang lahat dahil sinayang ko siya ..
" Hi Bea .." bati ko saka nakipagkamay sa kanya ..
" Finally .. Nakilala na rin kita! Salamat .." sambit niya na ikinakunot ng noo ko ..
" alam ko .. Maddie told me .. Kung hindi mo iyon ginawa sa kanya .. Hindi siya mapupunta sa akin " nakangiting sambit niya .. Napatango ako ..
" You deserve her .. Hindi niya deserve ang kagaya ko .."
" Thank you .." sambit niya ulit saka inakbayan na si Maddie ..
" Ate Julia! Mauuna na kami ah .." paalam niya .. Napatango na lang ako saka pilit na ngumiti ..
Pinagmamasdan ko siya habang nawawala sa paningin ko .. Kung sana .. NagTake ako ng risk edi sana ako ang kasama niya at hindi si Bea pero kalokohan ang bagay na iyon .. Alam kong kay Bea na niya matatagpuan ang kasiyahan na yun kaya magsisi na lang dapat ako sa katangahan ko ..
---------------" Ate Jia .." napalingon ako sa kanya dahil sa seryosong tono ng pananalita niya ..
" Anu yun Baby Fly? "
Napasinghap naman siya sa hangin .. Halatang hindi siya komportable sa kahit anu mang sasabihin niya ..
" Anu ba yun baby Fly? " Tanong kong muli saka hinawakan yung kamay niya ..
" Wag kang magagalit sa akin ah .." Napahagikhik naman ako saka tumango ..
" Depende sa kung anung sasabihin mo.. "
" Mahal kita Ate .. Hindi bilang Ate na nakakatandang kapatid .. Mahal kita .. Mahal kita bilang ikaw .. Yung Erotic Love .."
Kulang ang sabihing nagulat ako sa sinabi niya .. Wala talaga akong nararamdaman na espesyal sa kanya .. Hanggang kapatid lang talaga ..
" Maddie .." sambit ko .. Mahigpit naman niyang hinawakan ang kamay ko ..
" I'll prove myself to you Ate .. I swear .." Napatango na lang ako .. Hindi ko kasi talaga alam kung paano magrereact sa mga sinabi niya ..
**********
Maddie never failed me .. Tinotoo niya ang sinabi niya .. Pinilit niyang patunayan ang sarili niya sa akin .. I felt something special toward her too pero kailangan kong iwaksi yun .. For pete's sake! Parehas kaming babae .. Anung iisipin ng mga tao? Alam kong hindi tanggap ng lipunan ang ganitong relasyon .. Ayokong magtake risk .. Ayokong maisugal ang pagkakaibigan namin kaya habang maaga pa ay dapat ko na siyang Pigilan ..
"Maddie .." Nandito kami ngayon sa isang Coffee shop .. Busy siya sa inaasikaso niyang project pero pinili niya pa rin samahan ako kaya heto siya sa harap ko nagMu-Multi tasking ..
Napakamot naman ito sa batok niya ..
" Sorry Ate .. In rush lang ito .." Tinabi naman niya ito na ipinagtaka ko ...
" Oh .. Bakit mo ginawa yun? "
" Mali na inuna ang ibang bagay sa taong mahal mo kahit anung mangyari dapat .. Ang taong mahal mo ang priority mo .." gusto kong maiyak sa mga sinabi niya .. Sobra ko talagang naappreciate ang pagiging sweet niya pero kailangan ko ng tapusin ang bagay na ito habang maaga pa ..
" Maddie .. Stop courting me .." Natigilan siya habang iniinom yung frappe niya ..
"Hahaha! Joke yan diba? " hindi ako nagsalita ..
" Ba.. Bakit? May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako? " Mula sa pagiging masayahin ay napalitan ng pagiging garalgal ang boses niya ..
" Maddie alam natin na mali ito .. Alam natin na hindi tanggap ng lipunan ang bagay na ito .." Hinawakan ko ang kamay niya pero iwinaksi niya ito ..
" So? Mahalaga ba ang sasabihin nila kaysa sa nararamdaman ko? Jia .. Mahal kita .. Wala akong paki sa sasabihan nila .."
" Ikaw wala .. Ako .. Oo .. Mahalaga sa akin ang magiging tingin ng iba Maddie kaya habang maaga pa .. Itigil mo na ito .."
Napabuntong hininga naman siya ..
" Maddie .. Sinasalba ko lang ang pagkakaibigan natin .. Huwag mong sasamain .."
" Mahal mo ba ako?"
" Hindi ko alam .. I felt something special towards you pero kailangan ng pigilan .." Mukha naman siyang nakuntento sa sagot ko..
" Iyan ba ang gusto mo?"
Napatango ako ..
" I'm sorry Maddie .. I just value our friendship more than sa nararamdaman natin .." Napatango siya saka ngumiti pero halata naman pilit .. Yung mga mata niya kasi ang nagsasabi ng kalungkutan na ako naman ang dahilan ..
" Sige .. Kung iyan ang gusto mo .." Tumayo na siya saka dinala yung project niya .. Pilit ko siyang tinatawag pero hindi man lang niya ako tinignan ..
May mali ba sa desisyon ko? Mas Mahalaga lang talaga ang pagkakaibigan kaysa sa nararamdaman namin ..
-------------Walang magbabago .. Na mananatili siyang malapit sa akin .. Na magiging Civil lang kami sa isa't isa ..
Yun ang akala ko ..
Malapit nga siya sa akin .. Kinakausap niya ako pero hindi tulad ng dati .. sino ba ang niloloko ka na pagkatapos ng nagawa ko ay magiging maayos ang lahat ..
Hanggang sa napansin ko na lagi na silang magkasama ni Bea yung Kaklase niya .. Nagkukwento siya sa akin .. Nung nalaman ko na may gusto ito sa kanya .. Palagi pa siyang nagKukwento tugkol sa kanilang dalawa haabang nakikinig ako .. Pinipili kong magbingi-bingihan na lang kahit na ang totoo ..
Nasaktan ako ng sobra .. Nadurog ang puso ko Doon ay narealize ko na mahal ko siya .. Gusto ko siyang bawiin pero wala na .. Huli na ang lahat .. Mukhang nakaMove on na siya sa akin dahil Naging sila na ..as i was looking at them .. Alam kog nagmamahalan sila at masaya .. Masaya dahil malaya sila .. Hindi nila iniintindi ang iisipin ng iba ..
Dati .. Ako ang Mundo niya .. Ngayon .. Mundo na siya ng iba .. nang taong alam kong aalagaan siya at hindi sasaktan .. Di tulad ng ginawa ko ... Ang atensyon niya .. Nasa kanya na .. Wala na sa akin .. Ang mga bagay na iyon ang dapat kong tanggapin .. Magiging masaya ako sa kanya dahil masaya na siya kahit na masakit pa ..
After all kasalanan ko rin ito.. Duwag kasi ako at hindi ko kayang ipaglaban ang taong mahal ko .. Hindi ko kayang gawin ang katapangan na ipinapakita ni Maddie ..
Sinayang ko siya ..
FIN
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Acaktangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!