COMPETITION (IsaAna/CarDe)

1.9K 49 19
                                    

Maria Isabel Molde x Diana Mae Carlos


ISABEL

Napairap ako habang nakatingin sa kanya..

Kitang kita sa Aura nito ang sumisigaw na angas.. Yabang na kinakailangan sa paglalaro.. Angas na kapag nakatayo siya kahit na Rookie pa lang ay mababahag na ang buntot mo..

Kasama sa malalakas na palo niya ang mga katagang.. " I'm the best "

Kitang kita sa paglapag ng mga bola kung gaano siya kalakas.. Yung mga ngisi niya kapag napalo niya ang bola at hindi man lang na-block ng kalaban..

Yung pagyayabang niya sa mga kasama namin tuwing hindi naabutan ng blocker o ng libero ng kabilang Team ang mga palo niya..

Yung seryosong tingin niya't pagbabantay sa bola .. Saka niya ito Ibo-block na para siyang isang harang na pader..

Naiyukom ko ang mga palad ko..

"Baka Matunaw.." ngising sambit ni Justine sa tabi ko..Inirapan ko siya..

"tigilan mo nga ako Jus.." iritang sambit ko.. Agad naman niya akong tinulak saka humagikhik..

"Bakit totoo naman ah?!" bulalas nito saka nagkibit balikat..

" Kung makatitig ka jan kay Diana parang may kung anu.. Anu ba yun..Sparks!" ngisi niyang sambit saka tinulak tulak ako't sinundot.. Pinanlakihan ko naman siya ng mata..

"Gusto mong tumama sa mukha mo itong bola.. " madiin at maawtoridad kong pananakot.. Napaatras naman siya..

"Hindi ka Mabiro Isa.. Tsk tsk.. " umiiling na sabi niya saka ako inakbayan..

" but what do you think of Tots huh?! Baka naman may pagnanasa ka na sa kanya..Ikaw huh..Isa.." nakakalokong sambit niya saka nagtaas baba ng kilay..

"Manahimik ka nga Jus! Saka mandiri ka sa sinasabi mo..Parehas kaya kaming babae!" bulyaw ko sa kanya..

"Sus..Anu naman..21st century na tayo..Wala na lang iyon.. " bulalas niya..Inirapan ko siya..

"Di kaya ikaw ang may gusto? Lakas mong mang-asar e.." pananabla ko sa kanya..Siniko naman niya ako..

"Sino bang tumititig sa kanya habang naglalaro siya.. Hindi ba't ikaw? Walang lipatan.." nakangising sambit niya..

"Ewan ko sayo!" bulyaw ko sa kanya saka kinuha na yung bola at nakipraktis na rin sa kanila..

Tss..kung sasagutin ko yung tanong ni Justine.. Isa lang ang masasabi ko.. Mayabang siya.. Akala mo kung sino.. Kaya ko rin namang pantayan yung laro niya! Kaya ko ring higitan.. I'm ISAmazing kaya!

"Beat that Molde.." nakangising sambit niya sa akin pagkatapos niyang makapalo.. Inirapan ko siya..

"Yabang mo Carlos.." mahinang bulong ko saka kinuha yung bola..

"Ate.. Set mo yung bola sa akin.." bulong ko kay Ate Jewel habang inaabangan namin yung serve ni Ate Nicole.. Tumango naman ito saka nagthumbs up..

Nagready na ako para paluin yung bola nang..

Biglang sumulpot si Carlos saka pinalo ito ng sobrang lakas..

Pagkababa niya ..namuo ang mga ngisi sa labi niya ng hindi ito naabutan ni Ate Pia..

Naiyukom ko naman yung kamay ko.. Akin dapat yung bola..

"sa akin sinet yun bola.." reklamo ko sa kanya..

Nagkibit balikat lang ito..

"It's everybody's ball kaya kahit sinong pumalo pwede.." inosenteng sagot niya.. Napatiim bagang naman ako..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon