KimCy

1.9K 32 6
                                    

Note: Thanks Babe Smurfy08 in this Oneshot .. salamat sa mga litanya nila na makata ..

Anyways .. Kung anu man ang kakahinatnan nito sa kanya kayo magreklamo ..

Oh siya! Daldal ko! Basa ka na beh! 😂

CYDTHEALEE DEMECILLO

Gusto kong itago ang sakit sa mga salitang narinig ko sa kanya .. Pinilit kong ngumiti kahit na sa kaloob-looban ko ay dinudurog na ako .. Natapos naman ng matiwasay ang pangyayari .. Dapat maging masaya ako ngayong gabi pero mukhang binabalot ng lungkot ang buong pagkatao ko ..

" Grabe ka Kim .. Makatanggi naman kay Cyd kanina wagas! " si Kianna iyon saka tinapik ako sa braso .. Katatapos lang ng guesting namin sa GGV kanina ..

" Hindi ko itinatanggi .. Totoo namang walang namamagitan sa amin! " Saka niya tinulak si Kianna para akbayan ako ..

Nanigas naman ako lalo na ng maramdaman ko ang pagtama ng balat niya sa akin .. Fck .. I felt electrified kasabay ng goosebumps na nararamdaman ko! Pati na rin ang mga nagwawalang kung anu sa tiyan ko at ang puso ko na gustong kumawala sa dibdib ko ..

" Diba Cyd? Trip lang yun ng mga fans natin? KimCy .. Tsk .." Siniko siko niya pa ako .. Napatango naman ako at pilit na ngumiti ..

" O.. Oo naman Kim .. Hindi ako papatol sayo! " She chuckled a little bit ..

" See? Between me and Cyd is just a Fiction .. Kathang isip lang na ginagatungan mo Kianna Dy! " saka binatukan si Kianna ..

Laganap na kasi sa Twitter yung landian at hugutan conversation namin with Kianna .. Siguro doon ay mas lumakas ang loob ng mga KimCy Fans na may nagaganap ngang something sa amin ni Kim pero tulad nga ng sinabi niya .. Wala .. Walang namamagitan sa amin ni katiting .. Pagkakaibigan lang at hanggang doon lang iyon ..

" Sus! May Pa-I love you nga kayo diyan! "

" Alam mo ba yung salitang trip lang, Dy?! "

" Utut! " Muli ay inakbayan niya ako ..

" Buti pa itong si Cyd .. Hindi sineryoso ang mga bagay na iyon .. " Ngumiti naman ako pero pagkatungo ko ay nawala na ang mga ngiti sa labi ko .. Sana nga .. Sana nga hindi ko sineryoso yun .. Sana nga ay pinili ko na lang maging manhid at iniwasan na makaramdam ng espesyal sa kanya .. Sana nga ay nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan ako para hindi na ako nahulog sa kanya ..

" Syempre .. Anu bang kahulog hulog sayo Kim Fajardo? " Tudyo ko saka tumawa ..

Natameme naman ako ng ilapit niya yung mukha niya sa akin .. Enough distance para matitigan ko ang kabubuan ng mukha niya .. Damn! Joke lang yun! Lahat naman kay Kim Fajardo ay kahulog hulog! Mula sa Physical Appearance hanggang sa Attitudes niya ..
Hayup na ito! Pa-Fall! Hindi naman kayang sumalo!

" Lahat sa akin ... Kahulog hulog! Ang perpekto ko kaya .." pagyayabang niya .. Naamoy ko tuloy yung hininga niya .. Amoy Patay .. HAHA .. Amoy Mint talaga na kaadik adik!

Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa realidad na ang taong kaharap ko .. Ang taong mahal ko ay manhid ..

Itinaas ko ang kilay ko ..
" Perpect?! Duh! Mayabang ka lang! " saka ko siya bahagyang itinulak dahil baka sa sobrang lapit namin ay hindi na ako makapagpigil at mahalikan ko siya sa labi .. Ay teka! Say What Cyd?! Anung kahalayan yan?!

Tumawa lang ito saka nakipag-asaran kay Kianna ..

" Tss .. Makaalis na nga .. By the way .. You look gorgeous with your dress today, Cyd " Bati niya then left me dumbfounded .. I felt my cheeks blushed at parang nakalutang ako sa alapaap ..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon