si Miko Augustus at Rachel (Stay With Me,Character. )
MIKO AUGUSTUS
----------
" Hello, Ate Rachel. Napatawag ka? " bulalas ko. It was Three A.M in the morning ng magising ako sa sunod sunod na tawag niya.
" Mi..Miko. " garalgal na ang boses niya kaya mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga.
" Bakit? May problema ba? " nagkusot pa ako ng mata habang binibigkas ang mga salitang yun.
" Miko. Ayaw ko na. Pagod na pagod na ako. Sawang sawa na ako kay Vladimir. Tulungan mo ako. Ilayo mo ako sa kanya. " napahilamos ako ng mukha nang marinig ko ang mga salita niyang iyon. It feels like I'm betraying Kuya Jovs sa mga pumapasok na ideya sa utak ko. But who cares! I'm inlove with her. Gagawin ko ang lahat mailabas siya sa misery na napasok niya. Gagawin ko ang lahat makuha niya lang ang buhay na dapat ay ibinibigay ni Kuya sa kanya.
" What do you want me to do, Ate Rachel? "
" Alisin mo ako dito. Itakas mo ako, kami ni Raven. Miko ikaw na lang ang pag-asa namin. Hindi ko na siya kilala Miko. Mas lalong nagiging worst si Vladimir. Ayaw kong humantong sa punto na mawalan na ako ng respeto sa sarili ko dahil sa ginagawa niya. "
" Sige, Ate. Ilalayo kita kay Kuya " Mabilis pa sa alas kwatro ay tumayo ako't nagbihis.
" I'll be there in 30 minutes. Prepare all your things. Susunduin ko kayo. "
Binabagtas ko ang daan papunta sa bahay nila na may dalang kaba at takot sa dibdib. Kaba sa maaring maging posibilidad ng mga gagawin ko. Takot dahil baka mahuli kami ni Kuya sa gagawin ko.
Kung anu anu na ang pumapasok sa isip ko pero iisang bagay lang talaga ang mas nananaig.
Kailangan ko siyang mailayo. Kailangan ko siyang mailigtas.
" Ate Chel! " 'yun ang bungad ko sa kanya. Mabilis kong kinuha yung mga bagahe nila't iginabay sila papunta sa kotse. I took a last glance sa bahay habang papalayo kami.
" Sorry Kuya. " paulit ulit kong bulong habang lumalayo.
" I'm sorry Miko. " tipid akong ngumiti saka pinagmasdan ang anak nilang mahimbing na natutulog sa tabi.
" Ginagawa ko 'to para sa ikabubuti ng buhay niyong dalawa. "
" salamat. " Mabilis ko namang hinawakan ang mga kamay niya.
" Anu ng balak mong gawin ngayon? "
" Magsisimula ng bagong buhay. Bagong buhay kung saan wala si Vladimir na nagko-kontrol sa akin. "
saglit ay napatingin ako sa kanya. May kung anung masidhing damdamin ang nagsisimulang mabuo sa puso ko." Buhay ng anak ko ang nakataya sa relasyon namin. Hindi ko kakayanin na madamay pa siya. Sa Lugar na pupuntahan namin. Bubuo ako ng bagong buhay na malaya. "
" Let me be with you, Hayaan mo akong samahan ka sa bagong buhay na tatahakin mo. "
" Miko. " may pangamba sa tono ng boses niya.
" Alam ko Ate Chel, handa akong traydurin si Kuya para sayo. Alam mo naman na Mahal kita diba. "
" Miko. Infatuation lang yang nararamdaman mo sa akin. " hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.
" Rachel Anne naman. Hindi ko gagawin ang bagay na 'to kung infatuation lang ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita. Kung magMo-Move on ka man kay Kuya. Hayaan mo akong tulungan kita. Hayaan mong ako ang mag-alaga sa puso mo. Chel, bigyan mo naman ako ng pagkakataon. Mapatunayan sayo na mahal na mahal kita. " panandalian akong tumigil dahil sa panlalabo ng mata ko. Mabilis na bumuhos ang mga luha sa mata ko. Namumuo ang emosyon sa puso ko. Mahal ko siya. Mahal na Mahal pero bakit hindi niya ako hayaang mapatunayan sa kanya ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!