KIANNA
Sumilay ang mga ngisi sa labi ko habang nakatingin sa kanya. Sa katawan niyang walang buhay. Sa mga mata niyang nakapikit at mukhang payapang natutulog lamang.
May kung anu sa puso ko ang sumisigaw sa kasiyahan dahil sa nagawa ko.
" Sa wakas. " tangi kong nasambit. Nakayukom ang mga kamay at hindi mapigilan ang emosyon na naging halakhak.
" Naialis na kita sa landas ko. " bulong kong muli saka naupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko muna siya habang inaalala ko lahat ng atraso niya sa akin.
" Bea De Leon " nakangiting pakilala niya saka inabot yung kamay nito sa akin. Mabilis ko naman 'tong inabot ng may ngiti rin sa aking labi. First time in my life that I met someone na hindi ako hinuhusgahan sa pagiging AKO. Someone in my life na kagaya ko at naiintindihan ang damdamin ko. Hindi ko alam kung saan ilagagay ang kasiyahan sa puso ko. Ikaw na ang hinihintay ko.
" I'm Kianna Dy, Nice to meet you. "
We've became best of friends. Takbuhan ang isa't isa kapag may kailangan o problema. Laging magkasama halos hindi na rin mapaghiwalay. Buntot mo ako sa mga lakad mo. Same with me also. Kambal na nga ang tawag nila sa atin dahil halos lahat ng bagay parehas tayo. Lagi tayong nagkakasundo. Mag-aaway man tayo ay agad nating naayos. Alam na natin ang ugali ng isa't isa pati na rin ang liko ng ating bituka at mga ugat sa katawan. You're the best sibling I ever had in my life.
Ikaw ang sandalan ko sa lahat ng oras. Halimbawa na nga tayo ng Bestfriends Goal e.Ngunit akala ko. Laging masaya ang lahat. Laging maayos ang lahat. Lagi tayong magkakasundo at forever na ang friendship goals natin.
Nagkamali ako.
Pagtungtong ng kolehiyo. Naging ANINO mo ako. Ikaw ang laging Magaling, Ikaw ang laging Matalino, Ikaw ang Sikat, Ikaw ang maraming Babae.
Hindi ako naiinggit. Masaya ako sa meron ako.
Naiinis lang ako dahil LAHAT sila. Ikaw ang nakikita. Kumbaga ikaw ang Liwanag at ako ang Dilim. Ikaw si Bea De Leon ang Campus Heartrob samantalang ako. Si Kianna Dy isang simpleng Mag-aaral.
Ayaw na ayaw kong ipinagkukumpara sa iba lalo na sayo pero 'yon ang lagi kong nakukuha mula sa mga labi nila.
"Mas magaling si Bea sayo!"
"Oh! Mas Mataas si Bea sayo!"
"Pangalawa ka lang sa Klase!"Pinilit kong kumalma at ipagsawalang bahala ang lahat. Pinilit kong magbingi-bingihan sa lahat ng naririnig ko't nakikita.
Bakit?
Kaibigan kita. Bestfriend kita at handa akong magparaya sa abot ng makakaya ko. Handa akong mapunta sa likod mo't nagtatago habang nasa iyo ang atensyon nila.
Dala ng kasikatan mo ay dahan dahang lumayo ang loob mo sa akin. Dahan dahan ay nawalan ako ng bestfriend pero tinanggap ko yun. Mahalaga ka sa akin e. Mahalaga ka na kahit ako na ang gumagawa ng Assignments at Project mo. Ako na ang nagpapakahirap magReview at bibigyan ka na lang ng Kodigo para sa Exams natin kahit na ang Thesis na tayong dalawa dapat ay Mag-isa kong ginawa.
Bestfriend kita kaya kahit anung mangyari sasaluhin ko ang mga bagay na nakakaligtaan mong gawin.
Akala ko mananatili sa mahabang panahon na nasa likod mo lang ako. Na Anino mo lang ako. Na lahat ng atensyon nila ay nasa iyon. Ngunit nagbago yun ng makilala ko siya.
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Losowetangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!