I'M WAITING (BerZon)

1.4K 21 5
                                    

Nicole Tiamzon x Kathy Bersola

NICOLE

Agad akong napabuntong hininga..

"Woah! Nics! Tulooong!" agad akong napabalik sa realidad ng marinig ko iyon.. Then I found Justine Tiu's grin on her face..

Tinignan ko siya ng masama saka pinanlakihan ng mata..

"Akala ko kung anu ng nangyari sayo Tiu-choo " singhal ko .. Nagpeace sign naman ito..

"dapat iyan ang tinatanong ko sayo..Alam mo Nics..Nakakalunod yung iniisip mo.." seryosong sambit niya..

"Hayaan mo na yun.. Wag mo na akong pansinin.." sagot ko saka tumayo na.. Hinila naman niya ako..

"Come on tell me.. Para saan pa't kaibigan mo ko.. I'm your Justine Tiu-choo anyways.." sagot niya saka inabutan ako ng beer in can..

"Seriously?! Papainumin mo ako?!" bulalas ko sa kanya..Nagkibit balikat siya..

"Para maging honesto ka sa mga iku-kwento mo.. Don't worry ako na magpapaalam kay Coach Yee about you.." paliwanag niya.. Naupo naman kami sa bubungan ng dorm.. Don't ask us how we get there.. Kasi kahit ako hindi ko rin alam..

"So anu? Magtitinginan na lang tayo dito?" sarkastikong tanong niya..

Inirapan ko siya..

"Ako na lang kasi.." sambit nito.. Nanlaki naman yung mata ko habang nakatingin sa kanya..

"Pinagsasabi mo?!" bulalas ko..ngumisi naman ito..

"Just kidding..Di tayo talo..Gusto ko lang gisingin yung isipan mo.. " paliwanag niya sabay tungga sa beer in can..

"So Its about her.." sambit niya.. Napatingin ako..Well anu pa nga bang maitatago ko sa Tiu-choo ko..

"Anu pa nga ba..It will always be her.." sagot ko saka bumuntong hininga..

----------

Sobrang laki ng ngiti ko nang malaman ko na sa UP na ako mag-aaral.. Plus the idea pa na Makakasama ako sa Volleyball team nito.. Hindi ko maipaliwanag kung anung nararamdaman ko.. Makakasama ko na kasi si Idol.. Si Kathy Bersola..

"Welcome to the Team Nicole.." bati niya sa akin.. Nahigit ko naman yung hangin.. Pakiramdam ko kasi nawawalan ako ng oxygen..

"Sa..salamat.." nahihiya kong sagot..

"Sus! Wag kang mahiya.. Parte ka na nito .." masayang bati niya saka umakbay sa akin.. Agad naman akong na-estatwa..pakiramdam ko..nakukuryente ako sa sobrang lapit namin..

Everytime na makikita ko siya't makakasama sa practice game o sa mga laro namin..Hindi ko mapigilang mapahanga.. Ang angas niya kasi sa loob ng court .. Pero pagdating sa personal sobrang bait naman niya.. Sobrang caring at sweet din sa mga teammates namin..

"Nice game Nicole.." bati niya saka nakipagHi-five sa akin.. Ngumiti naman ako saka tumango..

"Nice game din Kathy..Ang galing ng mga blocks mo.." puri ko.. Tumawa naman ito..

"Mas magaling ka..Ang lakas mong pumalo .. No wonder bagay ka talaga sa team.." dagdag pa niya.. Napangiti naman ako...Eh sayo..Bagay kaya ako? Napailing naman ako sa naisip ko..

"tara na..Hinahanap na tayo ni Coach.." bulalas niya saka hinila ako..Shet! Hinawakan niya yung kamay ko! Ramdam na ramdam ko yung kuryente na dumadaloy sa katawan ko..Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak sa kanya.. Hawak hawak ni Crush yung kamay ko.. Tama si Crush.. Hindi ko riN maintindihan kung bakit ko ito naramdaman basta ang alam ko.. Mas lalong lumalim ang paghanga ko sa kanya..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon