JULIA
----------
Napanguso ako .. Yun lang ang kaya kong gawin habang nakatitig ako sa damit kong nakakalat..
"Anung gagawin ko?" parang tanga kong kinakausap ang sarili ko.. Well tanga naman talaga..sino ba kasing matino ang magdadala ng maleta na butas..Ayan tuloy lahat ng damit ko nakakalat dito sa airport..
Malay ko bang butas pala itong letseng ito!
Nagpapadyak na lang ako habang nakatingin sa basurahan.. Balak ko kasing kuhanin yung garbage trash at iyon na lang ang gawing maleta..Oo na! Mukha akong tanga't basurera but I have no choice but to do it..
Bumuntong hininga muna ako bago ipagpatuloy ang binabalak ko.. Saka ako dahan dahang naglakad palapit sa basurahan at luminga linga sa paligid..
Nung masigurado ko na wala namang nakatingin sa akin ay pasimple kong tinulak yung basurahan dahilan para kumalat ang laman nito.. Then dahan dahan kong tinanggal yung ibang natitira..
Pigil hininga at pikit mata kong itong ginawa..
Sht! Nakakahiya! Baka ma-Youtube ako nito!
Malapit na..Malapit ng mawalan ng laman..
"Uhm miss.."
"Letse!Ang pangit! " nakasapo sa dibdib kong bulalas .. Napakurap naman ako ng makita ko yung sports bra kong lumulutang sa harap ko..
Teka?! Bakit lumulutang..
Pag-angat ko ng paningin ko ay nakita ko ang isang nakasalaming lalaki.. Kitang kita sa aura nito ang kayabangan..
"Sino ka?!" bulalas ko saka tumayo ng maayos..Syempre para kunyari hindi ko hinalungkat yung basurahan..
"Is this yours?" taas kilay na tanong nito.. Agad ko naman itong kinuha at binulsa..
"Hindi ah.." pagtatanggi ko saka naglakad na palayo..
Sht! Nakakahiya! Ang gwapo pa naman ng lalaki..Ay wait! Yung totoo Julia Melissa?! Maglandi habang may pinoproblema ka pa!
"Miss! Miss!" natigilan ako ng marinig yun..Paglingon ko..Isang gwapong nilalang na naman ang nakita ko..
"Ba..Bakit?" pinilit kong maging natural..Kahit ang totoo ay hiyang hiya ako..Hello mapulot ba naman yun!
"I'm Benjamin.." pakilala nito saka nag-alok ng kamay.. Nagdadalawang isip naman ako dahil galing pa itong kamay ko sa basurahan..
"so? Anu naman.." bulalas ko.. Napakamot naman ito sa batok niya..
"Napansin ko kasing may problema ka.. Gusto ko sanang alukin ka.." sambit niya ..Tinaasan ko naman siya ng kilay..
"Anung aalukin mo? Insurance? Condo unit.. Ay naku! Wala akong pera.." bulalas ko saka nilagpasan na siya agad naman niya akong hinila..
"Hindi ganun.. If you want.. Pwede nating ilagay yung mga damit mo dito sa maleta ko.. Anu kasi..Uhm..Nakakakalat sila.." paliwanag niya.. Tinaasan ko naman siya ng kilay..
"Anung akala mo sa akin?! Baka member ka ng Gang noh!" bulalas ko saka nilagpasan siya..Nahabol naman ako nito saka ako hinarang..
"Ickos Benjamin de Leon
24 yrs. Old .. I'm a business man .. I live at Katipunan, Quezon City.. " nakangiting paliwanag nito..tinaasan ko naman siya ng kilay.."Pakialam ko sa personal info mo.." bulalas ko..
"Well..Nagpapakilala ako sayo para malaman mong hindi ako masamang tao..If you want pwede mo pa Akong picturan ..Para maipa-blotter mo ako kung may gagawin man ako sayong masama.." paliwanag pa niya.. Napairap na lang ako..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Aléatoiretangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!