LIKE I CAN (BEAJIE)

2.5K 46 3
                                    

BENJ TRIZTAN (BEA)

"Baeee!" biglang litaw ng bestfriend ko sabay yakap sakin..

Dug..
Dug..
Dug..
Dug..

Kasabay ng paglapit ng mga balat namin ay ang pagdaloy ng nakakakiliting kuryente sa buong katawan ko..

Saka ang malakas .. Nakakabinging pagtibok ng puso ko..

Sa sobrang higpit ng yakap niya feeling ko gustong kumawala ng puso ko sa ribcage ko dahil sa kilig..

OA na kung OA .. Ganun talaga ang nararamdaman ko sa bestfriend ko eh..

Kaso katulad lang din ng sa iba ayun.. Na bestfriendzone ako..

"oh...Bakit bae?" bored kong tanong..

"Ito naman! Ang ganda ganda ng araw eh..Ngumiti ka naman.." masigla niyang sabi then kinukurot yung pisngi ko and Pinoporma ito ng smile.. Tss..Smile? Bakit ako matutuwa kung alam ko naman kung anu yung ibabalita niya?!

"Tswk..Awnu bwa EhnaJwe.." reklamo ko saka pilit na inaalis yung kamay niya..

"Tss..Masakit yun Ennajie.." singhal ko dito saka minasahe yung pisngi ko.. Sadista talaga nito..

"Sus! Bae naman..Galit ka na niyan..Magkwe-kwento pa nga ako sayo eh.." kinikilig niyang sabi..

"Tss..Oh siya sige na..Sabihin mo na kung anu yang kwento mo.." bored kong sabi..

Agad naman akong inalog alog nito..

"Kyaaaah!!" nakakabinging sigaw niya..

Agad ko naman siyang hinawakan sa balikat..Geez! Kuryente!

"Kalma lang Ennajie Laure!come on..Spill it.. Kung anu man yang ikwe-kwento mo.." irita kong sabi..

"Sus! Ito namang bae ko.. Well.. Boyfriend ko na si JC yung captain ng volleyball boys team natin..Kyaaah! Oh my gash! Bae! " kinikilig na sabi nito..See..Kaya hindi niya ako mapansin kasi kung kani-kaninung lalaki siya nakatingin..

"Tsk..Bakla yun.." bulalas ko..

"aww!" reklamo ko dito

"Hoy! Hindi bakla si JC.. Ang gwapo niya kaya.." kinikilig na sabi nito at mukha bang nagda-daydream..Psh..

"Mas gwapo pa ako din eh.." bulong ko..

"Ha?! Anung sabi mo?" kunot noong tanong niya

"Wala..Sabi ko anyare sa inyo ni Jorel yung Captain ng Tennis Team ?" tanong ko dito..

"Ah yun?! Wala na yun.. Ang boring nun kasama ..puro tennis..Eh wala naman akong alam sa sports na yun.." sagot niya..Napailing na lang ako..Well May PagkaPlay-girl tong bestfriend ko..Yung tipong kapag naboring siya bigla bigla na lang nagpapalit .. Puro team Captain pa ang gusto..Eh anung laban ko?! Hamak na estudyante at bestfriend niya lang..

"Lupit ah..Parang damit ka lang kung magPalit Jie.." pang-aasar ko dito..

"Hoy..Hindi naman.. Sadyang kapag hindi na ako nag-eenjoy sa realtionship Hiwalay na agad.." sagot nito napailing na lang ako..

"Sigurado ka ba jan?" tanong ko dito

"Makasigurado naman! Hmm..I think magkakasundo naman kami..Favorite sports ko naman yung volleyball eh.." sagot nito..Napailing na lang ako..

"Alam mo JIe..Mag-aral na muna tayo ..bago asikasuhin yang bago mong ka-flirt.." yaya ko dito..

"Aray!" reklamo ko ng bigla niya akong batukan..

"Maka-flirt naman! Seseryosohin ko na siya " bulalas niya..

"Tsk..Wag muna..Hintayin mo ako.." bulong ko..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon