JHOBEA SHIPPERS! SORRY NATAGALAN.. ALAM NA.. HELL WEEK LAST WEEK 😑😑😑..
BENJAMIN
Gusto kong mapangiti't matawa sa nakikita ko ngayon.. Si Jhoana Maraguinot na hinahabol si Marci Jeune Bacalla na hinahabol naman yung babaeng nililigawan nito .. Para silang mga tanga na naghahabulan.. Hinahabol ang mga taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay nila ..Hinahabol ang mga taong hindi naman nararapat sa pagmamahal na ibinibigay nila..
Napailing ako..
"Napaglaruan ng tadhana't ni Kupidong Tanga kung pumana.." bulong ko saka ngumisi.. Inihampas kasi nung babae yung bulaklak sa mukha ni Marci Jeune saka tumakbo.. Habang si Jhoana naman nakaalalay dito pero pilit siyang iwiniwaksi palayo..
Gusto ko silang sigawan na..
"Gumising kayo! Wala kayong mapapala sa paghabol " saka ako ngi-ngisi at ipagyayabang kung gaano ako katalino..
Minamahal ko lang kasi ang nagmamahal sa akin.. Hindi ako martyr at lalong hindi ako masokista..
I'm Benjamin Ickos De Leon.. I'm not worth of it.. I'm worth to be love and care.. Kung tinatanong niyo kung anu ako dito? Ewan hindi ko rin alam.. Well Maaring yung Bestfriend ko lang naman yang iniwang mukhang tanga ni .. Gago talaga yun! Akala mo kung sinong gwapo mas na mas gwapo naman ako.. Well ibang usapan na yung kagwapuhan ko..Itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Jhoana..Gusto ko ngayong humalakhak at asarin siya ng tanggihan at dahan dahan siyang iwan ni Marci Pangit.. Gusto kong sabihin na..
"Aww..Jho! Paano ba yan iniwan ka na naman niya! Tigilan mo na kasi iyang pangit na yan! Maghanap ka na lang ng iba na kasing gwapo ko!" napapangisi ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko..Syempre.. Ipapamukha ko lang sa kanya.. Manhid na ata yang bestfriend ko sa lahat ng ginagawa sa kanya ni Marci..
Ngunit parang naiba ata ang ihip ng hangin..Para akong nabuwal sa kinatatayuan ko ng makita ko siyang nauupos na parang kandila.. Kasabay ng dahan dahang pag-agos ng luha sa mga mata niya..
"Jho..Jhoana" nauutal at halos pabulong kong sambit.. Lahat ng kahanginan at kayabangan ko ay napawi ng makita ko kung gaano siya ka down.. Kung paano siya nahulog at mukhang walang balak na sumalo sa kanya..
Dahan dahan akong napasapo sa dibdib ko.. Pakiramdam ko may kung anung tinatarak dito.. Malalim, Mahapdi, Masakit, Nakakadurog..
Unti unting nawala ang mga ngiti't ngisi sa labi ko kasabay ng unti unting pagpait ng mga ngiti ko..
"Mali ito.." bulong na singhal ko saka iwinaksi ang tingin sa kanya.. Ngunit kahit anung gawin ko pilit pa ring nakukuha nito ang atensyon ko kasabay ng dahan dahang pagalaw ng katawan ko palapit sa kanya.. Kahit anung gawin ko..Alam kong hindi ko na ito mapipigilan pa..
"Jhoana.. " sambit kong muli saka sinalo siya .. Mahigpit naman siyang napayakap sa akin kasabay ng paghagulhol nito..
Ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng damit na suot ko pero ipinagwalang bahala ko ito bagkus ay niyakap ko rin siya ng mahigpit saka dahan dahang hinaplos ang likod niya..
"Be..benjamin.." she managed to said between her sobs.. Kasabay pa nito ang pagluha niyang muli..
"Sssh.." Pag-aalo ko't pagpapatahan sa kanya ...
"Ba..Bakit ganun? Ma..Mahal ko naman siya.. Ba..Bakit hindi niya makita yun?" namamagang mata't ilong na tanong niya.. Inabutan ko naman siya ng panyo't tubig..
"Ganun lang talaga yun.. Hindi kasi lahat ng mahal natin dapat din tayong mahalin.." sagot ko.. Somehow nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko..Para akong tinamaan hindi ko naman alam kung bakit..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
De Todotangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!