BEA
Nanatili akong nakatayo sa harap ng bahay niya, hawak hawak ang isang malaking board " Sorry na babe, Bumalik ka na sa akin please. " Pakiramdam ko ang board na 'to ay ang puso ko-- puso ko na ibinalik niya sa akin, Umaasang dadating din ang araw na kukuhanin niyang muli.
" Kianna. " I keep calling her name pero ni pagsilip sa bintana hindi niya magawa.
" Babe, sorry please. Bumalik ka na sa akin. " I keep shouting words I want to say to her to catch her attention pero ni paglabas sa bahay niya hindi niya magawa.
Aaminin ko. Inaamin ko.
Kamalian ko naman kung bakit kami nagkaganito, kung bakit kami nauwi sa ganito.
Inaamin kong wala akong panahon para sa kanya, Ni oras para kamustahin o I-text man lang siya ay hindi ko magawa. Hindi ko siya masundo o mabisita man lang sa school niya. Hindi ko man lang siya mabigyan ng bulaklak o tsokolate tuwing espesyal na araw namin.
Inaamin ko na wala akong kwentang kasintahan niya, na hindi ko maiparamdam ang pagmamahal ko sa kanya sa simpleng bagay, na hindi ko maibigay ang presensya ko sa lahat ng oras.
Hindi naman porket na ganun ay nangangahulugan na hindi ko siya mahal. Mahal na Mahal ko siya. I love her more than anything even to my own life.
Mahal na mahal ko si Kim Kianna Dy. She's my everything and my world.
I'm just preparing for my plan. Preparing to ask her to be my future. Preparing to ask her hand for the marriage.
Hindi ko naman akalain na mapapagod siya. Na susuko siya. Na darating siya sa punto na tatapusin na niya ang kung anu man ang meron sa amin.
I begged to her. Sinabi kong mahal na mahal ko siya pero naging sarado ang isip niya para umintindi, naging sarado ang puso niya para umunawa. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na..
" babe, I'm sorry kung nagkukulang ako sayo. I'm just doing something. Something for our future. I want to ask you to be my wife pero kailangan maging stable muna ako para may mapatunayan sa pamilya mo't sa mga humuhusga sa atin. Can you wait for a while? Please hold on with my words, Please trust me. "
" Kianna! " bulalas ko. Iniluwa kasi siya ng gate nila. She's wearing a simple knee length dress.
" Your still here bea? "
" Yes, May ipapaliwanag kasi ako sayo. "
" Para saan pa Bea? I told you! Tapos na tayo! Wala ng tayo kaya yung mga paliwanag mo! Wala ng halaga pa! " Mabilis naman akong lumapit at niyakap siya. Maagap naman niya akong tinulak palayo.
" Babe naman, Please listen to me first. Hayaan mo kasi akong magExplain. " pilit kong hinahawakan ang kamay niya pero iwinawaksi niya rin yun.
" Bakit pa?! Pagod na ako! Pagod na ako sayo Bea. Ayoko na! " then tinulak niya akong muli. Lalapitan ko pa sana siya ng may dumating na Ducatti sa harap ko.
Marck Espejo.
She didn't took any glance on me nung niyaya siya ni Marck. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Nanigas ako habang pakiramdam ko Ay dahan dahan akong pinapatay.
Hawak hawak ko ang singsing na dapat ibibigay ko sa kanya. Ngunit sa pangyayari na 'to. Sa pagsama niya sa kanya't unti unti nilang paglaho sa paningin ko na magkasama.
I found myself holding nothing.. Nothing but a broken shattered heart.
FIN
Hi beh! @tweetinebird sabi sayo wala akong maramdaman na emosyon e.
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!