LITTLE THINGS (ELLMAE)

2.9K 85 3
                                    

DON'T FORGET.. HIT THE VOTE AFTER READING!!

Your hand fits in mine like it's made just for me

But bear this in mind, it was meant to be

And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks

And it all makes sense to me...

MAE

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya habang nakatingin sa kanya..

Agad akong napangiti kong gaano ako kaswerte na nasa tabi ko siya..

Kung gaano ako kaswerte na binigyan niya ng kulay yung mundo ko..

Kung gaano ako kaswerte tuwing kikiligin ako sa pag-aalaga niya..

Pero..

Pero ..

Napailing ako sa mga Naisip ko..

Napawi lahat ng ngiti sa labi ko..

Hindi niya pala alam..

Wala pala siyang alam ..

Hindi niya alam na mahal ko siya..

Bakit?

Natatakot ako..

Natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin..

Natatakot akong mawala lahat lahat ..

Natatakot ako dahil hanggang bestfriend lang ang tingin niya sakin..

Hanggang doon lang..

Pinagmasdan ko na lang siya habang natutulog siya..

"Bakit ba ako Patay na patay sayo Donya? Eh ang takaw takaw mo.. Ang liit liit mo? Bakit nga ba? Dahil opposite attracts?" kunot noong tanong ko sa kanya ..as if namang sasagutin niya..

"Hoy! Mae.. Kapag ayan sumagot..Ay mali nagising tsk..tsk WORLD WAR III na.." pananabla ni Aly sa likod ko

agad ko naman siyang nilingon..

"Hindi naman siguro..Susuhulan ko lang ng pagkain.." pabirong sabi ko

"Hahaha.. Teka! Tama ba yung pagkakarinig ko?" kunot noong tanong niya..

Napalunok naman ako saka tumango..

"Hahahahaha! Lupit! Nilait mo muna bago ka bumanat ng opposite attracts!" natatawang sabi nito saka tinapik ako sa balikat..

"Hahahah..Idol na kita.." dagdag pa nito..Napailing na lang ako..

"Wag mong sabihin yun ah.." pagsusumamo ko dito

tumango naman siya..

"Bakit ba kasi ang Torpe mo! Ligawan mo na kaya.." bulalas nito

"sinong liligawan mo Poste?!" biglang bulalas niya..Agad namang nanlaki yung mata ko saka napasapo sa dibdib..

"Gising ka na?!" bulalas ko

"Ay hindi.. Kaluluwa ko to tapos yung katawang tao ko tulog pa.." pananabla niya..

Agad ko naman siyang kinunutan ng noo..Lakas talaga mambara eh..

"Tss.. So sino ngang liligawan mo" kunot noong tanong nito..Agad ko namang tinignan si Aly para humingi ng back-up..

"Ha?! Wa..wala si anu yun" singit ni Aly..agad siya nitong tinignan ng masama..

"Ikaw.." bulong ko

I won't let these little things

Slip out of my mouth

But if I do

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon