JiBea

1.4K 30 99
                                    

BEA

" Hello? " pupungas pungas ako't kinusot ang mata ko habang sinasagot ang tawag na 'yun. I checked the time and It's already Two o' clock in the Morning. Sino naman kaya ang tao na mambubulabog sa napakahimbing kong tulog.

" Uhm. Can I talk to Ms. Bea de Leon? "

" Speaking, why? "

" Uhm, Pwede niyo po bang sunduin si Ms. Morado dito. " mabilis pa sa alas kwatro ay tumayo ako't nagbihis saka ko mabilisang pinuntahan ang lugar kung saan siya susunduin.

.
.
.

" Julia! " I hissed. Mabilis kong inagaw yung shot glass na hawak niya.

" *Hik* Hi Be*hik* Bea! "

" Umuwi na tayo ." Mabilis naman siyang umiling sabay kinuha ung shot glass ko at ininom.

" Noo! I'm still *hik* enjoying this *hik* place and the night! "

" Julia anu ba! Lasing na lasing ka na! " reklamo ko. Namumungay na kasi ang mga mata niya't halatang wala na rin sa sarii dahil pagewan gewang na siya kahit nakaupo pa lang.

" Julia come on! It's already Two Thirty in the Morning! "

" Noo! If you *hik * want you can *huk* join me! " Wala akong nagawa kundi tumayo't titigan siya habang naglalasing. I don't have any idea kung bakit niya 'to ginagawa. Maayos naman siya nung last time na nag-uusap kami.

Tuwing susubukan niyang uminom ay inaagaw ko 'yun. Mabuti na lamang at meron akong high tolerance sa alak.

" Whoo! Party! " sigaw niya. Nagbabalak pa yatang sumigaw 'to kaya mabilis ko siyang hinila para umupo muli.

Hours had passed at mukhang tinamaan na siya't nakatulog na. Pagtingin ko. Five o' clock na. Mabilis ko siyang inuwi't dinala sa bahay niya.

Akmang tatalikod na sana ako ng maramdaman ko ang pagkapit niya sa kamay ko.

" Bea, Bea, Mahal na Mahal kita. Bea please. Ako na lang, Tayo na lang." Napatungo ako't napakagat sa labi ko.

" Bea please. Mahalin mo na rin ako. " paulit ulit niya pa iyong niyugyog. Wala akong nagawa kundi ang manatiling nakatayo.

Nung matapos na siya sa kakasigaw ng pangalan ko't mahal niya ako ay hinarap ko siya. Pinagmasdan ko lang siya habang mahimbing na siyang natutulog at nakanguso pa.

Doon ay hindi ko naiwasang umupo para magpantay kami, nang mas lalo kong natitigan ang mukha niya'y gumuhit ang lungkot sa aking labi.

Inilapit ko ang labi sa noo niya't binigyan siya ng masuyong dampi ng labi.

" I'm sorry Julia, I know mahal mo ako. Mahal din naman kita e. It's just that. Bawal, Hindi pwede, Hindi maari. Natatakot ako sa sasabihin o iisipin ng ibang tao sa atin, Natatakot ako sa pagtanggap ng mga pamilya natin, Natatakot ako sa maari nating kahantungan. Patawarin mo ako, Oo duwag ako. Oo takot ako, Oo hindi kita kayang ipaglaban, Oo hindi ko kayang panindigan ang pag-ibig ko sayo. Sorry. Hindi ako ang taong nararapat sayo. " Then tumayo na ako't naglakad palayo bago ko isara ang pinto ay nagnakaw muna ako ng tingin.

Buntong hininga yun lang ang tangi kong nagawa habang dahan dahang isinasara ang pinto.

Hindi ako ang nararapat sa kanya.

There's someone out there na mas kaya siyang ipaglaban at panindigan. Magiging masaya na lang ako dahil Hindi ko siya kayang ipaglaban.

FIN

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon