JIRAH
-----------------
Napatingin ako sa kawalan habang nararamdaman ko ang paghampas na malamig na tubig sa aking mga paa kasabay ng malamig na pagsimoy ng hangin galing sa hilaga ..
Palubog na ang araw .. Isa sa napakagandang scenaryo na makikita ng tao sa kanyang buhay pero nakakaramdam ako ng kalungkutan habang dahan dahan itong nawawala ..
Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang lumulubog ang paa ko sa malilit na bato ng buhangin .. Nag-iiwan ng marka ang aking paa sa bawat pagtapak ko pero mabilis rin iyong nawawala kapag nababasa ng tubig dagat ..
Nanunuot sa katawan ko ang malamig na pakiramdam .. Pakiramdam na hindi ko alam kung paano maiaalis ..
" Brrr .." Saka ko niyakap ang sarili ko .. Napailing na lang ako saka naupo sa maputing buhangin ng beach na iyon .. Nababasa pa rin ang paa ko ng tubig dagat na mas lalong nagpapabigat sa nararamdaman ko ..
Naghahanap ako ng inspirasyon para sa gagawin kong kanta .. Iyon sana ang hinahanap ko dito kaso nung nandito na ako .. Isang napakalungkot at nakakangulila na pakiramdam ang nanuot sa katawan ko ..
" Tsk .. Ang lakas mong makapag drama Jirah! " I hissed saka pinagmasdan na lang yung langit na nagsisimula ng punuin ng bituin ..
Buti pa ang langit may pumupuno sa kanya .. Ako? Wala .. Mag-isa .. Nag-Iisa ..
Inilabas ko yung notebook at lapis ko saka nagsimula ng mag-isip ng kataga na nababagay lapatan ng tono ..
Wala naman akong inspirasyon .. Hindi rin ako umiibig kaya ang hirap humugot .. Mabuti na lang tumutulong ang kalikasan sa mga ganitong aspeto ng buhay .. Napipilitan kang MagDrama ng walang dahilan ..
Madilim na ang langit ng mapagpasyahan kong tumayo na.. Nakagawa ako ng ilang pangungusap pero alam kung kulang pa rin ito ..
" Single naman ako pero bakit nakakalungkot talagang tumingin sayo? " Tinutukoy ko ang tubig na may repleksyon ng bilog na bilog at maliwanag na buwan .. Ewan ko ba! Ang labo ko ata .. Hindi ko alam kung bakit ganito .. Dapat kapag nasa beach ka ay masaya ka ..
Napapikit naman ako ng tamaan ng maliwanag na sinag ang mata ko .. Pinilit kong inaninag kung saan iyon ng galing .. O kung anung bagay ang pinagmumulan noon..
Doon ay natagpuan ko ang isang boteng lumulutang .. Gusto ko sanang pabayaan na lang iyon pero may kung anu doon na humihila sa akin papalapit .. Walang pang ilang segundo ay napagpasyahan kong basain ang sarili ko at languyin ang kinaroroonan noon ..
" May sulat? " nagtatakang sambit ko habang nakatingin sa loob nito .. May Puting papel sa loob ng bote .. Nakaselyo pa nga ito ..
Pagdating sa kalupaan ay mabilis ko itong binuksan .. Nung magtagumpay ako ay dali dali kong kinuha ang papel ..
" Kung sino man ang makatagpo nito't makakuha .. Ikaw ang destiny ko .. Ikaw ang soulmate ko .. Ikaw ang half of my heart .. Balang araw .. Balang araw magkikita tayo at Ikaw ang makakatuluyan ko .. " Bumulinghit ako ng tawa pagkatapos ko iyong mabasa .. I mean sinong baliw ang magsusulat nito .. Hindi ko alam kung may Saltik o ang lakas mang-trip ng nagsulat nito .. Okay .. Ang labo kasi ng nilalaman nito .. Magiging sila?! Destiny?!Soulmate at kung anu anu pang napakalabong romantikong salita ..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Разноеtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!