DIANA
Dear Maria Lina Isabel Molde,
*breathe in* *breathe out*
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang liham na 'to. Hindi ko alam kung anu ang mga tamang salita para masabi ko ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kasi maipaliwanag, Mukhang walang tamang salita na makakapaglarawan nito. Ganito na lang.
Unang kita ko pa lamang sa iyo noon ay naramdaman ko na ang kakaibang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko gusto nitong lumabas sa puso ko. Unang kita ko pa lang sayo may Atraksyon na agad na naganap. Iyon ata yung Love at First sight. Alam ko na rin na ikaw ang gusto kong makasama sa buhay.
Araw araw ay dumadaan ako sa building niyo kahit sobrang layo sa building namin masilayan lamang ang ngiti at tawa mo. Hindi ko alam. Nabubuo kasi nun ang araw ko. Binubuo mo ang araw ko.
Noong Nagtagpo ang landas natin dahil sa pagkakatama ko sayo ng bola ay walang mapaglagyan ang katuwaan sa puso ko. Natameme pa nga ako't nautal sa harap mo. Nakakahiya pero Ginamit ko yung pagkakatama ko sayo para mapalapit ka sa akin. Hindi naman ako nagsisi dahil napakabuti mong tao. Madali kang mapalagayan ng loob.
Nang Lalong mas lumalim ang pagkakaibigan natin ay nagpasya akong umamin. Akala ko matatakot ka kapag sinabi ko ang nararamdaman ko sayo pero taliwas iyon dahil doon nagsimula ang kwento ng pagmamahalan natin. Doon nagsimula yung Ikaw at Ako.
Araw araw walang sawa kong ipinaramdam sayo na mahal kita kahit sa simpleng bagay. Hatid sundo kita. Lahat ng kailangan mo ibinibigay ko.
Alipin mo ako Isabel. Alipin ako ng pagmamahal ko sayo.
Ikaw na talaga ng depinisyon ng perpeksyon sa akin, bawat araw ay mas lalo akong napapamahal sayo. Isa, Dalawa, Tatlong taon tumagal ang relasyon natin. Aaminin kong marami akong naidulot na sakit ng ulo, Sakit sa puso ng mga simpleng pag-aaway natin. Marami akong kasinungalingan at Kagaguhan na nagawa sayo. Mga pangakong hindi natupad pero nanatili ka pa rin sa akin. Nanatili ka sa tabi ko.
Minsan tinanung ko ang panginoon, anung meron sa akin at ibinigay ka? Sa kabila ng pagkukulang ko sayo at sa relasyon natin. Andyan ka pa rin at hindi nagsasawa. Napakaswerte ko sayo kahit saang aspeto ko pa tignan kaya pakiramdam ko minsan ay hindi na ako nararapat sayo pero ikaw si Isa Molde. Lagi mong pinaparamdam na ako'y sayo at ikaw ay akin lamang.
Happy 10th Wedding Anniversary Maria Lina Isabel Molde-Carlos. Sampung Taon na kitang asawa pero bawat araw na kasama kita hindi ko pa rin maiwasang mamangha at lalong mahulog sayo. Sa tingin ko ay natural na 'yon sa tinataglay mong karisma na kahit simpleng bagay lang ang ginagawa mo lumalakas na kaagad ang pintig ng puso ko. Araw araw na gigising ako na nasa tabi kita at mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapagmasdan ang taglay mong kagandahan. Araw araw parang bagong mundo pa rin ang tinatahak ko kasama ka. Sa loob ng sampung taon ay nagpapasalamat ako sayo na hindi mo ako iniiwan at lagi ka pa ring nasa tabi ko.
Mahal na Mahal kita Isabel. Masaya akong ikaw ang babaeng makakasama ko sa pagtanda ko.
********
Napapikit ako habang dahan dahan kong isinara ang liham na nasa papel na hawak ko. Nanuyo ang lalamunan ko kasabay ng namumuong hapdi sa puso ko.
Hindi ko na maiaabot sa kanya ang liham na 'to. Kailanman ay hindi na niya mababasa 'to. Mananatili na lamang ito sa aking kamay habang ang papel na mismo at ang tinta ng ballpen ang kumupas kasabay ng panahon o maaring ng luha ko.
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!