I REALLY LIKE YOU ( GONZAQUIS)

2.9K 79 4
                                    

I really wanna stop

But I just got the taste for it

I feel like I could fly with the boy on the moon

So honey hold my hand, you like making me wait for it

I feel like I could die walking up to the room, oh yeah

RACHEL

" Kyaah Grabe ang astig niya talaga..Tapos ang gwapa pa!" rinig kong sabi ng grupo ng mga babae.. Agad namang napakunot ang noo ko..Nakakairita yung mga boses nila.. Pabebe saka parang kinikilig pa sila.. Tss.. Bakit ba nagkalat ang mga ganitong babae sa school na to!

"Oh my! Girls nakita niyo ba si Jovs dun..Ang cool niya talaga!" rinig kong sigaw ng isang babae ulit na kinikilig pero isa lang nagpapantig ng Tenga ko.. J-O-V-S .. Tss..Anu na namang ginawa ng Gonzaga na yun?!

"*ehem* " tikhim ko sa mga nagkwe-kwentuhang Cashier sa tabi ko.. Agad naman silang natigil saka tumingin sakin..

"Anu meron kay Gonzaga?" madiin kong tanong..

Nakita ko namang namula sila at kinikilig.. Tss ..

"Anu na? Sasagot ba kayo?" irita kong tanong saka tinaasan sila ng kilay..

"Uhm..Nandun sa Field..May binubugbog na lalaki.." tense na sagot ng babae.. Agad namang napakunot yung noo ko.. Tss.. Puro kalokohan talaga ang nasa utak nun.. Kaagad akong nagtungo sa field para makita yung Pangyayari..

"Excuse.." maawtoridad kong sabi habang nakikipagsiksikan sa mga kapwa ko estudyanteng nagkakagulo..

Agad na napakunot lalo ang noo ko..Kulang na lang eh magPorma ng diretso ang kilay ko.. Matalim ko siyang tinignan habang nakikipagAway siya sa Dalawang lalaki..

Walang gustong Umawat..Bakit nga ba?

Dahil anak siya ng May-ari ng school na to..

Napailing na lang ako habang tinitignan siya..

Paano ko sasagutin ang isang taong wagas kung makipag-Away..

JOVELYN GONZAGA

Matagal ng nangungulit pero hindi ko siya pinapansin.. Bad Influence lang siya.. Wala nang ginawa kundi ang makipag-away..Dakilang bully..Kaya nga iniisip ko..Trip lang ako ng taong to eh..

Nung maitumba na niya yung dalawa agad siyang nagpunas ng pawis sa mukha niya..

Hindi ako manhid para hindi malaman na ang Hot niya tignan kapag ginagawa niya yan..

Agad na nagtama ang mga mata namin..

Ngumiti ito ng pagkatamis Tamis kahit may sugat sa gilid ng labi at galos sa pisngi.. Sa tingin ko nga mas NagpaGwapa sa mukha niya yun eh..Teka! Aish Rachel! Na-aatract ka sa basagulera na yan!

Agad ko naman siyang inirapan saka umalis na sa kumpol ng mga tao..

Rinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko.. Mas lalo kong binilisan ang lakad at hindi siya pinansin..

Late night, watching television

But how'd we get in this position?

It's way too soon, I know this isn't love

But I need to tell you something

"Rachel!" rinig kong tawag sakin ng makalabas ako ng room galing sa last subject ko..

"Rachel!" rinig ko ulit..at alam na alam ko kung kanino galing yun kaya mas lalo kong binilisan yung lakad ko..

"Ooyy.. Rachel Anne Lopez Daquis-Gonzaga!!" sigaw nito kaya tumakbo na ako..Aish nakakahiya! Kailangan bang kumpletuhin yung pangalan ko!at bakit kailangang ikabit yung apelyIdo niya!!

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon