HAUNTED (JIBEA)

1.7K 45 2
                                    

JIA

"Sino daw siya Kim?" tanong ko sa kaibigan kong nurse..

Nagkibit balikat lang siya..

"Hindi ko kilala eh..Dinala lang yan dito galing sa liblib na ospital na pinanggalingan niya..Dinala na siya dito dahil di na kayang matustusan yung pangangailangan niya.. Isa pa..Kulang sila sa mga kagamitan baka daw mas lumala pa ang kondisyon niya.." paliwanag nito..tumango na lang ako habang tinititigan siya ..

Hindi ko naman talaga siya kilala pero may kung anu sa puso ko ang nabubuhay tuwing titigan ko siya.. May kung anu sa isip ko ang nagpupumilit na bumubulong para lapitan siya..

"Bakit kilala mo ba?" tanong nito sa akin..Umiling ako..

"Hindi..Kahit ako ay ngayon ko ang siya nakita.." sagot ko..tumango naman siya bilang pagsang-ayon...

"Pero grabe.. Sabi ng mga nagdala sa kanya..Malala daw talaga ang lagay niya.. Puro galos at sugat ang buong katawan niya..Hindi na nga daw makilala.. Buti na nga lang ngayon at medyo umayos na ang lagay niya.." paliwanag niya ulit.. Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga impormasyon niya pero ayos na rin yun.. Gustong gusto ko talagang makilala at malaman ang lahat ng tungkol sa kanya..

"Anu daw bang nangyari? " tanong ko..hindi ko alam kung bakit marahil dala na rin siguro ng kuryosidad ko..

"Sabi nila nakuha lang daw nila ang lalaking iyan sa gilid ng bangin.. Nasa loob siya ng halos hindi na makilala at wasak na wasak na kotse.. Akala nga nila ay patay na pero agad na gumalaw ang mga kamay niya niya.. Isinugod nila agad kaya ito..Comatose na siya halos mga dalawang taon na.." mahabang kwento niya..

Nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero may kung anu pa talaga sa kaibuturan ng puso ko..

"Nasaan ang pamilya niya?" tanong ko ulit..

"Ikaw ha! Ginawa mo na akong biography niya! Pero sige na nga..Bored naman na ako eh..So ganito nga.. Nagtagal siya ng halos isang taon sa hospital na iyon pero wala talaga daw bumibisita o pumupunta sa kanya.. Grabe..Nakakaawa talaga siya..Pakiramdam ko pa naman gwapo yan.." bulalas niya.. Napailing na lang ako..

"Ayos na Kimmy e.. Seryoso na yung kwento mo biglang naging ganun.." biro ko dito..

"Ito naman..Oh siya..Ikaw na muna ang bahalang magbantay jan..MagRo-rounds pa ako.." paalam nito.. Tumango lang ako saka ngumiti..

Sa hindi malamang dahilan bigla akong dinala ng paa ko sa loob ng kwarto..

Maaliwalas naman ang tanging nagpapabigat lang dito ay siya na mahimbing na natutulog habang may mga tubong nakakakabit sa katawan at katabi ang isang monitor..

Kusang gumalaw ang mga paa ko at naglakad patungo sa tabi niya..

Hindi ko alam kung anung nangyayari basta Naupo ako sa tabi nito at dahan dahan siyang pinagmasdan..

Maaaninag sa mukha niya ang mga galos at sugat na naghilom na dala ng tagal ng panahon..

Dahan dahan ko itong sinipat..

Gaano nga kaya katindi ang pinagdaanan niyang hirap para humantong sa ganitong bagay?

Gaano nga ba kasakit at napunta siya sa sitwasyong ito..

Ang masasabi ko lang sobrang sakit siguro..hindI naman siya magkakaganito kung wala hindi eh..

Sa pagsipat ko sa mukha niya.. Muling nagbalik ang mga alaala sa isipan ko.. Isa sa mga dapat magandang alaala pero ngayon naging sugat na lang at mapait na kahapon na aking pinagdaanan..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon