CHARLEEN
Dear Jovelyn Gonzaga,
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sulat ko na 'to para sayo. Siguro sa isang Hi! Kamusta ka! Isa lang naman akong simpleng tagahanga mo na nagmamahal sayo. Unang kita ko pa lang sayo sa court ay may kakaiba na. Maybe it's the way you play. It's the way you walk or It's the way you serve the ball basta kakaiba. Kuhang kuha mo ang atensyon ko kahit nakatayo ka lang. What I like err no. I love about you? It's your eyes. They are expressive . Kumungusap sila kahit hindi bumubuka ang mga labi mo. Mabait ka rin at Humble. Hinding hindi makikita ang kayabangan sa katauhan mo. Everytime na papanoorin kita ay mas lalo akong nahuhulog sayo. Ngiti mo pa lang at boses ay bumubuo na ng araw ko. Hindi ko maiwasang kiligin tuwing nakikita ka. Kabaliwan na 'to pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Malakas ata talaga ang tama ko sayo Jovelyn Gonzaga!
Sana mapansin mo ako. Sana dumating ang araw na malaman mong may Isang Cha Cruz na nasa mundo mo.
Lagi mong tatandaan. Nasa tabi mo lang ako palagi kahit anung mangyari.I will always be your number One Fan. Forever and Always. Nag-iisa ka sa puso ko. I love you Idol, Jovelyn Gonzaga.
Nagpapansin,
Cha Cruz.Hinalikan ko pa yung litrato niya habang kinikilig ako.
" Babe " Napalingon ako sa pinagmulan nun. Mabilis pa sa alas kwatro kong itinago yung sulat pati na rin yung picture. Hindi niya 'to pwedeng makita!
" Hi babe! " bati ko sa kanya. Napalabi naman ito saka lumapit sa akin.
" May itinatago ka ba? " Mabilis akong umiling saka lumapit sa kanya para yakapin.
" Nagtampo na ang damulag! " bulong ko. Mabuti na lang at nasa likod niya ang mesa kaya inilapag ko doon ang Sulat at Litrato.
Hinarap ko siya saka mabilis na hinalikan sa labi.
" Anu bang inaatupag mo? "
" wala naman. Kung gusto mo! Ikaw ang aatupagin ko. " Then I wink at her. Gumuhit naman kaagad ang ngisi sa labi niya. Hinigit niya ako palapit sa kanya.
" Gusto ko yang ideya mo na yan Babe. " masuyong bulong niya. Napaigtad naman ako dahil nakakakiliti yung hininga niya sa leeg ko.
Napatingin ako sa wall clock na nasa likod niya.
Konting Oras na lang.
" Simulan na natin Babe. " saka ko naramdaman ang mumunting halik niya sa leeg ko.
" Babe! " saway ko sa kanya. Nagkibit balikat naman 'to.
Akmang hahalikan niya na ako ng iharang ko yung kamay ko sa mukha niya.
" Oh bakit? Ikaw ang nagyaya ah. "
" Masyado ka kasing atat. " reklamo ko sa kanya. Rason para mapalabi siya.
" Aray! Grabe ka babe! "
" Happy Anniversary babe! " bati ko sa kanya saka kinuha ang sulat at litrato.
Kunot naman ang noo niya at patuloy na iniintindi ang mga pangyayari. Mabilis ko siyang binatukan.
" Wag mong sabihin na nakalimutan mo na naman Gonzaga?! " I hissed. Mabilis itong umiling. Yes, Si Gonzaga! Yung dating iniidolo at pinapanuod ko lang ay ngayon kapiling ko na. Hindi lang 'yon. We Got married, Three years ago. Simple lang naman ang love story namin katulad ng mga nangyayari sa cliche stories sa libro. She noticed me after ng isa sa mga game niya dahil sa kabaliwan ko. She got my number. Start from the text and social media hanggang sa personal na kaming nag-uusap. Niligawan niya ako then heto na. This is what the love makes us. As the years passed by.
" Hi.. Hindi ah. " pagtanggi niya. Pinanlakihan ko 'to ng mata.
" Oo na. Nakalimutan ko na! Sorry na Babe! Babawi na lang ako sayo! " mabilis ko siyang dinamba para sakalin.
" Nakakaasar ka Gonzaga! Wedding Anniversary natin nakalimutan mo! "
" Sorry na nga Babe! Babawi ako sayo! " Pagkatapos ko siyang sakalin ay pinagpapalo ko siya sa braso.
" Bwisit ka Gonzaga! Hindi talaga kita dapat pinakasalan! "
" Talaga? " Nakangising tudyo niya.
" Patay na Patay ka nga sa 'kin. Inlove na Inlove ka sa kgwapahan ko. diba Babe? "
" Gonzagaaaa! " sigaw ko. Mabilis naman niyang nasalag yung kamay ko't hinigit ako palapit sa kanya. In just one swift. Nagkapalit na ang posisyon namin.
She was on my top now. Grinning like an idiot.
" Happy Anniversary Babe! " bulong niya habang taimtim na nakatitig sa aking mga mata.
" I love you Charleen Abigaile Cruz, Forever and always. " Dagdag pa niya saka dahan dahang inilapit yung mukha niya sa akin. Dahan dahan naman ay nawala ang pagKa-Inis ko ng makita ang maamo niyang mukha.
" Babawi ako sa performance ko ngayong gabi. " she playfully wink at me. Hindi pa man ako nakakapagreklamo ay siniil na niya ako ng halik.
Mukhang babawi nga ang Idol ko este yung babe ko!
FIN
Lame .. Sorry na ✌
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Rastgeletangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!