DIANA MAE
" Si Molde Paasa .. Si Molde pa Fall .. Si Molde hindi pala kayang sumalo .. Hindi dapat tularan si Molde " Bulalas ng one and Only Justine Dorog sa tabi ko with Famous lines niya na naman .. Alam kong nandito na naman yan para asarin ako ..
Napabuntong hininga na lang ako saka pinanuod na lang yung practice game nila .. Nandito lang ako sa bench .. Nakakatamad kasing sumali ..
" Si Carlos Umasa .. Si Carlos na Fall .. Si Carlos tanga kasi nahulog .. Mas Huwag nating tutularan si Carlos .." bulalas niya ulit saka bumulalas ng tawa with matching palo pa sa akin .. Akala niya yata natutuwa ako .. Akala niya yata hindi masakit yung palo niya .. Akala niya yata masaya ako na pinagtri-tripan niya yung apelyido ko ..
" Ititigil mo yan o dadagdagan natin yung shoulder injury mo .. " madiin at maawtoridad kong banggit sa kanya ..
" Sus! Sabi ko nga titigil na ako .. " sambit niya saka umayos ng upo ..
Mahabang katahimikan ang namayani .. Tanging paghinga , Ingay ng sapatos na kumikiskis sa sahig at palo lamang ng bola ang maririnig sa paligid ..
Mas magandang pakinggan yun kaysa sa maingay na katabi ko ..
" Seriously Tots .. ANG TANGA mo .." sambit niya na may diin .. Tinapunan ko na lang siya ng masamang tingin ..
" Sige lang .. Ipamukha mo sa akin! " iritang sambit ko ..
" Katotohanan yun tots! Kasi naman .. Sa lahat ng babae sa team natin .. Kay Isa pa talaga! Alam mo naman yun .. " umiiling na sambit niya ..
" Oo na! " naiiritang singhal ko .. Itanggi ko man o hindi .. Wala na eh .. Hulog na hulog na talaga ako .. Mas malalim pa sa Marianas Trench .. Hindi ko na alam kung makakaahon pa ako sa pagkakalubog ko na ang tanging may gawa lang ay si Molde .. Isamazing talaga siya!
" Oo na ka jan!? Tss .. Alam mo kung gaano ka-Clingy si Isa .. Alam mo kung gaano siya ka-sweet sa lahat ng teammates natin.. Hindi lang sayo! Take note.. HINDI SAYO Takte naman Carlos! Nagpadala ka pa rin! " bulyaw niya sa akin .. Maagap ko namang tinapalan ng tinapay yung bibig niya .. Hindi ko alam kung saan nanggaling yan .. Basta may maitakip lang dahil napapalakas na yung boses niya .. Mahirap na marinig pa ng mga kateammates namin .. Or worst siya!
" Nom ... Nom.. Bwis .. Nom nom .. Ka .. *gulp* "
" aray! " reklamo ko ng pagpapaluin niya ako ..
" Anu ba! Hindi ako bola Jus! " reklamo ko sabay salag sa mga palo niya ..
" Muntik na akong mamabulunan ! Patayin kaya kita Carlos! " boses niya na umalingawngaw sa paligid Kasabay nun ang pagtigil nila sa pagPractice at ang masamang pagtitig sa amin ni Coach Jerry Yee ..
Napalunok na lang ako ..
" Patay .." sabay naming sambit saka nagkatinginan..
" Dorog and Carlos! " bulalas niya ..
" 10 rounds ng pagtakbo sa Oval .. " madiin at maawtoridad niyang sambit .. Nagkatinginan ulit kami .. Seryoso ba si Coach?! Tanghaling tapat kaya!
" Pero Coach .." reklamo ko ..
" No interruptions of Practice Game .. Bawal din ang maingay .." dagdag pa niya ..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!