BeaDdie

2.2K 53 39
                                    

BEA

Malalim na paghinga ang binitawan ko. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa bawat minutong lumilipas kasabay ng pag-gala ng aking mga mata sa paligid. Maaliwalas, tahimik nakakagaan ng pakiramdam kahit saang sulok ka man tumingin.


Maririnig ang huni ng ibon sa paligid kasabay ng pagbukas ng pintuan ng simbahan.


Inilabas nun ang isang napakagandang babae, bumagay sa kanya ang suot niyang simple pero eleganteng wedding dress. Mas lalo itong nagpabilis ng tinitibok ng puso ko na parang hindi na ako makahinga.


Dahan dahan siyang humakbang kasabay ng pagsaliw ng isang romantikong musika. Dala dala ang bouquet ng magagandang bulaklak habang pinagpapatuloy ang paglalakad palapit sa akin. Tila nakatutok sa kanya ang ilaw na mas lalong nagpapatingkad sa gandang taglay niya.


Napahigpit ako ng kapit sa suot ko habang pakiramdam ko ay bumabagal ang oras sa eksena naming iyon.


Madeleine Yrenea Madayag.


Iyon ang pangalan ng reynang dahan dahang lumalapit sa akin.

Ang reyna ko na nagiging dahilan para kapusin ako ng hininga.

-------------

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mainit na yakap sa likuran ko.


" Hubby " I felt the sudden shivers in my guts when I felt her lips on my ear.


" Wifey, stop seducing me! " then hinarap ko siya. She was playfully smiling then wink at me.


" I'm not " then she giggled.


" But you are! You making me felt hot! " Nagkibit balikat naman siya.


" well, I guess your under my charm hubby " Dinakma ko naman siya saka mahigpit na niyakap. I buried my face on her neck then snuffle it. Napaimpit naman siya ng ipilupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya.


" I guess I'm really under your charm, Wifey " I hoarsely said then faced the most beautiful woman I ever seen in my life--Next to my mother. Gently I placed my hand on her cheeks and slowly caressed it.


Matagal kong tinitigan ang maamong mukha ng babaeng mahal ko. Inaalala ang mga pangyayari sa buhay ko na kasama siya na parang kahapon lang. I'm lucky to have her in my life. The most understanding and patience woman I've met.


" Napakaswerte kong akin ka. " masuyong bulong ko habang taimtim na nakatingin sa mga mata niya.


" Ang corny De Leon ah! "


" Seriously speaking, Hindi ko alam kung anung nagawa ko't ibinigay ka sa akin. I will never let you go Wifey, Ikaw na ang present at future ko. " Napanguso naman siya.



" Ang drama mo talaga! " then I felt her warm lips on my cheeks.



" I'm lucky to have you too. Araw araw nagpapasalamat ako na ibinigay ka sa akin. Mahal na mahal kita Hubby Bea De Leon ko. "

" Mahal na mahal din kita Wifey Maddie Madayag, The Queen who owns my heart. "

" And your my King. " she whispered. Then inilapit ko yung mukha ko sa kanya at siniil siya ng halik. Bawat hagod ng labi ko ay pinaparamdam ko sa kanya kung gaano ako kaSwerte sa kanya.

I can't imagine my life without her.

-------------

Mabilis kong inayos ang suit na itim na suot-suot ko. Huminga muli ng malalim habang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa aking mata.

Nung makalapit na siya sa akin ay mabilis ko siyang hinawakan sa kamay.


" Handa ka na bang matali? " tanong ko sa kanya. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi kasabay ng pagliit ng kanyang mata na nagliliwanag. nangangahulugang masaya siya sa mga nangyayari.


Humagikhik 'to saka pinalo ako sa braso.


" Sira ka talaga De Leon! " she blurted.


" Hindi ka ba aatras? "


" Bakit? Gusto mo? " mabilis naman akong umiling.


" Why would I?! " she giggled then kinurot yung ilong ko.


" Thank you Bea. " she said. Tumango na lamang ako saka ngumiti. Saglit kaming nagkatitigan saka ko siya iginayak papunta sa harap ng altar.


Papunta sa taong totoong nagmamay-ari na sa kanya.


" Kianna " I called my bestfriend's name as I held Maddie's hand to her.



" Thank you Bea. " she said then tinapik ako sa balikat.


" No problem. Ingatan mo si Maddie ah! "


" I will, Aalagaan ko ang reyna ko. " Ngumiti lang ako saka tumingin kay Maddie.


" Best wishes for the both of you. " Nakangiting sambit ko at pumunta na sa gilid. Where the bestman/bestfriend belongs.


Maddie and I never end up with each other. Yes, our relationship was perfect but I bet hindi talaga kami ang para sa isa't isa. In the middle of our relationship unti unti na kaming nagkalabuan. Nawala na ang understanding at patience sa isa't isa until I felt na may kulang na sa amin. I broke up with her at nagpakalayo layo. I stayed at States for almost Three years then pagbalik ko I found out that Kianna ---my bestfriend currently dating my ex-girl Maddie.


Maddie found her crying shoulder to her. Naging sandalan niya 'to ng iwan ko siya then sooner their feelings start to develop. She always keep her satisfied and always at her side and made her felt like a Queen in a castle. Kianna fulfilled Maddie's necessity.

Natagpuan niya ang lahat ng bagay na nagkulang o hindi ko naibigay sa kanya nung kami pa.


I sighed as I was looking at them in the altar facing the priest.


Kailangan kong maging masaya kabila ng namumuong pagsisisi sa puso ko.


I regret those shtty reasons why I left her alone. I regret that I broke up with her and let her slip away from my hands.


Nagagalit ako sa sarili ko na naduwag ako at iniwan siya. Ngayon wala na akong kahit anung tsansa pa sa kanya. Wala na akong magagawa sa mga nangyayari sa amin.


Pinakawalan ko siya and now that she found someone better than me. Someone who will never leave her alone. I should be happy even though I know deep inside my heart one thing still remain.


I still love her.


I still inlove with my Queen err. With my bestfriend's Queen now.



" You may now kiss your bride " The Priest said then Kianna took off Maddie's veil as she leans forward to kiss her.


Napapikit na lang ako habang pinipigilan ang mga nagbabadyang emosyon sa mga mata ko.


Habang nakatingin ako sa kanila. Iilang salita lang ang mga namutawi sa aking labi.


" Pipilitin kong maging masaya para sa bestfriend at sa babaeng mahal ko na pinakawalan ko."



FIN

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon