SECOND CHANCE (FATUNAY)

2.6K 48 3
                                    

KIM

Huminga ako ng malalim.. Bago pumasok sa kompanya..

"Come on Kim ..Its now or never .. Gawin mo na to.." mahinang bulong ko saka unti unting naglakad papasok..

"Kim!" bati ni Vic sakin saka nakipagfist-bump..

"Buti naman.. Pumayag ka na pumasok sa kompanya ko.." nakangiting sabi nito..tumango naman ako bilang sagot..

"So anung ...mali sinong nagpapilit sayong pumasok dito?" nakangising tanong niya..

Agad ko siyang tinignan ng masama..

"Hahahha..joke lang kimtot? So sino nga?" ngising tanong nito

"Mela.." mahinang sambit ko
nung makita ko siyang naglalakad ..

"Woah!! Si Fo! Grabe ka kimtot!" sigaw nito na dahilan para manlaki ang mata ko..

"Hoy! Hindi ah.." depensang sigaw ko dito saka agad na tinakpan yung bibig niya

"Hmmm...Pwe!!" reklamo nito saka ako tinignan ng masama..

"Grabe ka talaga Kimtot! So si Fo nga ang dahilan?" tanong nito sakin habang nakangisi..

I just frowned at her..

"Hindi nga Kulit!" kunot noong singhal ko..

"Asus! Don't tell me hindi ka pa rin nakakamove on sa kanya.." ngisi niyang sabi.. Dahilan para mapakunot yung noo ko..

"Hahahah..Hindi pala..Siya pala ang dapat magmove on..May nognog kasi ditong shunga.. Iniwan yung babaeng mahal niya ng wala namang dahilan..So don't tell me ngayon babalikan mo siya!" parinig nito habang nakangisi..

"Hoy hindi ah! Mga kwentong barbero mo eh.." singhal ko.. Agad naman siyang ngumisi..

"Bakit? Hindi mo ba siya Iniwan?" ngising tanong nito..

Agad naman akong napabuntong hininga..

"Oo na..Iniwan ko na siya..At oo tama ka gusto ko siyang balikan.." sagot ko dito..

*poink*

"Aray! Bakit ka ba namamatok?!" reklamo ko dito

"Antanga mo kasi! Teka bakit mo nga ba siya iniwan?" tanong nito..

"Tss..bakit kailangang ibalik yun?" tanong ko dito

"Asus! Dali na bakit mo nga ba siya iniwan? Hindi mo ba alam na halos mabaliw siya kakahanap sayo..Halos sirain niya yung pinto ng unit ko ng hinanap niya sakin..Anung kabaliwan ba ang pumasok sa utak mo ..at iniwan mo siya?" kunot noong tanong nito napabuntong hininga na lang ako...

*Boooogsh*

"The eff.." kunot noong reklamo ko habang nakahawak sa gilid ng labi ko..

"Anung problema mo ? Bakit ka nanapak?!" kunot noong tanong ko.. Problema nito bakit nananapak?!

"Wala lang trip ko lang sapakin..Baka magising ka sa kabaliwan mo at Ikwento na sa akin ang lahat.." casual na sagot nito..

"Aish..Oo na ito na sasabihin ko na.." singhal ko..

FLASHBACK

"Mela..Let's end this..." malamig kong sabi sa kanya over the phone..

"Hahahaha Ki..Kim Joke ba to? Pwes hindi nakakatuwa.." seryosong sabi niya..Agad akong bumuntong hininga..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon