DENNISE
Higit hininga akong napatingin sa kanya.. Hawak hawak ko ang mga kamay niya habang malaya kong pinagmamasdan ang mukha niya..
Marahan kong pinalandas ang mga daliri ko pababa sa ilong niya.. Pababa sa mga labi niya..
Mariin akong napapikit kasabay nang dahan dahang pagbagsak ng mga luha sa mata ko..
Bakit wala akong maramdaman?
Dahan dahan na ba akong namanhid?
"A..Ara.." nanginginig na labi kong sambit .. Pinilit kong pigilan ang mga luhang patuloy na nagbabadyang muli..
Nanlaki naman ang mata ko ng hawakan niya ang mga kamay ko.. Dahan dahang nagbukas ang mapupungay niyang mata.. Bahagya akong napangiti .. Dahil kahit papaano.. Nalulunod pa rin ako.. Nalulunod ako sa tingin niya..
"Den.." sambit niya saka seryoso akong tinignan sa mata .. Napakagat labi naman ako saka pilit na ngumiti.. Ngumiti para hindi niya alam kung anung mabigat ang nararamdaman ko ngayon..
"Ara.." pilit na pinapasigla ang tono sa aking boses.. Kinunutan niya ako ng noo..
"Why are you crying?" punong puno ng pag-aalalang tanong nito.. Pasimple naman akong ngumiti saka umiling..
"Na..Napuwing lang ako.." palusot ko.. Hinawakan naman niya yung pisngi ko saka punong puno ng sinseridad akong tinignan sa mata..
Doon ay dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko't pinahid ang mga luha sa mata ko..
Napakagat naman ako ng labi saka pinipigilang muli ang mga luha..
Miss na miss ko na yung ganito.. Sa sobrang pagkamiss ko..Sa sobrang tagal na hindi ko naramdaman ang bagay na ito..
Parang dahan dahan ng naglaho ang pakiramdam na iyon...
"Don't cry my Love.." bulong nito .. Tumango naman ako saka ngumiti.. Bahagya niya akong hinila saka inilapat sa dibdib niya.. Doon ay pinakinggan ko ang nakakabinging tunog ng puso niya..
Alam ko..Alam kong pangalan ko lang ang isinisigaw nito..
Pero ang tanong sa akin ganun din ba?
O tulad ng iba kong pakiramdam ..Dahan dahan na din itong nawala?
" Dennise.." sambit niya para mapatingin ako sa kanya.. Alam ko namang..Kahit papaano.. Meron pa rin siya sa puso ko.. Ang tangi ko lang talaga sigurong gawin ay maramdaman ko muli iyon..Muli akong masanay sa mga bagay na unti unti ng nawawala..
"You can tell me..Anything you want.. Its my responsible..I mean..Nung sinabi mong mahal mo ako.. Nung pumayag ka na maging tayo.. Yung mga problema mo..Problema ko na rin..Yung mga pasakit sayo..Pasakit na rin sa akin.. Lahat ng kasiyahan mo..Kasiyahan ko na rin.. So you can't tell me anything .. Mga bagay na nagpapagulo ngayon sa isip mo.. Share it with me.. Sabay na tayong haharap nito.. Dahil nung araw na ang sinagot mo sa akin ay Oo.. Binigyan mo na ako ng karapatan na pakialaman ang buhay mo.. Na maging parte ng buhay mo.. " malumanay na winika nito saka hinawakan ang kamay ko..
Mahigpit..
Mahigpit na alam mong hindi ka niya iiwanan..
Mahigpit na alam mong protektado ka niya..
Mahigpit na ngayon ko lang muling naramdaman.. Kaya parang hindi na nasasanay ang sarili ko sa mga pangyayaring ganito..
Gusto Kong maramdaman ang lahat nang ito muli..
Kahit paunti-unti..
Kahit dahan dahan..
"This is just nothing Ara..Trust me.." sagot ko.. Muli ay hinawakan niya ang pisngi ko at pinakatitigan sa mata..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Sonstigestangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!