WHAT DO YOU MEAN

3.2K 35 0
                                    

A Jho,Bea and Therese Story..

BESTFRIEND STORY

Nagpang-abot ang dalawa sa isang reunion para sa kanilang magkakaibigan..

Nabati na ni Johann ang lahat lahat na nasa okasyon na iyon maliban sa kanya..

Ganun din naman si Benjamin, nalapitan na ang lahat at binati maliban sa kanya..

Sa kanyang bestfriend na si Johann.. Mali sa kanyang dating bestfriend pala..

Nang magsalubong sila ay tipid na ngiti ang ibinigay sa isa't isa..

"Anu ba?! Walang balak magpansinan?! Bestfriend kayo ah!" bulalas ni Deann..

Kumunot naman ang noo ni Benj.. Umismid sa tabi si Johann..

"Dati .." sabay nilang sambit at nagkatinginan..Parehas silang napailing..

Agad silang nakaramdam ng pagbigat ng balikat.. Umakbay pala sa kanila ang isa nilang kaibigan..

"Iisang babae lang yan.. Magbati na kayo ..ang tagal na nun ah .." sambit ni Kiann sa dalawa.. Bumuntong hininga silang parehas..

"Tama dati na nga iyon..Nakalipas na..Pareho kaming nagmahal sa isang babae na naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan namin.." wari ng isip ni Johann

"Tama..Dapat ayusin na namin ito..Ni hindi nga nakatuluyan ng isa sa amin iyong babae na iyon eh.." sa isip naman ni Benj..

Pero teka..teka paano nga ba nasira ang pagkakaibigan nila?

---------

JOHANN

ngiting ngiti akong pumunta sa mga kaibigan ko..

Halos hindi ko na maramdaman ang mukha ko sa sobrang pagngiti..

"Oh? Mukha kang timang Johann!" asar ni Deann sa akin.. Inismiran ko lang siya..

"So mukhang goodnews ito.." singhal ni Kiann..tumango naman ako saka ngumiti ng pagkatamis tamis..

"She finally say YES.. Pumayag na siyang ligawan ko siya " sambit ko.. Halata naman sa mata nila ang pagkagulat ..

"You mean si Therese?!" bulalas nila..Tumango ulit ako saka ngumisi..

Ikinuwento ko sa kanila kung paano ko ito napapayag na ligawan siya.. Syempre Sa pamamagitan lang naman ng panghaharana sa kanya..Old style tho..

"Astig! Lupit mo talaga!" bulalas ni Deann sa akin..

"Ako pa ba!" pagyayabang ko saka luminga-linga sa paligid..

"Si Benj?" tanong ko sa kanila..Syempre kung may dapat akong pagsabihan nito ay ang bestfriend ko..

Nagkibit balikat lang sila..

"Pinuntahan yung nililigawan niya..alam mo naman yun..Obsessed ata dun.." paliwanag ni kiann .. Tumango na lang ako..

"Hindi niya ipinapakilala yun anu.." sambit ko

"Alam mo naman yun..Gusto niya kasi kapag sinagot na niya saka niya ipapakilala sa atin.." paliwanag ni Deann..kumunot naman ang noo ko..

"Pangalan nga nun?" tanong ko

"Ah..si Margaurette yun " sagot ni Kiann.. Tumango na lang ako..

"I bet maganda yun..Magaling naman pumili si Benj eh..But I'm sure mas maganda pa rin ang Therese ko.." singhal ko..agad naman nila akong binatukan..

"Bahala kayo! Puro mga Lovelife!" singhal nilang dalawa.. Napailing na lang ako palibhasa ay mga Hopeless romantic kalalaking tao..

.
.
.
.

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon