JeRia

1.1K 19 0
                                    

RIRI

Pinagmasdan ko siya na nagWa-warm up kasama si Mela habang nakangiti .. Hindi maalintana sa mata nito ang pagkalungkot kahit na hindi na namin maabot pa ang Final Four ..

This is our last game against the UP .. Manalo man o Matalo kami wala ng magiging epekto pa sa amin pero syempre mas maganda na manalo kami para kahit sa huling game namin .. Dapat din namin itong maipanalo para sa mga seniors namin na magtatapos na .. We Will fight for their last game sa UAAP ..

" Ri! " Nanigas ako ng akbayan niya ako mula sa distansya namin na ito ay amoy na amoy ko ang mabangong amoy niya na talaga namang nakakapagpapula ng pisngi ko .. Ramdam na ramdam ko rin ang mga kuryenteng dumadaloy sa katawan ako ..

Napalingon ako at kitang kita ako ang ngiti sa mga mata niya ..

" Ang ganda mo talaga .." mahinang bulong ko .. Kulang na lang ata ay maglaway ako sa harap niya .. Iyon naman ang totoo e .. Maganda siya .. No wonder kinuha siya bilang Model at syempre sikat na sikat siya ..

Bumalik lang ata ako sa realidad ng maramdaman kong humapdi yung noo ko .. Napaatras naman ako dahil sobrang lapit niya tapos nakangisi pa siya ..

" Natulala ka na naman sa kagandahan ko Meneses! " Then she chuckled a little bit .. Napaawang naman ang bibig ko .. Ewan ko ba .. Ang sexy kaya ng tawa niya ..

" Ay naku! Malakas na talaga ang tama mo sa akin! "

" Oo nga e .. May gamot ba para malabanan ko ang JZ De Leon Virus?! " Binatukan naman niya ako ..

" Ang baliw mo Ri! "

" Baliw sayo De Leon! " Napaigtad naman ako ng tusukin niya yung tagiliran ko ..

" Lakas mangbola .. No wonder ang dami mong nabibighani .."

" Bakit ikaw? Hindi ko mabighani? " Nakanguso kong sambit .. Napa 'aray' naman ako ng hilain niya ito ..

" Hoy kayong dalawa! Naglandian na naman kayo! " Si Mela iyon na nakapamewang pa ..

" Palibhasa wala ka ng kalandian .. Back off Tunay! " Tudyo sa kanya ni Jz ..

" Ang sama mo kay Ate Mela "

" aba't bastos na bata ito! Huwag mo akong ma-Ate ha! " saka siya lumapit para pingutin niya ang tainga ko ..

Napahagikhik naman ako ..

" dun ka na Tunay .. Nag-uusap kami ni Riri e .." pagtataboy ni Jz ..

" Sus .. Heart to heart talk .."

" Hindi .. Face to face talk .. Magkaharap kami diba .. Shoo! Layas na! " Tinulak tulak niya pa ito kaya napailing na lang ako ..

Yun kasi ang problema kay Jessey Laine Tunay De Leon .. NapakaVocal at harap harapan ko ng sinasabi at ipinapamukha sa kanya na mahal ko siya pero para sa kanya .. Isa lang iyong malaking Lokohan .. Na Trip ko lang siya palibhasa kasi ay mas matanda siya sa akin kaya hindi niya ako siniseryoso ..

Habang nakatitig ako sa kanya na nakikipagbangayan pa rin kay Mela .. Maraming kataga ang pumasok sa isip ko ..

Kailan mo ba ako paniniwalaan? Kailan mo ba ako seseryosohin? Kailan mo ba tatanggapin na sa pag-ibig walang tinitignan na edad .. Kailan mo ba maiisip na seryoso ako sa mga katagang sinasabi ko ..

Kailan mo ba ako makikita bilang si Marivic Meneses na Nagmamahal sayo at hindi na lang isang bata sa paningin mo ..

" Oh .. Wala .. Tulala ka na naman .. Ang ganda ko talaga .." nakangisi niyang sambit .. Inakbayan ko siya tutal medyo mas matangkad ako sa kanya ..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon