NOT A BAD THING ( MARAH)

1.8K 34 8
                                    

JIRAH

Mariin akong napapikit habang bumabalik sa akin ang mapapait na alaala niya..

Hindi ko maiwasang masaktan.. Hindi ko maiwasang madurog .. Mas doble pa sa pagkadurog na nararamdaman niya..
Mas doble pa sa sakit na nararamdaman niya..

Sinong nagsabing madaling mainlove sa bestfriend niya?!

Bwisit! Mamatay na nagsabi nun..

Anung madali sa pagtatago ng feelings?! Yung tipong hindi mo pwedeng ipagsigawan o ipakita kung gaano mo siya kamahal dahil kahit anung pagpapakita mo .. Friendly gesture lang ang tingin niya doon ..No sweet or nakakakilig thoughts..

Sa pagkukunwaring masaya ka sa kanila kahit sobrang nakakadurog na sa loob..

Sa pagsama sa kanya kapag umiiyak siya dahil sa hinayupak na iyon.. Yung tipong iyak lang siya ng iyak pero wala kang magawa kasi Bestfriend ka lang..

Kung pwede lang sabihin na ako na lang.. Tayo na lang.. Hindi kita sasaktan .. Sarap kumanta nang :

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal , hindi ka na muling mag-iisa..Kung ako na lang sana ang iyong minahal , hindi ka na muling luluha pa..Hindi ka na mangangailangan pang humanap ng iba.. Kung ako na lang sana.. "

Kaso anu?! Para masira kung anung meron kayo?! Para masira kung anung pinilit mong buuin.. Para masira sa isang iglap lahat ng taon na pinagsamahan niyo..

Bwisit wag na lang!

Bwisit na bestfriend Zone yan! Sinong nagpauso niyan ng mailibing ng buhay..

Dapat kasi binibigyan niyo ng eyeglasses na may mataas na grado si Kupido! Para hindi siya natatanga sa pagpana.. Para hindi niya napapana yung mga taong masaya na sa iba.. Para walang umaasa , natatanga't nasasawi sa pag-ibig..

Para hindi niya ako napana sa Bestfriend ko na may mahal ng iba.. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito..Hindi ako nalulugmok ng ganito..

---------

"He broke with me.." yun ang bungad ni Marge Tejada sa akin.. Kasama ng namumulang mata at ilong nito..

Ako naman bilang bestfriend niya inabutan siya ng panyo saka inalo't niyakap..

"Ayos lang yan.." common line ng mga nagmamahal na bestfriend .. Kahit na deep inside durog na durog ka na rin dahil sa nakikita mong nasasaktan siya..

"Maghanap ka na lang kasi ng iba.." sambit ko pagkatapos niyang i-kwento kung paano siya lokohin ni Rex at ipagpalit sa iba..

Maghanap ka na ng iba.. Katulad ko..Andito naman ako.. Ako na lang kasi..

Kung pwede lang ipagsigawan sa kanya yun..

Mahal kita..Mahal na mahal to the point na gusto kitang halikan para matauhan ka.. Na ako na lang..Na tayo na lang..

PutangInang Bestfriend Zone..

Humagulhol naman siya saka umiling..

"Ayoko.. Ayokong lokohin ang sarili ko.. Maghahanap ako ng rebound..Para anu?! Patunayan sa kanya na wala na siya sa akin..Kahit deep inside mahal na mahal ko pa rin siya.. Ayokong mandamay pa ng iba.." wika nito.. na nagpadurog lalo ng puso ko..Ipamukha pa sa akin! Edi wow! Siya na ang mahal na mahal mo.. Ako na ang nagmamahal sayo.. Ako na ang tanga sa relasyon na ito..

"Edi wow.." tangi kong nasambit ..

"Aray!" reklamo ko ng batukan niya ako..
"Puro ka namAn kalokohan Jirah! Nasasaktan na nga ako!" bulyaw niya sa akin.. Sinamaan ko siya ng tingin..Nasasaktan din naman ako.. Doble doble pa sa nararamdaman mo..

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon