JhoDdie

1.7K 47 26
                                    

" Sumakay ako ng jeepney,
Ikaw ang nakatabi "

MADDIE

" Ma! Aalis na po ako " Then tumayo ako sa harap niya't inilahad ang kamay ko habang nakangiti ng wagas .. Yung tipong mapupunit na yung labi ko ..

Tinignan niya naman ako na may pagtataka sa mata ..

" Oh? Edi umalis ka na! " Doon ay nawasak lahat ng imahinasyon ko kasabay ng pagkawala ng ngiti sa labi ko ..

Napalabi ako ..

" Ah! Oo nga! " Muli ay napalawak yung ngiti sa labi ko kasabay ng pagkinang ng mata ko ..

" Mag-Iingat ka anak .." saka siya lumapit para hagkan ako sa noo ..

Napapadyak naman ako saka napanguso ..

" Ma .. Yung susi nung sasakyan ko? " biglang nagbago ni Mama .. Nagmukha siyang Amazona na bubuga ng apoy ..

" Grounded ka diba?! " Napakamot naman ako sa batok ko .. Akala ko pa naman nakalimutan na niya yun ..

" Ma naman! Paano ako papasok? Ang layo layo ng Ateneo dito .." reklamo ko ..

" Oh! Edi magCommute ka! May jeep na dumadaan jan sa labas ng subdivision ah .." Nanlaki naman yung mata ko habang nakaawang ang bibig ..

" Seryoso ka ba Ma?! "

Tinaasan niya ako ng kilay ..

" Mukha ba akong nagbibiro?! "

" Sabi ko nga pero Ma! "

" Anu na naman Madeleine!"

" Hindi ko ba talaga pwedeng makuha?! "

" Hindi nga .. Isang linggo pa bago yun makuha .."

Napabuntong hininga na lang ako saka hinalikan siya sa pisngi ..

" aalis na po ako .." Paalam ko .. Napatango naman ito ..

" Mag-iingat ka .." Ngumiti lang ako saka kinuha yung gamit ko't umalis na ..

Mga tatlumpong minuto rin akong naghintay nung jeep .. Madalang lang kasi yun ..

Pag-akyat ko prenteng prente akong umupo sa gitna kaso nung dumami na yung mga tao pakiramdam ko para na akong sardinas idagdag pa ang hotness ko este ng panahon ..

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng maalala kong magbayad ..

" sht .." I mumbled saka muling kinapa yung bulsa ko .. Nung wala akong makapa ay bigla na akong nakaramdam ng takot at kaba .. I also checked my bag pero ang nahanap ko lang ay Notebook at ballpen ..

" damn .." I whisper at hindi na mapakali sa paghahanap ng wallet ko .. shet naman! Hindi pa naman ako naglalagay ng pera sa bulsa ko ..

Habang busy ako sa paghahanap ay naalala kong nailapag ko pala iyon sa may mesa ..

I mentally facepalm myself ..

Perks of not using PUV's everyday ..

Nak naman ng tokwa Mads! Ngayon mo pa naiwan ang wallet mo kung saan naman kailangan .. Ay naku .. Katangahan na talaga ito ..

" Sht .." I silently cursed saka napatingin kay Mamang driver .. Hindi naman niya siguro mapapansin kung hindi ako magbabayad diba?

Ay damn Madeleine! Konsensya mo na yun aber!

TANGLED (Oneshots) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon