Must be post last February 14.. Nahuli lang.. Sana ikatuwa niyo..
Reminder : Fiction lang to..
MADDIE
"Congrats Mads!" bati sa akin nila Ponggay and Wongie.. Ngumiti naman ako saka binati din sila.. Kagagaling ko lang sa labas dahil sa In-interview ako ni Ate Laura..
"Si Bea?" tanong ko.. Ngumisi lang sila saka ngumuso sa damuhong umiinom ng tubig..
"Bea!" sigaw ko saka akmang lalapit na nang bigla na lang nanghila si Therese ..
"Tara na daw sa gitna.." bulong nito.. Napailing na lang ako saka nagpahila...
"Girls.. Warm up na dali.. Malapit na magsimula yung laro.. " bulalas ni Ate Mona sa amin..
Nagsimula na kaming pumunta sa gitna para magWarm-up then as Usual yung after nun yung ginagawa naming habulan na part pa rin ng warm-up..
"Ate.. Kawawa na naman nito si Therese..hahaha " bulong ni Deanna sa akin saka ngumisi.. Nasa likuran ko siya ngayon at yumayakap.. Taya ngayon si Tey .. Mga dalawang beses na siguro.. NagPapalitan lang silang tatlo nina Gizelle at Jenelle sa pagiging taya..
Napatingin naman ako kay Bea.. Kanina pa niya ako hindi niyayakap..I mean pumupunta sa likod ko para magtago..
"may LQ ba kayo Twinny?" bulong sa akin ni tey habang nagtatago sa likod ko..
Umiling naman ako..
"Sa pagkakaalam ko wala naman.. Hindi pa nga kami nag-uusap pagkatapos akong maInterview ni Ate Laura.." paliwanag ko.. Ngumisi naman siya saka tumakbo..
"Hoy Therese!" sigaw ko dahil kakaiba yung pagngisi niya..
"Oh? Teka Bakit hindi ka ata nilalapitan ni Bea? Parang kanina lang hindi kayo mapaghiwalay sa shuttle ah.." bulong naman sa akin ni Ate Jia ginagamit niya akong depensa laban kay Jenelle..
"Malay ko dun..Kinakatok na naman Ata.." bulong ko.. Napailing naman siya..
"Ayusin niyo yan..Valentines day pa naman ngayon..Pusuan..dapat masaya ang waaah lahat! Fix it.." bulalas nito saka tumakbo na.. Nagpout na lang ako saka nakitakbo na rin sa kanila..Pinipilit ko ngang habulin si Bea kaso ayun lumalayo talaga..
"Bea!" sigaw ko..
"Mads! Taya si Bea takbo! " sigaw ni Ate Mae.. Wala sana akong balak gawin yun ng hilain ako nina Ponggay..
"Oyy! I need to talk to bea.." bulong ko..
"Mamaya na Ate.. Takbo ka muna para makaWarm-up ka.." bulong ni Deanna..
"Si Maddie Tayain mo! Siya na lang ang hindi natataya!" sigaw nila..Bea stared coldly at me saka siya bumalik sa bench..
"Tapos na daw yung oras natin.. Magpahinga daw muna tayo saglit.." sigaw niya saka kinuha na yung towel niya..
Kunot noo naman akong sumunod.. Problema nung babaeng yun?!
Naramdaman ko yung pagbigat ng katawan ko..
Nakangising nakangiti sa akin si Jho..
"Suyuin mo..Mukhang nagtatampo na naman ata yung hubby mo.." humagikhik pa siya pagkatapos niyang sabihin yun.. Siniko ko naman siya saka tinulak..
"Bea.." sambit ko saka akmang kukunin yung towel niya para punasan siya nang tumayo ito..
"Ate.. Restroom lang muna ako.. Ang init eh.." paalam nito saka tumakbo na palabas.. Naiwan naman akong nagtataka at nakakunot ang noo..
Problema nun?! Kanina pa Iwas ng iwas.. Halata naman eh..Palusot niya pa lang..Anung ang init ?! Ang lamig lamig nga dito sa Arena! Pero sa tingin ko mas nilalamig ako dahil sa pakikitungo niya sa akin.. Minsan talaga hindi Ko na siya maintindihan..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!