Dedicated to @_patchiii_
THERESE
I was starin' outside the coffee shop.. Mariin akong napailing ng makita ko kung gaano kalakas ang ulan sa labas ..
I sip at my coffee.. Saka huminga ng malalim ..
Hindi ko alam kung bakit pero tuwing umuulan.. Nalulungkot talaga ako.. Siguro dahil sa mga alaala..
Dahan dahang pumapasok sa isipan ko ang mga alaala..
Mapapait na alaala .. Masasakit na dahan dahang dumudurog sa puso ko..
Hindi ko namalayan na unti unti na palang pumatak ang mga luha galing sa mata ko..
Sabi nila kapag mahal ka babalikan ka.. Na kahit gaano kalayo..Babalik at babalik siya sayo..
Nung una kaming nagkita sinabi niya sa akin na iniligtas niya ako sa sakit na dulot ni Benjamin sa akin.. Na Ginagawa niya lang ang tama..
Sabi niya..Knight and shining armor ko daw siya..He will always be my savior ..Lagi akong dadating tuwing kakailanganin ko siya..
Sabi niya Mahal niya ako.. Na Babalikan niya ako..
Na kahit anung gawin ko..Lumayo man ako sa kanya.. Hahanapin niya ako..Hahanapin niya ako't yayakip saka masuyong hahalikan..
Mapait akong napangisi saka napailing..
Paasa siya! Isa siyang malaking paasa.. Pare-parehas lang sila.. Knight in shining armor?! Tagapagligtas?! Pwe! Isaksak niya sa mukha niya yan..Puro siya salita!Lamunin sana siya ng mga salita niyang bulaklakin pero PEKE!
Ilang taon na ba? Ilang taon na ba ang lumipas mula ng sinabi niya sa akin ang bagay na yun? Isang taon? Dalawang taon? PutangIna Limang taon yun! Limang taon ko siyang hinintay at umaasa na magbabalik siya..
Eh anu?! Nasaan na siya ngayon?! Wala..Para siyang bula na biglang nawala..Sana ay tuluyan na siyang mawala! Wag na wag siyang babalik at magpakita sa akin..KingIna niya! Sinungaling siya..Paasa.. Wala siyang kwenta! Magsamasama silang mga lalaki na paasa.. Mamatay na sana sila..Para naman mabawasan ang populasyon ng pilipinas at umiyak..
BAKIT KO BA INAALALA YUN?! NAKARAAN NA YUN.. HINDI NA DAPAT BINABALIKAN ANG BAGAY NA IYON..
Umiling na lang ako saka inubos na yung kape ko at tumayo.. Dapat yung mga ganoong bagay ibinabaon na sa limot..Lalo na siya ang taong may gawa nun..
Bahagya naman akong natigilan ng maalala kong wala nga pala akong dalang payong..
"Ay naku Therese Marie! Susugod sugod ka dito wala ka man lang dalang Sandata!" iritang singhal ko .. Tinitigan ko lang yung ulan at baka sakaling titigil ito.. Kausapin ko kaya? Mag Sun-Dance kaya ako?!
Napailing na lang ako sa mga naiisip kong kabaliwan..
-----------
Sapo ko ang ulo ko habang nakatingin ako sa paligid..
Hindi ko naman bahay to ah?! Hindi rin naman ito Hotel!Wala na kasi akong matandaan basta ang alam ko lang may humila sa akin at tinakpan ako ng panyo sa bibig..saka unti unting nandilim ang paningin ko't nawalan ng malay..
Agad na nanlaki ang mga mata ko! Di kaya?! Shet! Una kong tinignan yung katawan ko..Kung may suot pa ba ako..Kung disente pa ba ako!
"Waaaaah!" sigaw ko nang mapansin kong nag-iba ito! Sht! Nagahasa ba ako?! Dahan dahang nagsilabasan ang mga luha sa mata ko..
"Sht! Wala na.. Wala na yung iniingatan ko.." sambit ko habang humahagulhol.. Napakapit ako sa kumot na nakatalukbong sa akin..Anu na lang ang sasabihin kO sa magulang ko? Paano ko ipapaliwanag ito? Paano kung magbunga ito?! Paano kapag hinanap ng anak ko yung ama niya..Anung sasabihin ko? Anung mukhang ihaharap ko sa lipunan.. Isa akong disgrasayada.. Isa akong single mom! Anung gagawin ko..
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
De Todotangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!