Hindi ko alam kung saan o paano nagsimula ang pakiramdam na ito.
Maari siguro noong unang magtama ang paningin ko sa isang tao na kaparehas ko ng kasarian. Nung oras na naramdaman ko ang pagbagal ng ikot ng mundo ko o pagbilis ng tibok ng puso ko.
Baka naman sa pananamit ko. Dahil mas Gusto ko ang Shorts/Pantalon kesa sa Palda't Bestida.
Dahil mas Gusto kong ang mga baril kaysa sa Manika.
Kasabay nito ang mga tanong sa sarili. Normal pa ba ako? Tama pa ba itong nararamdaman ko? Nasa tuwid na landas pa ba ako?
Noong tumagal ay napatunayan ko na hindi ako pangkaraniwan. Hindi dahil sa isa akong alien na mula sa ibang planeta o bampira .. Hindi ako pangkaraniwan dahil nahulog ako sa kaparehas kong kasarian.
Doon Nasagot ko ang mga katanungan sa utak ko.
Oo, Normal akong tao. Kumpleto ang bahagi ng aking katawan at maayos na gumagana ang isip ko.
Oo, dahil pakiramdam ko Tama ang lahat ng nararamdaman ko kahit na sa paningin at pananaw nila ay mali . Hindi ako ipinanganak para i-depende ang buhay ko sa iba.
Oo. Nasa tuwid na landas pa rin ako. Alam ko pa rin ang Tama at Maling Gawain. Literal. Hindi ko lang talaga kayang kontrolin ang aking damdamin na dapat sa lalaki ako at hindi sa babae.
May mali ba doon? Natural naman siguro ang makaramdam ng ganoon. Paghanga sa parehas mong kasarian? Dahil may mga Katangian siya na kahanga-Hanga .. Wala naman sigurong ang paghanga pagdating sa aspeto ng kasarian. Ngunit bakit ganun? Bakit pagdating sa akin parang mas lumalalim ang paghanga na iyon kasabay ng paglalim nito ay pinu-puno ang puwang na nasa puso ko? Pinupuno ang Pagkatao ko.
Napagtanto ko ng malinawan ang aking kaisipan lalo na ang paghanga ay mas nagkaroon ng mas malalim na dahilan na tinatawag na ' Pag-Ibig '. Isa akong lalaki na nasa loob ng katawan ng isang babae. Isa akong babae na pilit na itinatago ang katotohanan sa aking kalooban.
Mali ba ito? Nakakahawa ba ito?
Bakit ko naisip ang mga bagay na iyon? Dahil iyon ang tingin ng lipunan. Iyon ang iniisip ng nakararami. Iyon ang itinatatak nila sa kaisipan ko. Iyon ang pinakita nila sa mata ko.
Hindi ako Baliw. Wala akong sakit na nakakahawa pero bakit dahan dahan nila akong nilalayuan at hinuhusgahan ng wala namang kadahilanan.
Bakit ganito ang Bayan ko? Bakit Ganito ang Mamamayan ng Lipunang kinabibilangan ko?
Oo .. Malaya ang Pilipinas pero bakit pakiramdam ko ay nakakulong ako .. Nakagapos ang mga kamay habang nasasakal sa aking mga kababayan.Mapanghusga sila't Makitid ang utak. Bakit hindi nila kayang buksan ang puso't isip nila sa realidad? Bakit pilit nilang ipinipikit ang mata at tinatakpan ang tainga sa katotohanan?
Ito ako .. Hindi na iyon magbabago.
Bakit hindi nila kayang tanggapin ang katulad ko?
Bakit tingin nila ay salot ako?
Bakit tingin nila kamalian ito?
Masakit ang mga matatalim nilang salita na dahan dahang dumudurog sa pagkatao ko. Sino ba sila? Tao rin naman sila kagaya ko.
Kakaiba lang ang aspeto ng pagmamahal ko pero pare-parehas lang din kaming nagmamahal.
Ayoko na.
Napapagod na akong umintindi . Napapagod na akong magpaliwanag. Paos na ang boses ko para humingi ng pagtanggap. Hilam na ang mata ko sa mga luhang iniyak sa mga masasakit nilang kataga. Bingi na ang tainga ko sa kanilang panghuhusga. Napapagod na ang puso kong matapakan. Napapagod na ang katawan kong lumaban.Kasabay ng pagtulak ko sa gatilyo ng baril isang kaisipan lang ang nanatili sa aking isipan.
Sana'y Maisip nila. Tao ako. May Karapatan. May Pangalan. May Katauhan. Higit sa lahat may Pakiramdam na katulad ng sa kanila.
****************
Bahala kayong mga mahal kong readers na mag-isip kung SINONG GUSTO NIYONG PORTRAYER ng masakit na litanyang iyan.. Partisipasyon ang kailangan 😂😂
Comment your thoughts ..
Note: wala lang akong magawa 😂 . plus na-Inspire lang ako kay Nautica Cyrene my labs. 😍
BINABASA MO ANG
TANGLED (Oneshots) ✓
Randomtangled adjective : twisted together into a knot. : complicated or confusing. Compilations of Oneshots/Short stories of your favorite/Requested Volleybelles Tandems Full of wrong grammars and typo errors- hey I'm not perfect tho!